Kamusta? Andito nanaman me. Nag-iingay. Anyway, sinugaps nanaman kahaps yung internet at pc ko kaya naman di ako makapag-upload ng SG pics sa pesbuk at kahit mag update ng blogelya ko kaya naman nagawa ko na lang manood ng peliks yesterday.
Bukas ko na lang sisimulan ang mga wentong lakwatsa at tayo ay sa pilm rebyu muna mapunta.
Ang peliks for today ay gawa sa bansang Thailand. Hindi ito horror kaya don't worry. Hahaahah. Medyo love story ng slight ang peliks.
Ang wento ay tungkol sa isang girl na nagdridrive papauwi gamit ang kanyang tsekot. On her way home, mabubundol niya ang isang lalaki. Woooops. Buhay po mga kapatid, kapuso at kapamilya yung lalaki at walang labas bitukang eksena... sayangs!
Nawalan ng memorya ang lalaking nasagasaan nung babae. Yung lalaki ay yung bida sa Shutter (yung long hair na pinatungan nung babae sa balikat.. hahaha). So parang common story ang mangyayare. Sa umpisa ay ilang at walang tiwala yung girl sa boy kasi total stranger but as time goes by... syemps me spark at connection na magaganap. Hindi lang sila nagkwentuhan... umabot pa sa kwentutan ang storya ng dalawa. Happy ending na ba???? di pa... dahil may twist!
Ang twist... hindi po halimaw yung lalaki. Hindi rin sya serial killer (sayangs!). Nung nagkamabutihan, nagkabayuhan at nagshembotan na yung si girl at si boy.... malalaman ang past ni boy. Wala siyang fiancee na nag-aabang. Hindi rin sya byudong may anak... It turns out si boy ay isang girl at heart.
Ang lalaki na pinangalanang 'Tan' dahil sa wintas ay 'Tanya' pala. Who would have thought na drag queen pala ang nakabembang-boomboompow ni babae. Habay-akalain mo yun? Tumayo ang testigo, kay susan tayo! (basahin habang nakatakip ang ilong.. ngongo style). :p
Rating: Bibigyan ko ng otso ang peliks dahil di ko akalain na ganun ang magiging takbo ng wento. Kakaiba sa common storyline na napanood ko na sa mga telebisyon. :d
O sya, hanggang dito na lang muna, anlakas ng bagyong pedring. nakakapraning. May pasok pa ako mamayang gabi. Nakabantay kami sa telebisyon dahil sa takot sa baha.
Nawawala na pala ang rashes ko na dulot ng hypersensitive skin. Sakripisyo muna sa mga kakainin ko.. huhuuhuh, andaming bawals.
Byers na muna. hehehehe. TC mga pips.
sa lahat ng nagbibigay ng movie preview dalawa lang kayo ni glentot ang pinakagusto ko...lamang lang sayo si glentot sa kabastusan...LOLOL
ReplyDeleteYES naka-base me.
ReplyDeletekaeksayt naman ito hehehe
ReplyDeleteaYOS ang review.
ReplyDeletepansin ko, ang hilig mo sa thailand movies...
ReplyDeleteganon ka din ba sa korean movies?
siya nga ung sa shutter. hehehe. sige papanoorin :D
ReplyDelete@akoni, hahaha, tnx
ReplyDelete@akoni ulit, base ka nga!
@jay rules, heheh
@diamonr, tenks sir
ReplyDelete@ka-swak, uu
@bino, ahahah, salamats