Tuesday, July 17, 2012

Turn Left, Turn Right

Ano ang gagawin kapag ang taong nakatadhana sa iyo at matagal mong hinahanap ay andyan lang pala sa tabi mo pero hindi mo lang alam? Paano ang gagawin mo kapag tadhana mismo ang gumagawa ng paraan para hindi kayo mag-krus ng landas?

Ang pelikula sa post na ito ay tungkol sa pagkakataong nababanggit sa itaas.


Sa peliks, mayroong dalawang bida, si musician boylet at si writter girlaloo. 

Plasbak........ 13 years ago, may isang totoy musician na nagka-kras sa isang aspiring writter na dalaginding. Puro pasulyap-sulyap at patingin-tingin ang peg ni boy. Walang guts to approach yung type niang girlay. Pero one day, si girlay ang gumawa ng move at hiningi ang number ni boylet.

Back to current time. Nagkaroon ng time at pinagtagpo muli ng tadhana ang dalawa. it's love-love-love na. Nagkapalitan sila ng phone number..... pero tadhana nanaman ang gumalaw at nabasa ang paper na may number.

hanap to the left, hanap to the right ang ginawa ng dalawa para magkita muli pero mailaps talaga ang pagkakataon. Kahit na pader lang ang pagitan ng separate na apartment unit na inuupahan nila, hindi sila magkatagpo. Kahit na nasa iisang place sila, poof.... either nasa taas ng tulay ang isa habang nasa baba ang isa. Para silang compass, laging nasa opposite side.


Pero syemps, kahit na kung anong kamalasan ang ganap at humadlang sa dalawa.... kung kayo talaga para sa isa't-isa..... magtutugma at magkikita kayong muli.

“Life is full of coincidences…even two parallel lines might some day meet”

Medyo mababaw me na person kaya na-touch ako sa wento. Like..... ahhwwwwww..... yung ganung feeling na sarap pag-untugin yung dalawa para magkita sila.... hahahaha..

Anyway, para sa akin..... 9 ang iskorlaloo ng peliks. Walang basagan ng trip, yan ang gusto kong rating. :D

O cia, hanggang dito na langs muna. TC!

8 comments:

  1. wow 9 ha mukang ok nmn ang kwento the usual na masalimuot to happy ending haha

    ReplyDelete
  2. EEEEE...parang serendipity yung story. :)

    pero kung kayo talaga, kayo..kahit pa saang lupalop yan!! wehehehe

    ReplyDelete
  3. wow, naka-9.. mukhang bongga to! bet ko panuorin din.. like ko yun quote mo :)

    ReplyDelete
  4. mukang maganda panoorin 'to hehe ^,^

    ReplyDelete
  5. mga ganito'ng kento ang gusto ko hehehe

    ReplyDelete
  6. parang may ganyang pelikula din sa hollywood hindi ko lang matandaan ang pangalan. >.<

    ReplyDelete
  7. gusto ko tong panoorin.... krasss ko yan si Keigo ng "GOD GIVE ME MORE TIME" ata yun.... huwaaaaahhhh T_T

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???