สวัสดีครับ (sawatdi krap)! Oki na ako. Nakalagok na ng alak at naitulog na lang ang dinibdib na kabiguan. So for today, back to movie preview at review-reviewhan sa bloghouse ko. At kung napansin ninyo sa panimulang pagbati ko, dapat knows na ninyo kung saang bansa ang peliks. Thailand!
Back to back horror movies ang aking ibibids dito sa aking zone. Pasensya na, sa susunod na lang ang mga kilig movies. masaya kasi manood ng horror to kill depression.... Pang-shock ng puso at pampabilis ng daloy ng blood.
Unahin na natin ang The House.
Ito ay ang kwento tungkol sa kwento ng isang reporter na nag-iimbestiga sa murder case sa thai. Ito ay ang pagpatay ng doktor sa kanilang karelasyones. Sa kanyang pananaliksik dito ay malalaman niya ang 3 cases ng murder na naganap sa iisang bahay. Sa subrang pangengealam niya ng kaso, ayun, nagpunta siya sa bahay at doon na magsisimula ang pagpaparamdam ng mga natigoks na mga gerlay.
Rating for this movie, around 7. Maganda yung pagkaka-weave ng story kaso nga lang dehins much ako natakots. Walang masyadong dugo-dugo na tumatalsik anywhere at walang mga gulpi de gulat scenes.
Next movie naman ay ang Body 19.
Isang binata ang nananaginip tungkol sa isang babaeng pinatay at hiniwa-hiwa o na-chop-chop. Sa panaginip, nagpaparamdam ang girl at sinasabing hanapin siya. Sa paghahanap niya ng kasagutan sa chopchop lady, madaming misteryo at gulat ang mangyayari.
Anhirap iexplain ng 2nd movie kasi twisted ang story. Though sa umpisa ay parang walang dating at walang latoy, pagdating sa mga bandang gitna at sa dulo, aba'y grabe ang shocking factor at ang turn of events at pati ang shocking truth.
For the second movie, nasa 8.7 ang iskor ko. Hehehehe. Pag niround off, pede ng 9 to, nagustuhan ko kasi yung revelation.
O cia, hanggang dito na lang muna, back to work na me mamayang gabi. TC!
Hindi ko pa sila napapanood kasi parang di ko masyado type. Pero baka i-try ko rin yung Body 19. :)
ReplyDeletepuro horror!!! di ako mahilig talaga sa horror movies hehehee napapanaginipan ko kasi
ReplyDeleteMahilig rin ako sa Thai horror movies. Excited na for Halloween?
ReplyDeleteHorrorrrrrr!!!!
ReplyDeleteNaalala ko yung The Eye. Yon ang unang thai que horror na napanood ko.
ReplyDeletehehe, mahilig ako sa horror movies!
ReplyDeleteWiz ko watchiley itiz kase wiz ko betsina ang horror. Hahaha.
ReplyDelete@will, hehehe, :D
ReplyDelete@bino, next time lab istory
@glentot, uu, advance halloween treat
@leah, uu, horror
ReplyDelete@rah, katakot nga the eye
@kringles ako din
@robbie, masaya manood horror!
ReplyDelete