Tuesday, February 8, 2011

Tragic Theater


Last Friday, habang ako ay nagpapaka-emo at depress-depressan ang drama kasabay ng pag-aantay sa screening time ng pelikulang Bulong (review here), ako ay tumambay sa aking favorite place sa Robinsons Galleria; ang Bestsellers. Dito nagbasa ako ng aking horoscope for 2011 para sa mga Libra at para sa mga Tigers. Pero hindi ko binili ang librong yon bagkos, ang librong Tragic Theater ang aking napili at yun ang aking binili.

After 2 days, kagabi ko lang nagawang buksan ang libro at sakto naman dahil na-assign akong magbantay ng phone para sa mga aussies kaya walang call for 3 hours at nagkaroon ako ng ample time para masimulan ang book at madirediretso before matapos ang shift. So for today, ang aking ibibida ay ang tungkol sa book.

Ang librong ito ay tungkol sa sinehan, ang sinehan na puno ng misteryo at kababalaghan. Hindi naman tungkol sa sinehang may mga pokpokish at colboyish na gumagawa ng kakaibang ungol at nagpapakita ng kung anong ipapakita nila. Heto ay tungkol sa sinehang ipinatayo sa rehimen ni Marcos subalit minadali at nagkaroon ng aksidente. Apparently, hindi niligtas ang mga survivor at bagkos, tinabunan sila ng semento para matapos ang Theater. And thus the start ng creepy at mga elementong hindi normal. 

Ang wento ay iikot sa isang babaeng kasama sa isang project para ipaayos yung theater kaso nga lang, kelangang madispatsa ang mga kaluluwang di matahimik. So nakiusap siya sa friendship nia na pari para gumawa ng channeling para makatawid ang mga elements sa kabilang daigdig. Pero amportunately, aba, masyadong maangas at ma-pride ang mga mumu. Then suddenly, pak.... may exorcism na nangyari. then the rest is about the pagpapalayas sa sumanib sa babae. :D

Ang aking masasabi after mabasa ang libro..... Pwede na. Oks lang. Good. Kung irarate ko ito, mga 7 or 8 out of 10. Bakit naging ganun? Kasi medyo dragging ng konti sa umpisa. Kung di mo tyatyagain ang first fe pages, baka di ka makatagal sa huli. Also, medyo napapaskip-read ako sa gitna dahil sa mga redundant statements dahil sa pagsummon sa mga kaluluwa at pagpapataboy ng ghost. Kailangan bang inuulit lagi? Kailangan bang inuulit lagi? Kailangan bang inuulit lagi? 3x ang mga words at statements. 3x ang mga words at statements. 3x ang mga words at statements. ahahah. ganyan ang mababasa mo sa book.

Di ko alam kung true to life ang nasa kwento pero kahit paano, nakakatindig balahibo sya while reading. Siguro mas nakakakilabot to kung solo itong babasahin, sa gabi at madilim. 

So, hangang dito na lang muna mga pips. TC. 

10 comments:

  1. pare, sa susunod na punta mo ng rob galleria, text ka lang.. kita tayo.. hehe

    ReplyDelete
  2. natatakot ako sa sinehan...lalo pag mag isa ako nanonood kaya kelangan may kasama lage...sa tanong mo kung anong company ako sa eastwood kakapirma ko lang nang parang secrecy kenembolar at bawal daw ipost sa kahit na anong site o blog ang pangalan nang company namin...kaya bahave muna ako...pero sa cybermol ako dati at hindi ako tech support customer service representative ako...sa ngayon ako ay nagwowork na sa ortigas hehehe

    ReplyDelete
  3. ayokong tapusin yun entry mo.. natatakot nako.. nakapunta nako dun sa theater na yun eh.. nanood ako ng amazing Philippines.. parang ganun.. show ng mga binabae.. impeyrness ang gagaling nila.. astig nila magshow..

    ReplyDelete
  4. binibili mo lahat ng books mo o tambay lang sa bookstore? ang galing kasi, andameee! swerte mo muikhang interesting mga reads mo!

    uy sorry di ako nakakapdalaw, alam mo naman tong blog mo, di malaman kung may update o wala.. hehe

    ReplyDelete
  5. hello po... naglanding lang po ako sa iyong blog.. creepy yung story ng libro... naranasan ko ng manood ng sine mag-isa malungkot pero hindi ako natakot.. mahilig akong manood ng mga horrors pero asahan mong hindi ako matutulog, hahaha... dalaw po kau sa blog ko, kawawa nman eh... thanks po!!

    ReplyDelete
  6. san pwede makakuha ng librong yan.. wahehe... sabi din daw ni will maganda ang book...

    ReplyDelete
  7. Kung hindi ako nagkakamali ni-review din ito ni Will ng Me likes Art at mukhang hindi nya nagustuhan hehehe...

    ReplyDelete
  8. @MD, oks.

    @jobologist, ah, csr pala u.

    @babaeng lakwatsera, heheh, natakot ka ba? sorry

    ReplyDelete
  9. @chyng, bumibili ako, pero may times tambay lang at nakikibasa. :D

    @captain youni, dumalaw me sa blog mo.

    @kikomaxx, sa national boostore.

    ReplyDelete
  10. @glentot, nareview na pala ni sir wil ung book. hehehe

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???