Thursday, September 15, 2011

Failure Hurts

Ansakit-sakit! Anhirap tanggapin! Demn. It hurts. It hurts so bad!


Nagtweet pa ako kagabs na nagrereview me for an upcoming certification exam. Ano ba yung exam? Eto ay  free sa kumpanya sa mga empleyado na may B rankings. Isa ako sa nakatanggap ng chance para mag-exam. Ang exam ay Windows 7 certification.

Di na bago sa akin ang MCP exam, kasi nung nasa kolehiyo pa ako ay nasubukan ko na to. Computerized at may set of questions na ang total ay 1000 points, kailangan maka 700 ka to pass.

Kanina nag-exam na ako, at kampantebols ako ng slight kasi sa 50 questions, 4 items lang unsure ko. So nung natapos ako akala ko ay papasa me pero demn.... Bagsak!

Aray. Nagpuyat-puyat pa me kagabi tapos nag last minute review pa ako sa mcdo kanina. Maaga din me sa scheduled exam ko. Nagdala ng rosary sa bulsa. 

664 ang score ko. Parang 1 or 2 items na lang, pasado dapat me. Demn. fuck.

Ansama ng pakiramdam ko after. Prinint yung result, strong lahat ng items pero sadyang kulang lang ang naipuntos ko.

Habang nasa fx pauwi, mangiyak-ngiyak me. Teary-eyed ako pramis! Ansarap buksan ang pinto at magpasagasa sa mga sasakyan.

Alam ko OA. Bumagsak din naman ako noong nag-MCP ako noong college. Pero ang masakit kasi feel ko ako ang unang bumagsak sa kumpaya namin. Yung mga kakilala ko na nag-exam na, lahat pasado, at yung iba pekpek pa nila ang score. I'm so dumb.

At dahil sa pagbagsak ko sa exam, nagdesisyon akong di na din tumuloy sa application ko for training for a change career sa opisina. 

Sa ngayon, parang gusto kong uminom ng Tanduay Ice o kaya San Mig apple. O kaya mag Frap sa starbucks o kaya magmarathon ng thai movies. Nakakadepress!! spell depress? K-H-A-N-T-O... GELO!

di ko na ikokoments off, i need your advice mga peops. 

25 comments:

  1. malungkot nga. pero malay mo naman, may ibang plans si God kaya ka di Niya hinayaan na pumasa ka sa exam. Think positive na lang :D God bless you my friend

    ReplyDelete
  2. It may sound cliche, but there is a reason for everything. Baka merong gustong sabihin sa 'yo si God kaya hindi mo naipasa. Ang advice ko sa 'yo: PRAY! Listen to what He's trying to tell you. This is probably just one of His trials to test your faith as well. :)

    ReplyDelete
  3. Natawa ako sa huling part...pero seroso akong dama kita sa ganyang sitwasyon pre... bumabagsak din ako, at nararamdaman ko ang feeling ng pagkabigo, lalo na kung pinaghandaan talaga. May dahilan ang Diyos dyan, para hindi pa ito ang tamang panahon para dyan. May kapalit yan mas magandang pagkakataon.

    Tulad ko, last sept.2010, nabiktima ako ng scam 500K ang naitakbo nila sa akin, pero after 1 year, eksaktong september din, ngayon, malaking blessing ang ibinigay ni Lord sa akin, ang magandang trabaho at magandang chance para makaahon sa buhay, dito sa Abu Dhabi.

    Kaya wag kang madepress sa una lng yan, tanggapin mo na lang, lilipas din yan. May nagaantay na magandang kapalit yan, antayin mo, magugulat ka na pagdumating na nga yan, maalala mo ang comment ko na to. Smile bro!

    ReplyDelete
  4. "I've missed more than 9000 shots in my career. I've lost almost 300 games. Twenty-six times I've been trusted to take the game winning shot and missed. I've failed over and over and over again in my life. And that is why I succeed."
    - michael Jordan..

    Wag ka mawalan ng pagasa.. Wag mo ihinto nag buhay at Plano mo s buhay ng dhil s isang pgkakamali.. Wag mwalan ng pagasa.. Ituloy mo yun application mo.. Gepay to angbabaenglakwatsera gepayporkchop.blogspot.com

    Badtrip topak blog account ko hndi mkpgcomment

    ReplyDelete
  5. TAGAY na! ayos lang yan!! subukan uli next time!

    ReplyDelete
  6. isa lang ang ibig sabihin nyan: hindi talaga yan para sa'yo at may mas magandang plano si God for you. kaya wag ka na dapat madepress.

    ako nga eh, maraming nireject na job opportunity dito sa pinas simula nung bumalik ako last Month. kasi may inaasikaso din akong work sa Qatar. tapos kagabi ko lang nalaman na hindi raw muna ko pwedeng i-hire at maghintay na lang daw ulit ako ng tawag nila.

    so kelangan ko na ulit magsimula sa umpisa. kaya ikaw, dapat think positive ka lang. may mas magandang surpresa na naghihintay sa'yo, sa atin.. oki doki?

    just pray and always talk to Him.

    ReplyDelete
  7. HUGS!! ok lang yan, lahat naman tayo nakakaranas ng failure

    tommorow is another day

    ReplyDelete
  8. Ok lang ma-depress. Part yan of growing up. Failure spices up success. Ang mahirap ay madepress ka ng matagal. It's not healthy.

    Sabi mo may dala kang rosary, pero di mo nabanggit kung nagdasal ka nang mataimtim bago at matapos ang exam. Feeling ko naman you did, at kung di naman nagtagumpay, it only means one thing, may ibang plano si Lord sa yo. Baka He wants you to take the exams again, pero offer first your plans to Him.

    God loves us. You'll go a long way, kung lagi mo Siyang kasama. :)

    ReplyDelete
  9. Ok lang yan. Failures are needed for success. Malay mo sa ibang field ka mag excel.

    Marami ka namang positivity sa buhay... gamitin mo yun to get up and try again.

    ReplyDelete
  10. sayang naman... may opportunity pang darating sayo, hindi lang yan. dalawang beses ka man bumagsak im sure sa pangatlong take mo, bagsak na naman joke lang hehehe! pinapatawa lang kita...

    better luck next time.

    ReplyDelete
  11. It's ok. You did your best. Move on na agad. Kunin mo nalang ulit next time.

    Live life with no worries.

    ReplyDelete
  12. masarap na inuman with barkada lang solve na ang lungkot mo.
    just don't take life seriously!

    ReplyDelete
  13. may mga bagay na nangyayari sa atin na hindi natin kagustuhan at ganon din ung mga gusto natin hindi naman nangyayari. pero ganon pa man, ang isipin na lang natin. may iba magandang maaring mas para sa atin.

    sir khanto.. ok lang yan.. :)

    ReplyDelete
  14. lagi nmang may next time dont give up, iinum natin yan..

    ReplyDelete
  15. we're both in despair..hay, I just received an email from my pending work application. sad to say, hindi rin ako priority. too bad talaga! un ang pinaka gusto kong work hanggang pagtanda ko eh. dun sa company na un.

    ReplyDelete
  16. hirap tlga pag gnun un bumabagsak ka at lalo na un mga importante pa nman pero gnun tlga life di lahat ng nais napapasau minsan merun mga bgay na nagbibigay aral sa ngyari, di lang kw ang nakaranas nun sa kabilang banda my mga positive things pa rin nman ngyyari sau....

    ReplyDelete
  17. may bad days talaga. that's life. busy mo lang sarili mo, it'll be better.

    going through something myself. kaya nilulunod ko sarili ko sa trabaho. :)

    ReplyDelete
  18. since halos nasabi na nila lahat..ito nalang yung akin - go lang ng go! na tweet ko na rin yan..hehe
    marami pang chance :)

    ReplyDelete
  19. Akamang-akma ung background music mo sa posts mo ah!

    @Keatondrunk, Dom nagba-blog ka din pla? :)

    ReplyDelete
  20. Don't be afraid to fail. Don't waste energy trying to cover up failure. Learn from your failures and go on to the next challenge. It's OK to fail. If you're not failing, you're not growing.

    - Anne Sullivan

    ReplyDelete
  21. may rason nga raw ang lahat sabi nila. malay mo sadyang ginawa ni Bro na ganyan mangyari sayo para magtuloy-tuloy ang mas magandang plano Nya para sayo :)

    ReplyDelete
  22. Thank you ng madami sa inyong na lahat.

    Siguro nag-over-react lang ako sa kabiguan kong to kaya sobrang sakit.

    Tama ang mga comments nio na baka may ibang plano para sa akin. I will just wait and see what will happen next.

    If in case, baka mag-retake ako kung bibigyan ng pagkakatao.

    Uli, maraming salamat sa strength na binigay ninyo. :D

    ReplyDelete
  23. o since late na ako dito.. at naibigay na nila lahat ng adbays...

    next year sabay tayong mag-MCP.. tapos CCNA narin gow!!!

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???