Friday, February 25, 2011

Ang Bakasyon: Nakalipas


Di ako mapakali. Di ako mapalagay. Ano ba yung alaalang kailangang matandaan. Bakit ako nakalimot? Amnesia? Hindi. Alza…. Makakalimutin nalang, hirap iispel e. Kung anong dahilan, di ko alam.

“Nay, anu nga ulit pangalan nung dalawang nakita ninyo ni Tay sa may stop-over?” tanong ko.

“Anu ba anak! Nakalimutan mo na yung dalawang matalik mong kaibigan?” tanung ni inay.

“Slight lang naman. You know. 6 years!! 6 years din yun!!!” sagot ko.

“Ay ay ay, mag memo plus gold for good memory nak! Sustagen prime” bumira si inay.

“Hay nako. Dali na. Sabihin nio na kasi!” naiinip at napipikon kong tugon.

“SECRET!!!  Sikretong malupit ng babaeng hapit na hapit!” Sabi ni inay.

Magwawalk-out na sana ako ng narig ang karugtong na sasabihin ni inay.

“Di ko sasabihing  Rene at  April ang pangalan ng dalawa. Hindi ko sasabihin yun nak!” patawang sabi ni inay.

Matapos marinig ang pangalan ng dalawa ay para akong nag-time travel. Para akong tumalon sa portal na ginawa ng magic takure. Para akong gumamit ng time machine ni doraemon. Naalala ko ang nakalipas. Natandaan ang nakaraan. Ang blurred na mukha nila sa isip ay ngayon ay malinaw na. Crystal clear ika nga. 
May kumatok sa pintuan ng bahay. Pamilyar ang boses. Ang boses na nadinig kaninang umaga sa may daan. Ang dalawang taong naging misteryo nung una ay nandyan na. Andyan na sila Rene at April o mas kilala ko sa pangalang Boy at Nene.

Kumabog ang dibdib ko. Di ko alam ang gagawin. Kailangan kong harapin ang nakaraan. Kailangan kong tibayan ang tuhod at kausapin sila. Masaya ako ng maalala ko ang nakaraang paglalaro. Ang mga tawanan at habulan. Pero naalala ko din ang masakit na kahapon na aking nilihim at itinago. Kinimkim ko ang masamang pangyayari at maaanghang na salitang narinig, anim na taon ang nakakaraan.
“Hindi ka bagay sa aking anak. Pangarap kong makapangasawa siya ng ubod ng yaman na iaahon kami!” Alingawngaw ng salitang binitiwan ng ina ni Nene.
“Makakapatay ako kung sino man ang aagaw kay Nene ng aking anak na si boy!! Kahit sino pa siya!” Nakakayanig na boses ng ama ni Rene.
Di ako sanay sa mga taong pabulyaw at pasigaw kung magsalita. Di rin ako sanay na tila napag-initan kaya na-trauma ako sa magulang ng dalawang taong kinonsidera kong mga kaibigan. Takot. Takot ang gumulo sa pagkakaibigan naming kaya pinili ko na hindi sumama kapag umuuwi ng probinsya si itay. Pinili kong takasan ang nakaraan at takbuhan ang mga halimaw na bumugbog sa musmos kong pag-iisip. Tama nga ang kasabihan na mas masakit ang hampas ng dila kaysa sa mga palo at hampas mula sa mga kawayan at palo-palo.

Nandito na to e, kailangang tatagan ko ang loob ko. Kailangang kayanin kong harapin sila. Hindi naman ang magulang nila ang makakausap ko e. Kaya ko ito. Huminga ako ng malalim at tinungo ang pintuan. Inalis ko saglit sa isipan ang masakit na nakaraan at sinuot ang konting ngiti sa labi.

Itutuloy……

Note: Mawawala ako ng ilang araw para mag bakasyon. Magaling na ang aking katawang lupa kaya go na ako at aakyat ng bundok para sa Panagbengga festival sa Baguio. Ang larawan sa itaas ay nakuha sa google.

13 comments:

  1. Ang drama naman ng nakaraan. bitin. love story ba to o ano? hehehe

    enjoy baguio!!!

    ReplyDelete
  2. kayanin mo yan for your sake.hehe

    pwede sumama sa baguio?
    ?jeje

    ReplyDelete
  3. shaks. kelangan mo silang harapin. maghanda ka na kasi maliit lang mundo. baka mamaya, bukas, sa makalawa eh pagtagpuin ulet kayo...

    abangan..

    ReplyDelete
  4. wahha ang kulit ng nanay mo whahha... pambihira.. naks napasama pa si doraemon hehehe.. :D
    yun oh baguio na :D

    ReplyDelete
  5. awts---unti unti nang narereveal ang sekreto. saka nakao magbibigay nga dvice pag kompleto na,gusto ko muna makita reaction mo.D:

    ReplyDelete
  6. may sekreto pala kaya nalimutan na ang nakaraan eh.. yun ang nagtrigger para hindi na maalala kahit na 6 years pa lang ang nakakaraan..

    goodluck sir.. enjoy sa bakasyon... pede bang sumama hehehe...

    ReplyDelete
  7. huhuhu ang tagal kong di nakabisiti dito.. di na anamn kasi umaapear ang update sa blog ko.. huhuhu/... weee saya ng bakasyon..w ahhe

    ReplyDelete
  8. @gillboard, halo-halo yung story :p

    @emmanuelito, im back from baguio, late na reply ko.

    @jezon, heheh. tama,.. abangan

    ReplyDelete
  9. @axl, nagbaguio ba you axl?

    @pusang kalye, eheheh. sige, kaso matatagalan next part

    @jezon, :D

    ReplyDelete
  10. @istambay, nakabalik na ako from baguio. sasama sana kita. :p

    @Oscommerce, salamat sa pagdalaw

    ReplyDelete
  11. Wow. One piece fan din ako

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???