Wednesday, April 13, 2011

Nang ako ay inAPE!

Kahapon, right after shift ako ay inape. aheheheh. As in ako ay nag-annual physical exam. Wakokokok. Nag-iinarts lang sa paggawa ng title kaya ganun na lang ang pamagat ng aking post. It's the time of the year nanaman dito sa opisina upang kami ay sumailalim sa physical exam (Hindi sya related sa physical education). Kailangang masusing dumaan sa lab test para ma-chunky check kung kami ay BFAD approved at check na check at corrected by para makapagtrabaho. So no choice at sumunod sa steps. Heto ang kwento ng aking pinagdaanan.

11am ng kami ay natapos sa shift kaya around 11:15 ng kami ay nakababa sa floor kung saan ginaganap ang APE. Pagpasok namin, sinabihan kami na mag fill-up ng form. So kumuha kami at nagulantang. 5 pcs. ng papel ang kailangang pirmahan. Para lang sa APE ay kailangang mapagod ang kamay sa pag-sign. Di naman to autograph at slumbook pero andaming redundant field na kailangang lagyan ng sulat like name, address, cp number, suking tindahan, proof of purchase at signature. Nakakangalay! swear!


So after that pesky shit sheet, pasok na kami sa lab. So si Nurse Joy (hindi nya name), sinabi titimbangin daw ako. Shacks. moment op truth. Nabawasan ba ako o hindi. Aun. Di nia sinabi. puchanggala lang. ahaha. Di ko alam kung tinimbang ako ngunit kulangs. Next ay tinanung ako sa aking height. Dadangkalin daw ako. Wakokokok. Syempre joke yun. Alam ko ang height ko kaya sinabi ko. ahaha. Di ko alam kung accurate lang. wahihih. Next ay blood sample. Inihanda na ang aking pingeringer at pak. Ansakit ng pagkuha ng dugo. Parang ambigat ng kamay ni koyang nars. Grabe pa syang makapiga sa aking dariri. May small teardrop ang lumabas sa left eye ko. ahuhu. 


After ng pagkuha ng blood, im ready for the next one. Urine sample na daw. Ewan ko ba sa mga nars, parang ayaw mag-assist. Kung di pa kami gagamit kokowte, siguro may iihi sa tapat nila. Ayaw nilang magbigay ng instructions. Ang tamod-tamod tamad-tamad nila! So kumuha ako ng test tube at diretcho sa cr. Pagpasok sa cr, bumulaga ang isang lalaki. Parang nag-aabang. lols. Akala ko momolestyahin ang bubot kong katawan. Joke lang. Sya pala ang SuboSugo ng Pasig para sa Drug Test. Di ko pa man nalalagyan ang test tube ng wiwi ay may isa pang container akong lalagyan. Ayun. Iniabot na ang bote ng 1.5 coke at kailangan daw punuin ito. Shet!!! Gagong lalaking yun ah, uubusin ang fluids kow. pero syempre di naman ganun ang nangyari. Di naman talaga 1.5Liters. Di rin kasing laki ng coke in can. Mga bote lang ng vitamins. mga katumbas ng 3/4 cups. So After mapuno ang container, kailangan lagyan din ang test tube. Hassleness!!! Pagkaabot ko ng sample for the drug test, naglabas si koya ng parang sa pregnancy test. Biglang nagkaroon na ng guhit. Syet na malagkit! Akala ko buntis ako kasi andaming linya. Inisip ko, quadruplets and more ba ang isisilang ng bulky tyan ko? wakokokok. Syempre dapat pasado ako, im not drugs kaya. :p Ang wird lang, anlaki ng mga sample container pero mga gapatak lang ang nided. 



BTW, May ibang samples na ang nakuha mula sa ibang nagpapa-drug test. Iba-ibang kulay. At dahil sa sample na iyon, malalaman mo kung ano ang fave drinks ng mga tao sa opis o madalas inumin sa pantry.


Crystal clear color: tubig addict
Slightly yellow: Lemonade
Bright yellow: Pine-orange juice/ Royal
Light brownish- Ice tea
Brownish- Coffee addict (siguro amoy kape pa)
Blackish- Adik sa coke
Redish- Ang rare na Four Seasons drink

After ng weewee sessions, balik kami sa lab, at iniabot na ang samples na nasa test tube. Pumila naman kami sa eye exam. nothing much sa test kasi tatakpan lang naman ang lep en rayt eye mo tapos magbabasa ka lang  ng mga letrang nagdede-evolve o lumiliit. 

Pinapila naman kami para sa check-up sa doc. Closed door check-up. Nagtanung si doc. Like, may lahi ba kayong tomador at mahilig manigarilyo? Hikain ka ba at mga kung ano ano pa. Nagtanung din sya ng ibang bagay katulad ng wat is da esesns op a man. Napasagot na lang ako ng word pis. Then dumating sa point na tinanung kung may almond daw ako. Sabi ko ano po ulit? Almoranas daw. Kung gusto ko daw ba pacheck ang aking wetpaks. pak! No kent be. I repyus! Biglang lumikot ang utak ko. Pak. Baka kung ano-anong pose at pagtuwad ang gawin sa akin ng doktor na yun. Worst comes to worse ay pano kung ang daliri nia ay kasing laki ng daliri ni ET! NO! NO! erase! Buti di mapilits si doc at pinapirma ako na nag-refuse ako. nakahinga na ako ng maluwag.


Next stop, part 2 ng sa drug test. Parang sa NBI clearance daw dito. May picture taking at pingerringer-fingerprinting. Medyo pila balde tapos biglang nagpaskil ng lunch break ng 12. Buti na langs at sumakto pa sa quota at pasok ako bago mag-close ang tindahan. Nung time to shine na, nag-ayos muna ako ng damit ko at sinubukan kong ayusin ang hair ko. Naks. Kailangan presentable. Then sabi sa harap sa camera. Ayun, kailang pose kung pose. Nagbigay ako ng different poses. Pang model ang dating. Nagtry din ako ng jump shot ng nakaupo pero failed. Ayun. Ordinary pic lang ang nakuha nila. Then dinutdot-dutdot ang 10 pingers ko sa nagbliblinkblink na gadget at poof, may kopya na sila ng aking pingerprints. Sana lang wala silang gagawing clone ko. :p

Inabutan na kami ng lunch break kaya nag-antay pa kami ng 1 hour bago makapunta sa final round. 1pm ng kami ay bumaba sa grounds ng building kasi doon nakaparada yung caravan/trailer truck ng X-ray. Sa katirikan ng araw ay kailangan mong mag-antay sa labas upang ikaw ay makuhaan ng picture ng iyong nagbabagang-Baga. Impernes, super quickie ang X-ray, wala pa atang 3 mins.ay tapos na. Mas mahaba pa ang inantay namin na matapos ang lunch break nila.

At dyan nagtatapos ang kwentong ko. Wahahaha. pasesnya na at mahaba at baka napilitan kayong mag skip reads. wakokokokk. Happy Wednesday sa inyo. :D

22 comments:

  1. natawa ako sa almond... akala ko kung ano. Lol

    ReplyDelete
  2. Ung nabanggit mo eh naranasan ko na din lahat ahehehe.. ang drugtest biglaan palagi. Ang APE namin july ginagawa pero kakatapos lang ng drugtest at ayun, negative naman lahat (daw hehe)

    magandang araw po

    ReplyDelete
  3. hahaha kami july pa ang APE at lagi ako'ng refuse sa asshole check

    ReplyDelete
  4. natawa naman ako sa post mo sa amin nga di lang urine kinuha pati tae hahahahaha

    kasama rin ang blood test at xray
    yung isang officemate ko nagkaroon ng problem sa lungs noong nagwork siya

    ReplyDelete
  5. sabihin na ang timbang.. imposibleng hindi mo alam yan!.. haha wag na mahiya khanto.. :P lol haha

    ReplyDelete
  6. kami next month pa at tulad mo ayokong magpagalaw sa asshole hehehe

    ReplyDelete
  7. Hahahah... Nursing ako (student pa lang naman) hehehe at nahiya naman ako sa tamod na tamod sila..hahahah.. ay tamad na tamad pala.. :)

    Pero ganyan din pinagdadaanan ko sa school namin ngayon... sa university ko.. toink lang.. pero mga med tech yata ang nag aasikaso sa min so di ko alam.. hahaha

    ReplyDelete
  8. ano naman ang ibig sabihin kong ang kulay ng wiwi ay blue? hehe! joke..

    happy wednesday din sau..

    ReplyDelete
  9. ako dati nung ape ko. pinaghubad pa ko sa harap ng nars. sabay sabi tuwad. lolz. tapos ubo. ubo pa. habang paswing swing si junior. lolz. wala lang.

    ReplyDelete
  10. sheet! im aprayd of the needle. pwede bang magrefuse? parang dko kaya ang pinagdaanan mo khanto, i refuse! :P

    ReplyDelete
  11. @empi, wahehehe. :D

    @istambay, ilang months na lang, ape nio na

    @anonymous, bihira ata nagpapa ass check

    ReplyDelete
  12. @hard2getxxx, grabe, pati tae?

    @JeffZ, di ko talaga nakita timbang ko. swear!

    @arvin, katakot pagalaw asshole

    ReplyDelete
  13. @Kamila, ahahah, tamad ka pala minsans

    @mommyrazz, pag blue, yung hand soap ang iniinum :p

    @bulakbulero, bakit kailangang umubo ng nakahubo? lols

    ReplyDelete
  14. @whatta queso, hala ka, required sa opis!

    ReplyDelete
  15. akala ko kung anung inAPE.hahaha. creative. at least dika nagbaon ng urine diba? kasi panis na yun di na pwede.lols

    ReplyDelete
  16. Sa university namin, momolestiyahin ka talaga tuwing 1st sem sa mga APE, kasi hubad kung hubad, hipo kung hipo ang mga doktor doon. Kaya ako, lagi akong umiiwas sa ganyan, kasi pakiramdam ko half-virgin na ako sa ginagawa nila. LOLOLOLOLOLOLOL.. :D:D:D:D:D:D:D

    ReplyDelete
  17. http://joannahalabaso.blogspot.com

    impernes! ang haba hahah.. superrrrr!
    kakaloka nga tlaga kung positive sa P.T buwahaahah...

    ReplyDelete
  18. Grabe ang hassel ng pinagdaanan mo :) Hehe pero ok lang yan, "shit" happens ika nga :)At least may kabutihan naidudulot kahit paano.

    ReplyDelete
  19. LOL.. jumpshot na nakaupo? buti naman at natapos ka na..kala ko kung ano yung ET na piktyur, daliri pala nya..waaa! anlaki kaya non..wehehe

    ReplyDelete
  20. Akala ko kung anu yung almond. Haha. Akala ko something sa STD. Dahil nurse nurse-an ako, may naisip akong iba. Haha. Ayoko magAPE sa totoo lang pero pag nagpamedical ka ata at mag-ibang bansa ka kailangan to. Huhuhu. Nurse ako pero dugyot talaga yung DRE. Anu yun? Digital Rectal Exam. Babuyan ng pagkatao.

    ReplyDelete
  21. @pusang kalye, dyahe naman kung may baong urine sample

    @michael, bakit may hipo? hipo sa mga girls o sa boys?

    @joana, uu, kaloka kung pasitib

    ReplyDelete
  22. @rah, konting hassleness lang naman :D

    @tabian, kaya nga, wat if ganyan daliri ni doc, scary

    @ako si yow, ahehehe, honga, nursing ka pala. naku, sa mga next year, masasaksihan nio na P.exam

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???