Sunday, July 1, 2012

Love You You

Tapos na ang unang kalahats ng taon... papasok na ang sekan-hap. Goodbye June... Hello July na! So bagong buwan.... bagong kabanats sa buhay-buhays.

Para simulan ang bagong buwan (kapangalan ng isang peliks)..... ang blog post for today ay isang movie rebyu-rebyuhan. Oo, balik peliks muna tayo dito sa kwatro khanto. 

For today..... mag horror muna tayo. Ahahaha. Joke lang. Nakita mo na nga yung name ng post tapos maniniwala kang horror ang peliks... come on..you're so gullible (wow, may galibul pang nalalamans).

Base nga sa namesung ng post... 'Love You You' ang title ng peliks. Kailangan inuulit daw kasi yung you... walang basagan ng trips.


Okay, ang wento ng peliks ay magsisimula sa position ni girl kung saan ay inatasan syang mag-imbestiga. Kung anong iimbestigahan nia.... ay ang boylet na owner ng isang beach resort sa bora (joke, sa isang magandang beach).

Dito naman eenter the dragon si boy kung saan nga ay owner sya ng beach resort. Kung ano-anong pakulo-kulo at ka-ek-ekan ang mga pinag-gagawa nia para kumikitang kabuhayan ang kanyang negosyo.

Syemps, sa una, medyo di magkasundo at tila bangayan ang dalawa but eventually, laglag-panty-laglag-brief ang eksena.... magkakadebelopan na parang kodak film lang ang dalawa.

Tapos anhirap i-explainations ang mga susunod na ganap. Basta-basta. and so nagkaroon ng event/eksenahan/slight drama-dramahan which leads sa di pagkakaunawaan sa bandang gitna ng movie.

Pero naayos naman kasi lumitaw ang sweet part at ahhhhwwwww(slight kilig-kilig at kurot-kurot feeling) na eksena.

Then, aparently, may time gap at di nagkakitaan ang dalawa tas after a year, back to each other na ang peg. The ends.

Technically (wow, may technically? Napulot sa call center/tech support?), noong una medyo nabadukisan ako ng slight pero nakabawi naman dahil maganda yung place na pinag-shootingan. Gondo kasi ng bitch beach. Tapos gumanda ang wento doon sa bandang gitna.... and okay ang finish ng peliks.

Score, hindi sya 7 na so-so film. Hindi rin sya 8 na okay lang peliks. Ito ay around 8.7 para sa akin. Hahaha. Kailangan may decimal point at bawal ponhg iround off.... Walang pakelaman ng ratings. :p

Medyo na tats ako sa wents. Cool thing na eksena sa akin ay yung part na iniwan si girl sa isla mag-isa then it will let you burst out from all the fear, anxiety, problems. Then noong umaga, gumawa ng parang sementeryo sa isla (paglagay ng krus at damit/accessories) na nagrerepresent ng pag-kalimot mo sa past.

Maganda din ang pagkakabali sa ending... :D

Nagandahan ako sa peliks! 

O cia, hanggang dito na lang muna. Sa ngayon ay nagmamarathon ako ng mga peliks na nakatambak sa drawer. hehehehe. TC!

Pahabol... ang cute ng dalawang bida (boylet and girlet) kaya naman eto ang ibang movie posters nila. :D




8 comments:

  1. ganda nga nung bida
    mejo simple nga lng ung story haha

    ReplyDelete
  2. In fairness, 8.7 to, yun ibang nakita ko dati e 7.8 lang! Cutie nga yun dalawang bida..

    ReplyDelete
  3. crush ko si koya, parang ang cute :) bumibili ka ba nd dbd dbd o dinodownload mo mga movies?

    ReplyDelete
  4. oi Angelo, pengeng copy ng mga movies mong fini-feature dito. pa-birthday mo na saken..

    utang na loob, pagbigyan mo na ko... haha!

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???