Monday, July 2, 2012

Club Ultima: Scam or Not?

Hello po mga napapadalaw at mga di nagsasawang sumilip sa bloghouse na ito. I tenk you. :P heheheh. Kamusta ang weekend? Hopefully maganda.... Ako... mayy ishashare akong weird na naexperience this weekend and i would like to ask for your opinion kung ano sa tingin ninyo?

Medyo lengthy lungs.... please bear with me.... gusto ko lang magwents ng bongga at halos kumplets.


Last saburday, galing ship, papatulogs na me ng tumunog ang selepono ko. (ring tone: wonderpets). So kahit inaantok na ang katawang lupa ko, sinagot ko ito kasi bihira lang naman may mag text or call sa akin so baka importants.

Then chubby daw ako este choppy daw ang line. So nag-antays ako. Tapos may tumawags ulit (number lungs). Ansabe, dinodoble check daw yung entry ko kasi nag-fill-out ako ng form during toycon. Sa gabi na daw ang draw ng 50 winners ng free hotel and accom.

After 24 hours (napuyat ako sa kakalaro during restday). Nag-kiriring nanaman ang nyelepono ko (same ringtone: Wonderpets). Swerte at nanalow daw ako! Kumokongratumalations! Then sabe.... claiming daw ng prize ay kahaps (June1 or June 3). Huwow. Hombilis, parang kidlats, may raffle tapos nag-draw tapos claim agads.

To claim daw, kelangan kong tumambling papuntang Robinsons kasi sa likod ng Galleria ang kanilang upisina. Sa tabi ng 7-11 something.

Ako namang shunga at ignoramus sa mga anik-anik, gorabels naman. Pagdating ko ng 2pm, inasikaso ako at pinagfill-out ng survey na natanongs na nila hakchuwali during phone conversation. (paulit-ulit na tanungin ba kung single ako or may ka-live-in!! I'm single, hahahaha! este, double in size. :p).

And so it started when a girl (uy... girlay, :p) approached me at sinabi na before ko ma-claim ang prize GC for hotel and accommodation e kailangan ko makinig for 90 minutes for some presentation).

They offer free foodlaloo and drinkies namans. Pero tumanggi ako. Though may pagka-rated-PG ako minsan, may hiya pa naman ako sa katawang lups. Chaka kahit unli daw ang drinks, as if naman di ako nakakapag-bonggang iced-tea or supdrinks sa opis. (Pero dahil medyo pumayags na lungs me sa isang glass ng ice tea.... tukso tong drink na to.)

Medyo kung ano-ano na ang tumatakbo sa isipans ko. Pero keri lang, medyo oks naman ang aura ni girlay na may namesung na April. :p. Nag start ang presentation with surveys of travelling chuvaness like places in phils. na gusto kong puntahan or dream vacay sa abroad. Tapos may inquiry about estimation ng mga gastos ko every travels.

Then eto na, sinimulan na ang presentation with syempre ang pagbibida ng Facilities and hotels na meron sila. Ang luxurious at bonggels na mga anik-anik like the pools and stuff like that.

Then eto na.... Biglang may pitch na at the end of presentation, it will be my choice to join their club! So may topic na mga amenities na pedeng mapakinabangan. Mga services offered. Mga benefits on joining the club.

Magaling sa salita si girly. Knows ang mga something. Promising ang mga offers why i should join the club. May mga pitch pa on travelling sa labas ng pinas na ang accomodation ay around $10 dollars lungs mga ganung pitch! (one amount na nabanggit ay mentenans fee daws na annual na 10k... looks okay in terms on ganda naman ng mga hotels and ammenities)

During the whole convo.... eto ang laging offer.... kung Okay naman yung offer, maganda naman ang terms at affordable naman, why not join. 

Pero something awkward e... yung offer only applies on that same afternoon. Tapos may pitch si girl na diretsahan daw na parang ang feel ay bawal tumanggi kasi sabi mukang okay naman ang mga terms and stuff.... ang only magpapapigil sa iyo ay ang price. She gave examples of mga medyo di nia feel na pinagpresentan daw kesho undecided and stuff pero mukang kaya namans.

And at the end of the presentation, tinawag ni April yung boss nia na nagbibigay ng price. May i compute si koya na doble ang size sa akin (sa tyan area). Ang offer.... for 2 years bond..... mag papaysung daw me ng around 7k! (like gash..... isang seldo na yun ah!). Then nag-pitch ng other offer, for 8 years, ang babayaran ay 2.6k(double gash... dagdagan ko ng 2k e pambayad kuryente na yun monthly).

The aura of the boss is creepy. alam mo yung feel na sabi no pressure daw at pedeng tumanggi pero yung parang tingin at bumubulong sa isip na (kapal naman ng muks... join na... sayang to.... hanggang ngayon lang to).

Nag-isips ako..... though maganda ang kondisyones at mukang makekeri naman sana... pero hindi talaga ako mapalagay sa parang bond na 2 years plus.... you cant drop or stop membership... after 2 years, kailangan mong ibenta sa iba yung membership (like it's the first taym that i encountered such membership).

So ano ang kaduda-duda para sa akin?
-hombilis ng pangyayari. Diba sa mga raffle, may dti cheber.
-During sa text message na sinend sa akin for location ng office, they did not inform the name of company.
-Paulit-ulit na survey. Haler..... kailangang ilang beses kong sabihing single ako?
-Bondage este bond tapos di ka pwedeng mag drop ng membership after, kelangan ibenta.

I decided na hindi jumoin kasi sa aking palagay, di naman ako madalas mag-vacay at hindi ko naman mauutilize ng todo. Ayoko ding magbayad ng monthly fee na di naman angkop sa cash inbound ko (sweldo).

Biglang tayo si manager at tila nayamot at sabi, tara, bigay ko na yung GC na parang ang feel ay (lets go poorita, yung GC lang naman ang habol mo e! Baba, alis na! tsupi! goodbye!)

At that time i felt that i am giving up a good opportunity tas parang nakaka-guilty ang feel na parang gusto ko sanang wag na lungs tanggapins yung GC kaso syemps, GC is GC.

(btw, Ang napanalunan ko ay 3D2N accomodation either so cebu or davao tas kailangan may reservation ka at may extra bayad pa around 3k/5k as guarantee daw something.)

Then today, after makapag-powenaps at makatulogs, while writing this post, mukang madaming Nega, as in Negang blogposts about the same experience.

Now, mga ka-khanto, ano sa tingins nio, Is it a scam or not?

17 comments:

  1. hmmm... bagong raket yan ah. ano bang raffle yung sinalihan mo sa toycon?
    yun kasing mga form na nilalagyan natin ng personal info sa mga events pag minsan ginagamit ng mga ibang company to get our personal info. parang spyware yan sa computer. kapag nilagay mo yung personal info mo, gagamitin nila yan to contact you in the future

    ReplyDelete
    Replies
    1. honga.... nahulog ako sa patibong

      Delete
    2. scam yan huwag kayo padala ako rin tawag ng tawag sa akin dapat ipakulong natin yan mga yan

      Delete
  2. Natuwa ako sa ringtone mo, fav ko ang makalokohang wonder pets! Anyways, it definitely looks scam to me..

    ReplyDelete
  3. buti nga't di ka pumayag. mahirap na at baka magsisi pa sa bandang huli. walang contest na dapat ka'ng magbayad.

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama. Saka dapat kung claim ng prize, bigay na agad-agad. :p

      Delete
  4. I think scam yan..kung totoong nanalo ka e di sana wala na silang iba iba pang terms at may reservation pang 3/5k. sana hindi ganito ang mga tao na may premyo kuno tapos biglang bait lang pala. nakakaloka! good na hindi mo inavail :)

    ReplyDelete
  5. naku tama lng yang ginawa mo hirap na magtiwala at obvious na scam yan naku naku

    ReplyDelete
  6. ah ito yung twit mo last night...I was thinking na libre na yun lahat, pero tatanong ko sana sayo kagabi kung may extra bayad pa ba pero dahil na rin sa antok eh di ko na rin natanong...
    heniways known talaga ang crown regency/club ultima sa mga ganyang chuvaness promo, pasasalihin ka sa mga talks nila tapos bebentahan ka ng membership si neico na offeran din ng ganyan...basta if they'd ask you to pay any amount wag mo nalang patulan..

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama, yan ang mega tweet at cause ng ingay ko kagabs. haha

      Delete
  7. sa palagay ko, hindi ako mapalagay dyan.

    ReplyDelete
  8. kung may pagdududa ka wag mo na ituloy. hehe

    ReplyDelete
  9. hai oo nga nadale jan relative ko kapal muks mga yan

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???