Mama what is chikchik? Mama what is sulit? lols. Wala akong matinong opening statement kaya ang famous lines na lang ni bebi jims ang gagamitin ko. :p
Kahapon, right after my shift, tambay muna me sa bahay at nanood ng tv. Dito ko nabalitaan na binalik ng GMA 7 ang isa sa cartoon/ anime na inabangan ko noong nasa high school pa ako. Eto ay ang anime na Hunter X Hunter.
Ang anime na nabanggit ay tungkol sa isang batang paslit na may name na Gon. Siya ay naghandang hanapin ang kanyang ama na kanyang nalaman na isa palang Hunter (hindi po yung mangangaso). Upang mahanap ang ama, kailangan niyang sundan ang bakas ng tatay at maging Hunter. At dito magsisimula ang adventure. :D
Sa paglalakbay ni Gon, makakakilala siya ng mga kaibigan. Heto ang taklo sa mga naging friendships at berks ng bata sa kanyang pag-apply (nag-submit ng resume at may interview, joke) bilang Hunter.
1. Leorio- Siya ang tila Alfred (ghost fighter) sa grupo. Isang lalaking gustong maging doktor. Naging kaibigan siya ni Gon noong nasa Hunter examination pa. Matapos ang Hunter examination, medyo di nabigyan ng progress ang character na ito.
2. Kurapika- Ang tila Dylan (Flame of Recca) sa grupo. Ang lalaking mukang babae. :D Nag-apply bilang isang hunter dahil nais niyang maghiganti sa grupong umubos sa kanyang tribe (ethnic si koya, may tribe). Nagiging pula ang mata niya kapag nakakakita ng gagamba. Nag-evolve (parang pokemon lang ah) sya bilang mahusay na hunter dahil sa pagpupursige sa revenge plan niya.
3. Killua- Ang parang Vincent (Ghost Fighter) sa grupo. Siya ay isang assassin na bored sa buhay mayaman niya kaya naisipang sumali sa Hunter exam. Dito naging best buddy niya si Gon dahil halos magkasing age lang sila. Bihasa siya sa pagpaslang dahil iyon ang ikinabubuhay ng buong pamilya niya.
Syemps, kung may mga bida, syempre may naging kontrabida sa anime. Ang famous kalabs at kontrabids ay ang Genei Ryodan. Sila ang grupong may kinalaman sa pagkaubos ng tribo ni kurapika.
Ang Ryodan ay binubuo ng 13 members. Bakit trese? Di ko alam. joke. Ito ay kumakatawan sa 12 paa ng isang gagamba at ang ulo ang 13th member o ang boss.
Ang mga pangalan ng 13 members ay sina: Kuroro (Boss, Skill Hunter), Bonorenofu (mummy-like) , Feitan (Bandit looking), Franklin (Frankenstein-look), Hisoka (clown/juggler look), Kortopi (Sadako-look), Machi (Mananahi skills :p), Nobunaga (samurai), Pakunoda (big-tits girl), Phinks (Egyptian look/jogging pants attire), Sharnark (guy with cellphone), Shizuku (girl with vacuum cleaner) and Uvo (Sabbertooth look).
Maganda ang anime na to subalit nahinto dahil tinamad yung artist ng manga na pinanggagalingan ng story. Inpernes e oks ang anime na ito, pero sana maka-catch up na yung anime sa kwento ng manga. :D
Hanggang dito na lamang muna. Hehehe. :D
isa pa to. di ko rin natapos. hehehehe. nubayan. ala nako'ng natapos na anime
ReplyDeleteweird ng ginei ryodan.. 12 daw ang feet ng spider... kung sino man gumawa nito bagsak malamang sa biology.. :p
ReplyDeletenatapos ko (ata) ito... yung ending ba nito is yung sa ending nung pumasok sila sa game? ( di ko maalala taytol ng game.. :p )
ay isa sa mga gusto kong anime... dati gusto ko dito si kurapika... kala ko kasi babae.. ehehehehe...maganda na sana ung storya nito.... huling panood ko nito. yung sa york new city (binaligtad na new york) ehehehehe... :D
ReplyDeletehindi ko trip ang anime na to kaya di na ako nag effort na subaybayan.
ReplyDeletepero as of now parang namimiss ko ang cedie ang munting prinsipe hehehe
isa to sa mga series na tinutukan ko ang kaso di ko natapos kakainis lang hehehe... fave ko dito si Kurapika.... :D
ReplyDeleteoooiiiiii.. na-adik din ako neto num. woot woot. kaso nawala lang na parang bula kasi wala greed island na season.
ReplyDeleteGanda neto. Idol ko si kurapika.
ReplyDeleteIsa ito sa anime na pinakagusto ko na pinalabas ng GMA. Mabuti naman at binalik na ulit nila.
magandang araw sir kanto
gusto ko ang opening statement mo. hahaha. whats chikchik. :D
ReplyDeletenaaalala ko ito. elementary ako nun nung nauso to. uso pa nun yung mga text na hunter x hunter. nakikolek pa nga ako nun e. hahaha.
awts namiss ko ang aking hi skul days.
ReplyDeletepeborit ko si killua at ang kanyang maugat na kamay..hahaha
teka nga, tapos na ba tong palabas na to?
bad trip kasi laging hindi tinatapos.
tsk tsk..
hindi ko to napapanood, ghostfighter at dragonball lang napapanood kong anime...
ReplyDeleteSalamat ng madami sa dumalaw at nagcomment, pasensya na at di ako makareply sa lahat.
ReplyDeletetawa ko ng tawa sayo kuya! HAHAHAHA XD lalo na sa description ni Killua "siya ay isang assassin na bored sa buhay mayaman" wahaha!
ReplyDeletenakakatuwa naman makakita ng tagalog na blog sa HXH kahit 5 years late na ko nung pinost mo ata 'to? hahaha
napanuod ko na tong HunterXHunter sa gma dati nung elementary ako kaso di ko naman nasubaybayan ng ayos tapos ni-replay nung highschool ako puro na commercial parang 10mins. na lang yung actual na palabas. grr! ngayon minarathon ko ulit sa internet yung original 1999 japanese series with eng subs. GRABE! SOBRANG GANDA! iba sya sa DBZ na kinabaliwan ko sa mahabang panahon na tipong saulo ko na yung mga dialogue hehehe! ito kasing HXH kasi may depth yung storyline tska interesting talaga yung mga characters! omg. inlove na ko kay Hisoka! ♥ astig na astig talaga ko sa genei ryodan! \m/
kaso hanggang episode 70 lang ako! di ko tinuloy. nagbago kasi yung color scheme parang HD? ang sakit sa mata. tska makikilala na ata nila si biscuit. ayoko! nagseselos ako! xp nakakalungkot rin naman naging masyado ng seryoso si kurapika tapos parang di nauutilize si leorio. namimiss ko yung grupo at friendship nilang apat! ayun~
tawa ko ng tawa sayo kuya! HAHAHAHA XD lalo na sa description ni Killua "siya ay isang assassin na bored sa buhay mayaman" wahaha!
ReplyDeletenakakatuwa naman makakita ng tagalog na blog sa HXH kahit 5 years late na ko nung pinost mo ata 'to? hahaha
napanuod ko na tong HunterXHunter sa gma dati nung elementary ako kaso di ko naman nasubaybayan ng ayos tapos ni-replay nung highschool ako puro na commercial parang 10mins. na lang yung actual na palabas. grrr! ngayon minarathon ko ulit sa internet yung original 1999 japanese series with eng subs. GRABE! SOBRANG GANDA! iba sya sa DBZ na kinabaliwan ko sa mahabang panahon na tipong saulo ko na yung mga dialogue hehehe! ito HXH kasi kasi may depth yung storyline tska interesting talaga yung mga characters! omg. inlove na ko kay Hisoka! ♥ astig na astig talaga ko sa genei ryodan! \m/
kaso hanggang episode 70 lang ako! di ko tinuloy. nagbago kasi yung color scheme para HD? ang sakit sa mata. tska makikilala na ata nila si biscuit. ayoko! nagseselos ako! xp nakakalungkot rin na masyado ng seryoso si kurapika tapos parang di nauutilize si leorio. namimiss ko yung grupo at friendship nilang apat! ayun~