Hello! Ako'y nagbabalik mula sa bakasyones ko at pahinga. Madami sanang wento kaso hahahah. may pangyayaring hindi umayon sa good karma.
Kung nagbabasa kayo ng 9gag, baka kilala ninyo si Bad Luck Brian. Sya yung lalaki na laging minamalas. At sa pagkakataong ito, feeling ako, sumapi sya sa katawang lupa ko at ako ang Bad Luck Brian nung nagpunta me sa Malaysia.
1. Nag-LBM pero mas swak ata sabihin na nagka-dayariya (wag na kwestionin ang spelling prowess ko). Noong nasa Resorts World Genting ako, ilang beses akong nagpabalik-balik-balik-balik-balik sa takubets para magdispose ng dumi sa katawan. Grabehan kasi it's like pooping water. anhirap maglibots na kumukulo ang tyan every now and then. At ang masama, minsan ang cr sa Malaysia ay squat type, so kailangan maghanap ng throne type (throne type talaga ang tawag?)
2. So after masira ang stomach ko, same day, right after makapag-libot sa kung saan saan sa RW Genting, nung bumalik kami sa hotel, nilagnats naman akows. Alam mo yung factor na nanginginigs me sa ginaws na ewan. sucks. 2nd sickness.
3. Mula ng magkasakit sa pagpoopoo, pigil akong kumain ng kung anik-anik sa KL. Yung feeling na halos lahat ng pwedeng makain at matikman at ma-experience sa food trip ay di pede. Yung kelangan kong kontrolin ang food intake dahil ayokong biglang sumakit ang tyans at magka-chocolate sa pants.
4. Dahil sa time constraint, hindi kami nakadaan ng chinatown ergo hindi ako nakapag-shop ng murang pasalubs. Plus, hindi ako nakabili ng Tshirt para sa sarili ko. kainis. :(
5. Last, but not the least..... kung nakita nio ang tweets ko sa chwirrer, alam nio siguro na naiwan sa taxi yung digicam ko. Tama ang nabasa ninyo, nawala/naiwan si Tordie (name ng pangatlong digicam ko). Alam mo yung hondomi mong larawan na nacapture sa Kuala Lumpur tapos naglahong parang bula.
6. Yung bag ko na naka-pack light lang dapat ay pinacheck-in ng ate ko. Ayun, pagkauwi, ngayon ko lang napansin na though na nakasara yung bag ko, nawawala yung pinaka handle ng zipper. Alam mo yung feeling/kutob na binuksan yung bag mo at wala silang nakuha kundi yung naruto cellstrap na ginawa kong keychain. ayun, di ko na magagamit ang bag ko.
Tapos pagbalik dito sa pinas, at sa pagchecheck ko sa email ko sa trabaho, medyo magiging busy ako sa pagbalik ko. plus sumambulat yung scores ko na bagsak sa dalawang office related stats.
Sana sa pagtatapos ng buwan ng July, lumayas na ang sapi ni Bad Luck Brian sa akin. Sana pagdating ng August, Good things will happen.
O cia, hanggang dito na lang muna. TC!
homaygad.mukhang no joke ang bad luck na ito>oldo you made it sound light parin with your narration pero damn!LBM+lagnat.panira ng travel yan nawala pa si camera,patay ang mga photo moments.lingering ang effect.Shitness yan.Sana nga mawala na si karma.shayks.
ReplyDeleteAw grabe naman..ang dami nun.. Sorry for you.. but don't worry.. 3 times blessings ang balik ng bawat isang nabanggit.. good things are yet to come!!! :)
ReplyDeletebro, try mo pumunta sa isang chinese na nagtitinda ng lucky "stuff" tas try mo bumili ng lucky bracelet. :) minsan effective :) syempre pa panatilihin lang ang positive at optimistic na attiitude :D good luck :)
ReplyDeletesayang naman ung mga photos! musta naman sa malaysia? excited na ko'ng makapunta ;D
ReplyDeleteaw ang sad naman ng mg unfortunate events mo khanto...nakita ko nga yung twit mo...anyways sana ok ka na..
ReplyDeleteGood Vibes to you!!! ^______________^
and good Karma too!!! hehe
Deletehaha minsan talaga buhos buhos ang bad luck kilala ko din yang si bad luck brian na yan
ReplyDelete