Minsan nagiging isip bata ako. Fine! Madalas nagiging isip bata ako. Sige na! Isip bata talaga ako. Akala ko nag-grow na ako ng konti at nagmature kasi nakaget-over na ako sa pagiging isip bata pero naknamputsa, hindi ko kinaya. Heto at child mode nanaman ako dahil kay Pikachu sa Mcdo.
Kahapon, habang ako ay nagtatake ng calls ng mga kanuto at mga porendyer, isa sa aking ka-opisina ang biglang lumapit at may dala-dalang something. Lintek! Ang something na iyon ay isang Pikachu toy mula sa Happy Meal ng Mcdonalds. Punyeta! Naririnig ko ang boses ni Pikachu na pumimipika-pika. Then biglang bumalik ang pagiging tukmol ko at nainggit ako kaya pasimple akong bumaba nung break at sinilip ang mcdo sa ibaba ng building ng opisina. Doon nagrefresh ang pagiging childish ko para makakuha ng toy ng mcdo.
Dati na akong fan ng Happy Meal. Nagsimula ito ng nagkaroon ng Happy Meal sa pinas. Natatandaan ko pa na 50 pesos per meal na may combo na burger at coke. Ang isa pa sa trademark ng happy meal noon a yang karton box ng meal. Ang toy at ang burger ay inilalagay ng mga crew sa kahon at ang mga chikiting at batabatuta ay pede nang gumala-gala sa mall bitbit ang kanilang belongings.
Di nagtagal, nagkaroon pa ng promo ang mcdo at binaba nila ang price at naging 39 pesos ito. Doon naging fanatic at loyalista ako ng mcdo. Every week ata ay kailangang makapag-mcdo ako para bumili ng laruan. Grabe! Na-obsess ako nung bata sa mga laruan ng Mcdo. Mga may quality na toys ang mabibili at makukuha at halos everymonth ay may bagong toy na inererelease. Naging tambayan ko ang mcdo at mukang bibig ko ang happy meal. Nag-eeffort pa ako na tumawag sa parents ko para magdala o pasalubungan ako ng happy meal. Damn! I'm a happy meal freak. I can't live without happy meal.
Nakumpleto ko to noon in 5 days
Bilang isang batang estudyante na wala namang pera pambili ay kailangang mag-ipon ng todo-todo to the highest level para makabili ng laruan. Umiistrategy pa nga ako na pupunta ako sa tita ko na ka-subdivision lang namin para mag-tutor-tutoran sa pinsan ko at in the end may times na bibigyan ako ng 50. Sakto, may pamasahe papunta at pauwi sa malapit na mall at tyak may happy meal akong makukuha.
Heaven ang pakiramdam kapag may set akong nakukumpleto. Though wala kaming glasscabinet na nilalagyan ng mga toys para madisplay, masaya na ako na nailalagay sa open space ng bahay ang mga laruan at napaglalaruan ko at ng mga pinsan at bisita ang mga toys.
Time goes at syempre, nadadagdagan ang edad ko. Habang lumilipas, tumataas na ulit ang presyo ng meal. jusme. Tumataas na ang price, nawala pa ang kahon, naging paper bag lang pero naging plastic bag nalang. Ang juice o ang softdrinks din ay lumiit ng lumiit. Ang toy naman ay naging chipipay at may times na boring na. Doon tumigil ang addiction. Para akong na-rehab at di na atat at sabik sa new release ng happy meal. kasabay ng pagtanda ang pagkaaliw sa ibang bagay aside sa happy meal.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Asan na ang mga laruan na kinolekta ko? Well, wala na. Kasabay ng bagyong Ondoy, inanod na sila at marahil ay nakapagpapaligaya ng ibang batang nakadampot sa 3 giant supot ng laruan. The toys gave their purpose, ang magpasaya ng bata. Marahil masaya at happy na sila sa bago nilang amo at hopefully ay mapasaya din nila ang mga bagong batang kumukupkop sa kanila.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
LOL. Noong bata ako, lagi naming kinukumpleto ang mga happy meals ng ina ko dahil nag-iisang anak ako at malakas ako sa ina ko! :D:D:D:D
ReplyDeleteSalamat nga pala uli sa pic greet!! :D
Tama ka...jusme.. ang mamahal na ng mga value meal ngayun. pero worth it yung mga laruan sa mcdo kasi talagang matitibay sila. :)
ReplyDeletemakabili nga rin!.. :D
ReplyDelete@michael, naks. nakakakumpleto ka din ng set
ReplyDelete@MD, tama, maganda ang quality ng toys
@mapanuri, pika... pikachu. nakabili ka na kanina