Friday, September 30, 2011

Chatime

Hellow there! Kamustasa kalabasa?! Hahaha. Restday ko pa kaya di ko pa muna ipagpapatuloy ang SG trip kwento tungkol sa pagpasyal sa Universal Studios. Pasabikin ko muna kayo ng slights. wahahaha. 

Dapat for today ay movie review ang gagawin ko pero baka nauumays na din kayo at di nio na feel ang review kaya naman let's shift to foodies. wahaha. akswali, drinks ang mapropromote ko.

Kanina, nanood ako ng peliks na 'Ligo na U, Lapit na me' (abangan ang review by next week lols.). Right after ng movies, naglibot muna me sa mall at doon ako tinamaan ng uhaw. Yung uhaw na hindi alak ang hanap kundi something sweet. 

Lilipat sana ako sa Greenhills to try yung talk of the town na Happy Lemon kaso mukang matratrapik me pauwi kaya naman sa isang kakompitinsya na lang ako bumili. Ito ay ang 'Chatime'.


Ang Chatime ay isang brand na nakikilala dahil sa pagbebenta ng mga tea drinks na tulad sa Serenitea. Ang store na nadalaw ko ay sa may Robinsons Galleria na katabi ng Supermarket, tapat halos ng national bookstore.

Since nakwento ko na di ko masyado feel ang tea drinks kasi mahilig ako sa sweet drinks kaya naman nung pumila ako para bumili ng drinks nila, ang aking inorder ay ang 'Chocolate Mousse'.

Perstaym ko umorder sa ganto kaya naman ignoramus mode. Ang alam ko lang ay name ng order at size pero di ko alam na may mga extra anik-anik pa na detalye ang drink. Tinanung ako kung anong level ng sugar. Wow! May level! Pedeng pumili sa mga different percentage. Tapos may tanung pa kung lid or seal para sa takip. Nasabi ko na lang lid.

After makapagbayad ng 95 petot for the Large choco mousse, binigyan ako ng parang flying saucer na ewan at mag antay na lang me. Akala ko parang sa istabaks lang na tatawagin pero i am so wrong. Medyo hi-tech sa ignoramus ang nangyari. Aba... jumijilaw ang disk. at nag vivibrate pa!

Heto ang larawan nung disk at nung design sa place ng Chatime.



Nung makuha ko na ang aking order, syempre, kailangan pekpekturan para may ibidinsya na naka-order me. lols. Maganda yung design ng seal. ang cutie. Parang yung hersheys kisses



Ang lasa ng order???? Ay nakow! Wagi sa aking testbuds. wahahaha. Ansarap at antamis. Hindi lang like, +1 pa! hahaha. Pwede ko na tong alternative sa mocha frap ng sirenang may dalawang buntot. ahahahah. Panalo.

For tea lovers, di ko alam lasa ng iba kaya kung natry nia na ang chatime, sabihan nio ako ng masarap na plebor ha!

O cia, hanggang dito na lang muna. nagmamarathon pa ako ng samu't-saring korean/thai films. TC!

2 comments:

  1. loko ka!

    andami kong tawa sa "kakompitinsya" at "ibidinsya". may nakilala akong blogger at sikat na sikat siya kahit sa mga Sg bloggers. hihihi.

    pero secret na yun, walang clue.

    anyway, mukhang sosyalin dyan dahil sa saucer. hahaha! ililibre mo ba kami dyan sa nalalapit mong BIRTHDAY?? :))

    ReplyDelete
  2. @sob, salamat sa nag-iisang comment ng post na to.

    sino yung blogger na tinutukoy mo ?

    hahah :D

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???