Wednesday, February 23, 2011

Ang Bakasyon: Sa Lumang Bahay

Previous episode:
Ang Bakasyon


Patuloy ang takbo ng tryke na aming sinasakyan patungo sa aming barrio/ baranggay. Malayo na ang dalawang taong nabalingan ko ng tingin. Umiling na lamang ako at inisip na baka ibang tao sila at di naman sila yung sinasabi ng magulang ko na kababata. Habang malamig pa ang simoy ng hangin at malalanghap ang amoy ng damo at dayami sa bukid at naging maganda ang takbo ng tryke. Nagbago lang ito ng lumiko na at papasok na daw sa iba-ibang baranggay bago sa aming lugar. Gegewang-gewang ng konti ang takbo kasi mabato ang daan. Hindi lang basta bastang bato na maliliit, yung tipong bato na iba-iba ang sukat kaya bumpy ride talaga. Buti nalang at natiis ng pwetan namin at nakadating din kami.

"Andito na tayo anak! Bumaba ka na!", sabi ni itay.

Umalis ako sa pagkaka-angkas sa likuran ng tricycle at tinignan ang bahay na binabaan. May kalumaan na pala ang bahay namin dito sa probinsya. 1/4 ng bahay ay gawa sa semento para sa pinaka base habang ang natitirang 3/4 ay gawa sa kahoy na di ko mawari. Ano bang alam ko sa kahoy, carpentry ba tinapos ko? Ang bintana naman ay luma din. Parang stained glass na ewan. Technicolor at iba iba ang kulay at color pattern, walang symmetry. 

"Ano ba yang binubulong-bulong mo nak?! Architect ka ba para maag-judge ng pagkakayari? Interior Designer nak?", Vuma-vice gandang banat ng aking inay.

"A.....E.....". yan na lang ang sinabi ko. Tuloy na lang ako sa pintuan. Pero bago paman ako makadiretso ay may narinig akong mga munting kahol.

arf-arf. Aw-aw. wuff-wuff at wrup-wrup. Apat na tuta ang bumungad sa aking harapan. Isang puti, isang black, isang brown at isang batik-batik. 'United nation ba ito?', naisip ko sa sarili. Hulaan ko ang pinangalan sa apat na to; Whitie, Blackie, Brownie at Tagpi. Maya maya pa ay may narinig akong sigaw na nanggagaling sa loob, pinagagalitan at pinapatahimik ang mga tuta.

"Whitie!!!! Pssst! Blackie!!!! Shhhh!!! Brownie!!!! tigil!!!!"

'Score!!!' Mahinang bulong ko sa sarili! Mapeperpekto ko pa ata, isa na lang!

"Tumahimik ka nga at tumigil ka sa pagtahol mo SPOT!!!!!"

Potakels, minalas pa ako sa batik-batik. Dumiretcho na ako at nag-mano sa aleng sumasaway sa mga tuta na sign ng paggalang kung sino man sya. 

"Nak! Nagblebless ka pero di mo pa sya kilala, pano kung katulong lang sya?". sabi ni itay.

"Sus, wag kang mag-alala. kamag-anak natin sya. Tama lang na mag mano ka. Siya si Tiya Nena ng itay mo. Kasama niya dito sa bahay sina Tiya Geronima at Tiyo Nakpil."

"Lola Nena na lang itawag mo sa akin apo. At ikaw naman Pablo, wag mong ishinoshortcut ang pangalan namin sa harap ng anak mo." sabi ni Lola Nena.

"Anong masama? Kaw talaga TyaNe! Buti pa sila TiyangGe at TiyoNak! wahehehe"

Natamad na ako sa pagpupunchline ni itay kaya nagpasya na lamang akong matulog.

Kinabukasan, nagising ako ng medyo madilim pa. Sinilip ko ang aking cellphone at nakitang alas kwatro pa lamang. Anu ba yan, parang 12 hours na akong natutulog. Ambagal pala ng oras dito sa probinsya. Dahil di na ako dinadalaw ng antok at ayokong bumalik sa kama ay binuksan ko na lamang ang bintana at hinayaang malanghap ang napakasarap at malamig na ihip ng hangin. Kasabay ng dilim ang huni ng mga kuliglig na di ko alam kung san galing. Madidinig din ang naglalambuchingang butiki sa kisame at ang mahinang tunog ng tuko.

Di pa gaanong naaabutan ng sibilisasyon ang baryo nila itay kaya medyo di bright ang mga ilaw. Ewan ko ba, kahit 22 inch na tv ay wala dito, magtyatyaga ka sa 10 inches na telebisyon at pahirapan pang sumagap ng estasyon. At since probinsya nga, tila walang gaanong hilig pa sa tv ang mga tao. Medyo lumiliwanag na at biglang nagkaroon ng kung anong ingay sa loob ng bahay. Transistor radyo pala. Naghahanap na ng balita si Lolo Nak.

Lumabas ako ng bahay para mas ma-feel ang simoy ng hangin. Dun sa kalsada ako nag-stretching at nag-unat-unat. Pinagmasdan ko ang paligid na di ko naman ginawa nung dumating kami. Ngayon ko lang napansin na medyo di na malalayo ang bahay. Kung ang dating malabong alala ay ang mga kabahayan ay magkakahiwalay, ngayon, medyo slightly magkakalapit na pero malayo padin.

Pabalik na sana ako sa loob ng bigla akong nakarinig ng unga ng baka. Kasabay noon ay ang pag-mheee ng mga kambing. Napalingon ako. Sa di kalayuan ay ang naglalakad na kambing, baka at tila may humahabol pa, isang kalabaw. Lahat ay nakatali at hawak ng isang pamilyar na mga pigura. Habang papalapit sa akin ang mga hayop, unti kong naalala ang dalawang tao na nakita ko sa may stop-over na nagtatalo. Totoo ba to?

"Oi! Musta na!!! Tagal mong di dumalaw dito sa atin ah!" Sabi ng lalaki.

"Oo nga. antagal din ng anim na taon. At mula noon, anlaki na ng pinagbago mo!" Sabi ng babae.

"Sige, mamaya na tayo magkamustahan at magkwentuhan, dadalhin pa namin tong mga hayop dyan sa bukid para makakain ng damo." Pahabol ng lalaki.

Habang naglalakad palayo ang dalawa, ako naman ay natulala at tila nautal. Napasulyap na lang ako sa kanila at nakita ko na sumulyap din sa akin yung babae. Naguluhan ako. Ano ba to at sa anim na taon lang ay tila limot ko na ang itsura nila. Gusto kong iumpog sa pader ang ulo ko at baka nagka-amnesia lang ako. Pero hindi eh. May natatandaan ako pero medyo malabo. Napakamot na lamang ako at pumasok sa loob ng lumang bahay at pinipilit na alalahanin ang nakaraan. Ano ba ang kulang sa mga alaala ko ng aking kabataan?

Itutuloy.....

Note: Ang larawan ay kuha last 2009, sa probinsya ng aking ina, Pangasinan. :D

22 comments:

  1. Base! makakapagbakasyon ka na rin sa weekend!

    ReplyDelete
  2. parang umeisplit lang ang piktyur..hehehe sana magaling na kayo ser!

    ReplyDelete
  3. the classic john lloyd pose. :) bilib ako sa name ng mga aso, pinagisipang mabuti ng may-ari.hehe..

    why don't you walk the dog?

    ReplyDelete
  4. @jeffz, uu. wee! :D

    @tabian, madulas ang semento, mabuhangin pero di kita sa pic. :p

    @whatta queso, wahaha. oo, ganyan ang names ng doggy dogs sa mga probinsya

    ReplyDelete
  5. san ka sa pangasinan? magkababayan pala tayo..hehe

    ReplyDelete
  6. nice picture. :) uu nga noh, bakit kaya hindi mahilig ang mga tao sa probinsya na manood ng tv? yun yung problema ko noon e hehe

    ReplyDelete
  7. yun oh bakasyon grande hehe, anyway oo mabagal talaga ang oras sa probinsya lalo na kung malayo sa bayan.. naks mukhang may childhood crush ka yun sa probinsya ha hehehe :D

    ReplyDelete
  8. abah..happy vacation poh..enjoy the fresh air.

    ReplyDelete
  9. kaganda ng lugar base sa larawan.. ang tahimik at peaceful...

    masyado remote ang lugar sa mga probinsya.. ito ung tipong masarap balikan. pang tanggal ng stress, mang relax ng isip at katawan..

    natawa ko sa pinaikling tawag ni pudrax mo sa mga tyahin at tyuhin mo.. simpleng simple eh ahahha...

    may amnesia ka na nga.. in 6 years, dpat man lang maging pamilyar sa iyo ang itsura nila.. ung mga pangalan ayos lang malimutan hheheh...

    ReplyDelete
  10. @Janice, sa Malasiqui

    @krn, tv adik ako kaya naghahanap talaga aq tv :D

    @AXL, sa bagui kami sa weekends. :D

    ReplyDelete
  11. @emmanuel, sa weekend pa yung bakasyon. wakokokok.

    @Istambay, piction po yan sir. ehehehehe

    ReplyDelete
  12. ah ok magkalapit lang pala..sa calasiao ako..this coming weekend uwi na naman ako dun..hehe

    ReplyDelete
  13. it's nice to be back home, enjoy your vacation!

    ReplyDelete
  14. andaming damo at puno..yun lang talaga yung napansin ko haha....nagmamano rin ako sa mga di ko kilala...haha

    ReplyDelete
  15. kilala mo sya limot mo lang ang pangalan?
    siguro siya ang crush mo dati...heheehe

    enjoy lang ang baksyon parekoy!
    sarap talaga tumambay sa mga damuhan at kaparangan ano?

    ingat jan parekoy at salamat sa pagbisita sa bahay ko!
    :)

    ReplyDelete
  16. hahahahaha. natatawa ako sa comment nung iba. lol.

    bitin na naman ang istorya. tatapusin ko to. :)

    ReplyDelete
  17. @janice, melapit nga lang. :D

    @kaeton, heheh. sige, eenjoy ko. wahihihihi

    @Sendo, nakagawian na kasi.

    ReplyDelete
  18. @jay rules, kk. :D thanks din sa bisita

    @goyo, wahehehe, madami nag-iisip na bakasyon nga akow. :D

    ReplyDelete
  19. Ang ganda ng pagkakwento mo... clear and colourful LOL! parang na hook up ako ah? LOL!

    ReplyDelete
  20. @kris jasper, salamat pow sa pag appreciate

    ReplyDelete
  21. Ang ganda ng story telling mo. na carried away tuloy ako.. :D

    ReplyDelete
  22. I think this is among the most vital information for me. And i am glad reading your article. But want to remark on some general things, The web site style is great, the articles is really great : D. Good job, cheers

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???