Saturday, April 2, 2011

Khanto Pick: DragonBall


Tapos na ang unang araw ng april. Tapos na ang pranks and jokes kaya tuloy na dapat ang ikot ng mundo at back to normal na ang lahat. Kahapon at today ang iBlog7 na ginaganap sa UP diliman subalit inatake ako ng katam kaya tambay mode lang sa bahay. Di rin naman talaga sale ang sale sa malls kaya di ko na din inatim na maglakwatsa. So for today, may i kwento na lang ng isa pang anime na tila kilala ng madlang pips, ang Dragon Ball.

Ang totoo nian, manga talaga nagsimula ito. Ito ay gawa at nilikha ni pareng Akira Toriyama (nakiki-pare lang). Then inadopt na sa US ang japanese series kaya may english version na. Alam ko magulo ang explanation ko about sa history ng Dragonballz kaya pede nio nalang hanapin sa wiki. :p

Ang Dragon Ball ay umiikot sa bidang si Son Goku. Sa umpisa, isa siyang batang paslit na may buntot ng unggoy na nagiging giant gorilla kapag full moon. So ang bidang si Goku ay nakilala ang isang batang si Bulma at dun nagsimula ang adventure sa paghahanap nila ng dragonballs. Ang mahihiwagang betlog este balls kung saan kapag nakumpleto ay pedeng humiling at matutupad ito. O ha, pede kang magka-sportscar-yung red!

Sa paghahanap nila ng mga dragonballs, madaming adventures ang masasaksihan ng bida katulad ng world martial arts tournaments, pakikipagsapalaran sa kalaban na Red Ribbon Army (hindi po yung kumpanya ng masasarap na cake) at kung ano ano pa.

So para makilala nio naman ang mga pips sa Dragon Ball, may larawan at picture.


1. Son Goku- Ang batang yagit na may busilak na puso at minsan shungashunga. Siya ang batak magaling sa martial arts at naghahanap para sa dragonball ng kanyang lolo. Ang main bida ng kwento. Imbis na kotse, Kinton Cloud ang kanyang sinasakyan at meron siyang stretch stick.


2. Bulma- Ang unang kaibigan ni Goku. Ang babaeng ito ay magaling sa mga techie stuff dahil isa siyang anak ng imbentor. Ang pamilya niya ang may ari ng capsule corporation kung saan ang mga gamit ay nagkakasya sa capsule sized thingy. Malaki ang naitutulong ng kanyang dragon radar sa paghahanap ng balls.
3. Kulilin- Isang batang monk na nagtratrain sa isla ni Kame. Isa sa naging matalik na kaibigan ni Son Goku. Kilala ang character na ito dahil sa kanyang skin head bokal look. Isa sa mga nakakasama ni Goku sa pakikipaglaban sa tournament.


4. Master Roshi- Sya si kame-sama sa tv. Sya ang nagturo kila Goku at Kulilin sa larangan ng martial arts. Isang pervy old man. Mahilig  mangmanyak at mangharot ng girls. Siya din pala ang nagturo ng famous move na kamehame-wave :D


5. Chichi- Ang batang ito ang mapapangasawa ni Goku. Nainlove itong batang babaeng to kay goku ng magkasalubong ang kanilang landas. 


6. Yamcha- Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito walo, siyamcha. Unang nakilala bilang isang bandido na nagtatangkang nakawin ang dragonball kila Bulma at Goku. Pero naging kakampi din sa bandang huli at naging kasama sa mga tournaments.


7. Tien Shinhan- Isa ding bankala noong una. Isa sa mga estudyante ni Kaofaitek (di ko alam spellingin). Basta. Nung nalaman nila na masama pala ang master niya, tumiwalag at naging kakampi. Napunta sa matuwid na landas.


8. Chaozu- Ang sidekick ni tenshanghai. Ang batang parang hinagisan ng espasol dahil maputi ang mukha. Ang unang character na nakakalipad. Ang batang ito ay may telekinesis power. Katulad ni tenshanghai, unang naging kalaban bago naging bida. 


9. Oolong- Ang piggy na kayang magpalit anyo. Isa ding pervy ang baboy na to at may fetish sa Panty. Nakasama sa adventures sa paghahanap ng mga dragonballs.


10. Shenlong- Ang Dragon na lumalabas sa balls. Siya ang nagtutupad ng mga kahilingan ng mga makakabuo ng 7 balls. Kayang bumuhay ng napatay, magbigay ng panty at kung ano-ano pa. Pero once na grant ang wish, mawawala ulit ang dragon at paghihiwahiwalayin ulit ang balls.

madami pang characters pero syempre susubra haba na ng post na ito. Atsaka mas focus muna pinaka-simula ng kwento. May iba pang saga adventures o yung naging binata na si Goku at nagkaanak at nagkaapo pero hassle nang ikwento kaya google nio nalangs. magogoogle nio din pala yung mga pics like ng mga nagamit ko sa post na to :p

O sya, hanggang dito na lang muna. :D Happy Saturdays!

12 comments:

  1. tanda ko nung nasa dorm ako nung highschool. Parang may assembly lagi kapag timeslot na ng dragon ball. Mga naka sando, naka boxers, mga nakapanjama, laat nandun. Hit na hit siya dati. Kaso masyado nang napaulitulit sa Phil TV. Minsan nakakairita din na ilang minutes lang na labanan eh umaabot ata ng isang buwan sa TV.

    ReplyDelete
  2. ilang beses na pinapaulit-ulit yan sa gma7 pero di ko pa rin natatapos ung kwento o nakukumpleto ang panunuod...hehe

    ReplyDelete
  3. ang classic na nito..at feeling ko ang tanda ko na.. kahit kailan di ko napanuod ng buo at sunod sunod tong palabas na toh.. hahaha..

    at ellow.. bagong salta dito..galing sa blog ni jhengpot..

    ReplyDelete
  4. lagi akong maaga umuwi noon galing school dahil sa dragon ball na ito..haha

    ReplyDelete
  5. may soundtrack kami nyann.. ung uso pa ang mga tapes. ahaha.. english version nga lang...

    ReplyDelete
  6. @xall perce, tama ka, kakainis yung oa sa pagpapahaba ng laban

    @jhengpot, ako din.

    @kamilla, thanks sa pagdaan

    ReplyDelete
  7. di maxado nagustuhan toh, pero yung kinakapatid ko adik na adik dito, hehe

    ReplyDelete
  8. @akoni, hehehe, ganun din kami noon

    @leonrap, oks naman din english soundtrack e

    ReplyDelete
  9. SON GOKU is still my favorite!!! Hehehe! =)

    ReplyDelete
  10. @tr aurelius, sayangs di mo type dragonballs

    @isp101, nice. :D gusto ko s goku nung bata pa

    ReplyDelete
  11. *mga palaboy to walang pera*

    ReplyDelete
  12. bat wala si puar, turtle, launch, piccolo at yajirobe?

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???