Summer time is coming sabi sa balita. Nahuli lang daw kasi nag-overstaying yung La Nina. So by this week daw magsisimula na ang fun, fun, fun under the sun. Umpisa na ng tagaktakang pawis sa tindi ng sikat ni haring araw. So since maaraw, most likely ang pipol ay naghahanda na para maglakwatsa at lumaboy.
San ba kayo pupunta this summertime? Magtritrippings ba kayo sa ibang lupalop ng pinas? Magpupunta ba kayo sa famous boracay not 'BORA'? Magbibitch beach hunting ba kayo? Mag-iistroll sa mga malls? Lalabas at mamamasyal? Kung saan man ang lakad mo, mas maigi na comfy ang iyong paa sa galaan. Syempre, nanaisin mo bang maglibot at pumasyal na sumasakit ang iyong feet at you feel uneasy? No! You need comfort and you need to be relaxed to feel the summer get-away. kaya naman, maigi kung di ka laging naka-shoes. Mas comfy pag slippers. At pag usapang slippers, may i-rerecom akong slippers. ito ay ang......
O ha! Promote kung promote. wahehehe. Syempre. Nakatanggap ako ng isang pares ng slippers sa kanila kaya naman bibigay ko ang aking review and recommendation. Namention ko naman last time sa post na Dupe ang wento kung pano ako nagkaroon ng freebie. So after receiving it, syempre di naman pedeng basta lang ako magpost ng kung ano kahit di ko pa ulit narere-experience ang slippers na ito. For the past week, triny ko muna ito at eto ang aking masasabi.....
Triny ko eto habang nasa bahay at super relaxed ang aking paa. Triny ko ang slippers kapag lumalabas ako ng bahay para bumili sa kanto at oks naman. Nasubukan ko ding gamitin ito pang lakad ng around 1 km sa nearest mall sa haus at di nanakit ang paa sa galos. Swabeng swabe sa paglakad. May gel pad sa bandang dulo ng slippers kaya naman ansarap-sarap suotin ang slippers na to. Kahit mahilig lang akong mag-paa sa loob ng bahay ay napapasuot ako ng tsinelas.
Sa mga magbabalak gumala, i recommend this brand. Naks. nag-eendorse. hahaah.. Bakit nirerekomenda? Dahil ito ay hindi madaling masira at mapigtas. Matibay ito dahil gawa sa quality rubber na mula pa sa lugar ng mga Brazilians; Brazil. Super swak, kahit saang lakad. Btw, may mga designs sila for different pips. Ang larawan sa baba.
Ang larawan sa baba ay samples ng kanilang slippers (orders: male, female, kids and babies)
May pesbook page pala ang Dupe: www.facebook.com/dupePH
Kung nais makabili, mahahanap at makikita ang Dupe brand sa Megamall and Mall of Asia, Landmark Makati, Landmark TriNoma, Shopwise Araneta Center, and Shopwise Festival Mall. Ang presyo ay nasa 275-P495 lamang.
"Sige sama ako. Walang iwanan, walang susuko." -Dupe Slippers
Tc!!!
mukhang naconvince mo ako dito... magkano kaya binabayad sayo ng dupe? hmmm :D
ReplyDelete@empi, nyahahahaha. convincing ba? wala akong bayad, yung free slippers lang. :p
ReplyDeletehehehe.. nice pare.. pero mas trip ko yung iPanema.. mas comfortable ako.. hehehe.. pero almost d same lang naman sila tama..
ReplyDeleteyeah libre yan! nun una ko ayokong paniwalaan. hinhingi kasi ung address hehehehe. pero ok naman pala.
ReplyDeleteang resulta ng free slippers!.. ma try nga rin.. hehe :)
ReplyDelete@MD, almost the same lang :p
ReplyDelete@Bino, nakakuha ka din ba sir?
@jeffz, wakokokok, susuotin ko to sa puerto p.
maganda sya :)
ReplyDeletesam pwd makabili nyan?
maganda siya at mascheaper than crocs
ReplyDeletetungkol din sa slipper yung bagong post kong sinusulat dahil inendorse din ni Boni Station ang Dupe slipper sa kanyang latest blog post. hehehe.
ReplyDeleteit's really summer time.
hahaha...hmmmmm pag-iisipan ko...hahaha ayos ang puti astig ang design..
ReplyDelete@jay rulez, sa megamall meron. Mall of Asia, Landmark Makati, Landmark TriNoma, Shopwise Araneta Center, and Shopwise Festival Mall
ReplyDelete@hard2getxxx, yep, cheaper.
@supladong officeboy, abangan ko new post mo
@akoni, sige, pag-isipan mo sir
ReplyDeletegusto ko din free! =)
ReplyDeleteeffective blogging to. hehe
Nagbeach na kami at hindi naman ako nainitan. Thank God makulimlim. Haha. Ang hirap kasi enjoyin ng sikat ng araw, masyado makapaso sa balat. Haha. Babasahin ko nga kung pano nakakuha ng libre nito. Nyahahaha. Ikaw na.
ReplyDeletepwede ba umorder nyan at ipadala dito sa palau? isang pares lang :D
ReplyDeleteGusto mo bang manalo ng $25?
Ako din mukhang naconvince mo ko... hahahhaha At todo endorse.. bakit!!? Bakit?! Why o why?
ReplyDeleteI want! Sige ito na ang bibilhin ko in time for my sweet summer vacations! Hahaha. salamat sa pag-post. Naghahanap ako ngayon ng bagong rubber slippers eh. Gusto ko yung plain black lang. Hihi.
ReplyDeleteendorser ka niyan anoh? wala bang libre para sa mga blogger? hahaha.. nice ang mga design.
ReplyDeleteNaks! Ikaw na ang endorser! LOLs!
ReplyDeletetamang tama, gusto ko bumili ng bagong tsinelas
ReplyDeleteewan ko lang kung me dupe rito samin
baka CEO kang dupe company haha
ah khanto..may free samples ba neto? yung parang sa super market na libre tikim?hehe
ReplyDeletelumelevel up ka na ngayon, endorser ka na pala..weee!!
@chyng, hehehe, effective ba?
ReplyDelete@yow, nakakapaso nga sa init ng araw
@LordCM, wahehehe, gawin mo ng dalawa sir :p juk
@Kamila, di naman masyadong endorse :p
ReplyDelete@Robbie, ahahaha, nakumbinsi ka ba?
@mommy-razz, nag promote lang :p
@gasul, hehehe. tnx.
ReplyDelete@sendo, grabe ka naman, di ako ceo. wahahaha
@tabian, waheheheh, free trial? di ko sure e :p
Parekoy, magbenta kana din ng DUPE?! Bibili ako sa'yo! Sideline, sayang din sales, hehehe! =) Gusto ko yung white na may tribal, parang astig! Hehehe! Sana makabili din ako nyan! Yehey, sahod na bukas, tapos restday na! hehehe! =)
ReplyDeleteNga pala, naka received din ako ng invitation ng DUPE for free sample, ni delete ko yung email akala ko kasi SPAM lang, sayang! Hayyyyy.... =(
ReplyDeletehmmm.. makabili nga ng dupe.
ReplyDelete