Saturday, April 9, 2011

On TV and Updates

Finally, may slight kwento na din sa wakas pero this post will be divided into mga limang items. All in one post na to para tipids.

1. Survivor Redemption Island
 
 
Nakakaawa yung cast-away na nagngangalang Matt. After ilang days niyang nakikipaglaban for survival sa redemption island (similar to isla purgatoryo ng Survivor Philippines), ayun, umabot sa merge yung guy pero balik nanaman sya sa redemption island kasi na vote off nanaman sya. Napakabait nia kasi at shushunga-shunga. Masyadong nagtitiwala kasi agad sa old team nia. tsk.tsk.tsk. 

2. American Idol
 
 
Nakakainis ang balita kahapon ng umaga ng makita ko sa post sa facebook na na-vote off si Pia Toscano. Ang isa sa paborito kong contestant ay natanggal kasi kinulang sa votes. Hays. Ano ba ang pinaggagagawa ng mga kanuto sa states? Ang galing na singer e natanggal at nalaglag sa competisyon. So mukang lalaki nanaman ata magiging winner sa contest na ito.

3. Ozine Fest
 
 

Sa Megamall, ang tambayan mall ko, merong event. Eto ay ang Ozine Fest. For 3 days (april 8-10) ang nasabing events. Kahapon ay nagpunta ako at medyo at slight na nadisappoint ako. Pano parang karamihan na ng stalls ay nagtitinda ng fleece hats o yung mga hats na may designs tulad ng mga angry birds at iba pa. Konti ang booths ng toys. Konti din mga cosplayers kanina at di ko dala jijicam ko kaya babalik pa ako mamaya. :D
 
4. Food Trip
 
Nagsisimula na ang tag-init seasons kaya masarap kumain/uminom ng malalamig na foods. Kaso since ubuhin ako ay dehins pede sa akin. Sayangs. Hinahanap ng dila ko ang sarap at tamis ng DQ Mango cheesecake. (picture above ay kuha last last week). Gusto ko sanang bumili kaso naman ito ang cause ng sakit ko last last week kaya i need to resist. So sa chichirya na lang ako babawi. May kalaban na ang Martys na vegetable chicharon! Eto ay ang Mang Juans chicharon. Ok lang din ang lasa. Almost same lang. Pero may promo ang Mang Juans. Buy 3 take 1 ito sa Robinsons Galleria.

5. Willing Willie
Since restday ko ay hindi naman ako natulog ng maaga. So ang nangyari ay inabutan ko ang show na willing willie (right after panoorin ang american idol). Dito ay naabutan ko ang speech ni Willie at reaction niya tungkol padin dun sa jan-jan incident. For me, medyo half ay may point si willie (somehow kailangan open minded ka to realize this). Medyo pangit nga ang nangyari na jinudge sya agad sa youtube vids na lumabas e ang ibang pips naman ay di naman napanood yung whole eksena. Also, may point din sya dun sa mga naninira sa kanya (ano ba ang naitulong sa masa ng ibang artistang bumabatikos sa kanya). Lastly, may point yung argument nila na bakit sa ibang shows, may mga kids na sumasayaw ng medyo mahalay at may mahalay na costumes pero nakakalusot sa mga critics (going bulilit spoof ng beyonce dance na naka leotards na black ang mga kids at may mga kids sa showtime na minsan naka lampin epek lang para sumayaws and magpacute). hahaha. So apparently, mukang mawawala ang willing willie for 2 weeks. For haters, syempre magbubunyi mga tao. for lovers, syempre masasad. For khanto, wala lang. keri lang.

Video here:

 
 
Hahahaha. Happy Yipee Weekends mga pips!!! :D

15 comments:

  1. wala pa atang fleece hats at mang juan chichi dito sa cebu. di pa ako nakakita ng mga ganyan.

    buti ngat wala munang willing willie. lahat kasi ng tao samin yan ang pinapanood. d tuloy ako makapag mara clara. eeheheh

    ReplyDelete
  2. Hindi ako masyadong nanonuod ng TV, so salamas sa information...hangkukyut ng mga fleece hat, magkano ba? pwede pabili ako? hehe

    about kay willie, kebs lang..hindi ko talaga sya type, matagal na nya nang sakit yan..for sure lulusot din yan sa kaso..

    ReplyDelete
  3. sa american idol never akong naniwala na based sa kagalingan ang nanalo jan. Fantasia!! Ruben Studdard. Siyempre lang, may hand sila jan.

    Ok lang kahit mawala na ang willing willie, palitan nalang ng discovery channel, or anything educational sa prime time.

    ReplyDelete
  4. nagpunta din ako ng cosplay! hehehehe. kaso umuwi ako kagad. disappointed lang eh hehehe

    ReplyDelete
  5. nakakasira ng mode yung kay PIa.. i hate it... tapos yung bagong martys masarap.. heheh

    ReplyDelete
  6. gusto ko nung fleece, sana may mirmo de pon na ganun, hehe

    :D

    ReplyDelete
  7. I love marty’s, bagong flavor yan ah..

    ung sa video ni willie.. no comment.. hahaha

    ReplyDelete
  8. number 1, di ako makarelate di kase ako nanunuod ng survivor.. number 2, hindi rin..di ko kase inaabangan american idol.. number 3.. sa mega mall lang ako nakarelate.. number 4 medjo na.. parang ang sarap ng mang juan.. chicharon.. at parang ayuko na mag comment kay willie.. chenes siya sa buhay ko.

    ReplyDelete
  9. Nakakasawa na ang fleece hats. Ang OA na. Wahahaha.

    I don't like Willie. Yun na lang.

    ReplyDelete
  10. @nieco speaks, hehehe, dito naman excessive na fleece hats.

    @tabian, ang fleece hats ranges from 180 to 350 ata

    @robbie, mostly kasi stage presence at factor din text votes e

    ReplyDelete
  11. @rah pala yung nasa above na naka @robbie.

    @Bino, i know. medyo nakakadissapoint day 1

    @Kikomaxx, tama, kakasad kay pia

    @TR aurelius, wala akong nakitang mirmo

    ReplyDelete
  12. @mommyrazz, yep, new flavah

    @kamilla, heheheh. oks naman ung mang juan

    @robbie, tama, nauumay na ako kasi dumami na nagbebenta

    ReplyDelete
  13. Wow, DQ, gusto ko yan! Sobrang anghang nung bagong Marty's spicy flavor, pero masarap! About kay Willie, iba iba kasi ng point of view ang mga tao. Lalo na sa mga kapwa niya taga showbiz, wag nalang niya siguro patulan. Isa pa, ang DIYOS ang nakakaalam ng lahat, at nakakakita ng ating puso! I thank you, BOW! hehehe! =)

    ReplyDelete
  14. nashock rin ako sa pagkawala ni pia.
    and for willy naman grabe makareact ang ibang tao dapat panoorin nila ang full episode before judging the show

    ReplyDelete
  15. @isp101, sarap nung DQ

    @hard2getxxx, yep, yung iba kasi yung putol na episode lang ang pinagbasehan

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???