Wednesday, April 27, 2011

Saying Goodbye is Not Easy

Mahirap magpaalam. Malungkot ang malaman na kailangang bitawan ang mga bagay na naging parte na ng buhay mo. Masakit na mawawalay at mawawala na ang mga alala na umukit sa iyong puso.

Di ko alam kung final at di na pedeng mabago ang desisyon ng friendster admin na ang mga messages, bulletins, testimonials, photos, shoutouts at etc ay mawawala na o buburahin na.

Nakakalungkot ang pangyayaring ito. Syempre, kahit pesbuk na ang uso at kahit nagsisimula na akong maki-twit-twit, iba pa din ang unang social network na aking nagamit. Friendster is part of my high school at college life. 

Tila nagkaroon ng flashback sa aking isip sa pagbalik ko sa friendster at dinaanan ang mga alaala ng nakaraan. Eto nga at kumuha pa ako ng screenshot para may souvenir naman ako.

Di ko alam na ang bulletin feature ng friendster ay katumbas na ng blog. So way back 2006 ay may blog post na pala ako. Imagine?


Tapos, nagbalik tanaw ako sa mga testimonials ng mga friendships ko. Eto yung mga time na nagmamakaawa ang mga pipol na humingi ng testi sa mga friends nila. nakaka-touch ang mga nasulat nila. May screenshot at may copy and paste version kasi mahaba ang testi.



Eto yung first testimonial sa akin (medyo parang jejemonish pero di naman):

Eejhae
Feb 11 2004, 07:52 AM

hehe i am the first one who will make a
testimonial for you...Special ba
mashado???lam nyo b laki utang n loob
nya sa kin kc naman i helped him to be
in friendster and everything, kapal
b????well nu b kelangan ko sbhin s knya
actually i knew him since third year in
high school, isa cya s mga cloze fwends
ko kc nman poh d cya mhirap pkisamahan
az in you can be yourself kpg cya khrp
nyo hindi cya mpili at maarte s mga
bgay-bgay kc naman poh sobrang
trustworthy nyang tao at down-2-earth
p, nakz sobra n b ktang bnenta s mga
tao???Well sobrang communicated p dn
kme s isa't-isa khet d n kme mg-kasama
skul khet through text & fone lng kc
naman poh la lang mshado me love nito
eh. We became close nung third year kc
we became seatmates w/ Milcah az in 2
quarters kme magkk-seatmates tpos since
then we shared our ideas ang thoughts
sa isa't-isa kya un nging close n kme
eversince then. tpos khit nung fourth
year mgksbay kme kumain with my
barkada, takaw nito parang ako,
hehe...matipid din cya tpos fave
teacher nya c joebert (jowk!!)dati nga
pla mashado kme n-addict pg-punta haws
ni RJ kc ngvo2lleyball kme, ngpla2y
station at ngscooter din....kasama pla
cya s mga pumunta last bday ko s Laguna
grabe cute ng agift nya s kin ang sweet
kya.... nu p b galing pla nya mg-
volleyball, table tennis (tama b ko???)
at so far badminton b yung sport mo
now???Ewn ko b mejo nlilito n me!!!!
Gusto pla namin praho ung charmed at
smallville tpos ung survivors at
amazing race, bachelor at
bachellorette, dme p kme parehong gusto
nitong T.V. programs (mashado bang
halata n tv addict kme???), preho p pla
nming ina-update ung isa't-isa s mga
bgong episodes ng charmed at smallville
at ska dme p....nu b yan la na me
maisip....okei n cguro toh noH????basta
im so greatful n fwend ko cya at we are
cloze kc kulet kme pareho, mtakaw kme,
dmi namin pareho gusto bsta un n un,
bka maiyak p cya s mga nilgay koh....

At syempre, kailangan may souvenir ng picture ng character ko na si Khantotantra. Ang dahilan ng codename ko sa blog.


Di ko alam kung magbabackup pa ako pero marahil sapat na kumaha ako ng mga bits and pieces of my past together with frriendster. Marahil eto na ang huling pagbuklat ko ng account ko kaya naman kahit mabigat sa aking damdamin.... kailangan ng magpaalam sa aking friendster account.

For my friendster account:
You will always be a part of my life; a fragment of my college years. It's time to move on and its time to part ways. Sayonara. Adios. Goodbye. (tulo luha with singhot ng konti)

25 comments:

  1. hindi ako affected....hehe friendster din ang naglapit sa akin sa cyber world...sa kanya ko natutunan ang lahat...hehe, magblog, mambabae, etc...hahaha

    hindi ko makita ang ibang pictures...don mo pala nakuha ang kwatro khanto...akala ko mahilig ka kuman.............kumuwatro sa may kanto..hehe..parang istambay ba..

    ReplyDelete
  2. sa totoo lang masuso ang friendster noon then myspace pero since sumikat ng husto ang facebook sa america siempre ang pinoy gaya gaya rin kaya nalaos ang friendster

    ReplyDelete
  3. ooh doon mo pala nakuha yung name ng blog mo..
    oo nga daw eh mawawala na yung mga testi ect ng laman ng fs.. sayang.. senti mode basahin ang mga testi :D

    ReplyDelete
  4. Testi please! hehehe! Nakakatuwa naman testi sayo ni Eejhae, para ngang may pagka Jejemon! di kaya sya founder ng Jejemon?! hehehe! Nuong mga panahon na uso pa ang friendster, talagang very active talaga ako kahit nag re rent lang sa internet cafe, pero ngayon, nilalangaw na yung account ko. Last year ko pa yata huling binuksan, hehehe! Ngayon ko lang ulit napansin header mo, ganda ng logo! =)

    ReplyDelete
  5. ang haba ng unang testi mo.=)uso na pala jeje fever nun.hehehe.Nalulunkot ako onti kasi sentimental akong tao. Recently lang gunawa ako ng note sa fb kinopya ko lahat ng magagandang testi sa akin sabay tag sa mga taong ng testi sa akin nito..Sabay mawawala na pala lahat yun forever..Heniweys my FB naman..Siya nga pala ang ganda ng character mo=)

    ReplyDelete
  6. LOL. Ang tagal ko nang hindi nabubuksan ang FS ko, ano na kaya nangyari dun? LMAO! :D

    ReplyDelete
  7. 2003 ng magregister ako sa frienster. kakalungkot lang kasi di na sila social networking after the upgrade. natalo sila ng facebook eh

    ReplyDelete
  8. Hala! ka panic naman itey, salamat sa info khanto..ma back up nga ang aking prenster..ke dami ko pa namang pictorials doon..*panic mode*

    ReplyDelete
  9. well sa friendster naman lahat ngsimula kaya sa friendster din magtatapos.. goodbye.. and advance HELLO>. hahaha

    ReplyDelete
  10. kawawang friendster.. sana sa kanilang pagbabalik mas masayang friendster na.. :)

    ReplyDelete
  11. Totoo bang mabubura na? Aww.. Sayang. Pero yamuna nga. Di na ako eeport. Haha. Ganun talaga, may nawawala kasi may bago na. Haha

    ReplyDelete
  12. ang dami na nagdelete ng friendster dati pa.. pag bukas pa lang ng facebook... ako naman madami na ako kinuhang testimonial dati pa.. sinave kong picture.. kaso puro tungkol lang sa lablife ko kinuha ko.. shemay.. check ko nga ulit friendster.. thanks sa info

    ReplyDelete
  13. @akoni, nyahahah, dekwatro sa kanto :D

    @hard2getxxx, hehehe, copycat sa uso kaya nagboom ang facebook

    @AXl, yep, dun nanggaling yung name na khanto

    ReplyDelete
  14. @isp101, change header muna ako e

    @joyfull, ako din, senting tao

    @michael, baka puro spam testi na friendster mo

    ReplyDelete
  15. @bino, ako din ata 2003 or 2004, limot ko na

    @tabian, backup those pictures

    @poldo, sabagay, cycle lang naman, hello and goodbye

    ReplyDelete
  16. @mommy-razz, matalo kaya nila fb?

    @yow, di na din ako mag-eeport

    @kamilla, naks, lovelife testi ang sinave :D

    ReplyDelete
  17. Yikes! Buti naipost mo to. Na-inspire din akong mag backup ng testimonials. Medyo nakakalungkot nga. pero kasi kinalimutan din naman natin ang friendster e. hahaha! gumaganti lang siya.

    ReplyDelete
  18. testimonial minsan gives us a lesson. My bago daw sa friendster kuya hehe.
    xenxa if now lang ako nka visit ha.

    good am..

    ReplyDelete
  19. jejemon ka pala dati ha.uo---equiv na yan ng blog. tas nag evolve na ang blogging.oldo ang twitter is also considered a blog eh --microblogging.:D

    ReplyDelete
  20. mamimiss ko rin ang mga testimonial ko dun.. Ang mga testi na pilit hinihingi ng iba.. pero yung mga sa akin, unsolicited.. :) waaah..

    Ma printscreen ang friendster ko para may bakas pa rin ng alaala.. :P

    May kumuha pa ng mga pics ko dyan tas nakita ko sa album ng iba.. tsk!

    ReplyDelete
  21. RIP friendster. Ang unfair lang bat nila kailangan burahin. Nakakainis kung ganon. Sayang na sayang ang testimonials... :(

    ReplyDelete
  22. @kura, uu, gumaganti ang friendster :p

    @emmanuel, uu, testis gives lesson

    @pusang kalye, yeps, parte ako ng jejeclan noons :p

    ReplyDelete
  23. @jeffz, masaya pag unsolicited testi :D

    @rah,honga, dapat wala na bura-bura

    ReplyDelete
  24. medyo dko na nagagalaw friendster acct ko, parang mahirap na tlga kalabanin ngayon ang fb..

    ReplyDelete
  25. HAHAHA omg! Buti na lang pala di ako nagleave ng testi (ata) sayo before kundi baka makita ko din dito sa blog mo! Lagot ka kay Ej, hehe! Natawa ko sobra, former jejemon pala si Ej. At mala-nobela pa na testi talaga ha! =))

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???