Monday, September 3, 2012

The Pro

Good day sa inyo mga folks! Kamusta ang first day of the week? Well, ito ang last day of the week ko kasi iba ang weekends ko (tuesday and wednesday). 

A while ago, oo, kani-kanina lang naganap. Nagbabasa ako ng article sa magazine sa opisina (opo, may magazine-magazine eklachus sa opisness). And habang nagbabasa ako, natalisod ako sa isang word na nagdedescribe sa isang person.... 'Professional Blogger'.


Syempre i know naman ang ibig sabihin ng 'Blogger'. Yun yung laging nauuntog kasi laging nablo'BLOG'. Pero kidding aside, sila yung mga folks like me, like you, like the others na nagsusulat ng kung ano-anong article na feel nila over the inernet. 

Pero ano ba yung sinasabing 'Professional Blogger'?. Parang status symbol ba ito? Parang titulo ng mga blogger?

So nag-chwirrer ako at nagpost ako kung ano ang Professional Blogger at may nakapagsabi sa akin na ang 'Professional Blogger' ay yung mga folks na kumikitang kabuhayan. Yung may mga anik-anik na sponsor ads and everything.

So ayun. Naliwanagan me. Pero another tanong ang sumulpot. Kung mayroong 'Professional Blogger', so technically yung mga hindi naman kumikitang kabuhayan ay nasa kategoryang Non-Pro Blogger?

Well, wala lang naman, Title is just a title (naks, me ganong dramarama peg?) Pero I don't know, parang for me parang i felt na mas superior at importantatious yung salitang 'Professional Blogger'.

Well, k, fine. Who cares carebear kung pasok ako sa kategoryang non-Pro blogger. Wa na ako pakels. Oo, bitter lang ng 5%. 

Pero salamat sa isang friendship sa chwirrer na may tweet na:

'aanhin ang limpak limpak at yung tinatawag na sikat kung hindi naman sya nakapag-iwan ng tatak sa puso at isip ng hamak'

O ha, quotable quotes!!!! Well, SIMPLE BLOGGER RULES!!!!

o cia, naka-move on na ako agad-agad. Disregard na lung ng anik-anik na naisulat ko. Be Happy and Enjoy! Take Care!

13 comments:

  1. Ang sikat na blogger yung kinokpya ng senador para sa kanyang privilege speech~

    ReplyDelete
  2. Nasa non-pro category din ako
    @spiderHamm: sinong senador yun? (intriga lng. lol)

    ReplyDelete
  3. non-pro din ako ... mdmi ng tayo. bsta blogger tayo

    ReplyDelete
  4. haha same here. a non-pro blogger :)

    ReplyDelete
  5. ako kaya qualified maging blogger? kahit simple lang? lol.

    ReplyDelete
  6. E di sila na ang professional bloggers, makiki-bitter lang ng 2.5%, at naka-move on din after 3sec dahil hindi naman talaga ako pasok sa banga ng pagiging prof, hehe

    ReplyDelete
  7. Count me in..ok na ako sa nagba-blog-blog-an lang hehehe...kumustamos paquitos?

    ReplyDelete
  8. I never wanted ads in my blog. Personal kasi mga sinusulat ko dun tapos biglang makakakita ka dun ng mga kung ano-anong mga produkto. nakaka-distract and it defeats the purpose of having a personal blog. just my two cents. Hindi naman ako against sa blogs na may mga ads... I even enjoy reading some. It's just not for me. Sila na ang professional bloggers. Tama na sa akin na alam kong cute na blogger lang ako! bwahaha. wag sana ako tamaaan ng kidlat sa kakapalan ng mukha :)

    ReplyDelete
  9. Pwede nako sa Engineer turned Call Center Boy turned Heartthrob slash Poging Blogger! Ah yeah! Joke. Simpleng blogger na nga lang din. =p

    ReplyDelete
  10. professional blogger daw ung mga kumikitang blogs dahil sa husay nila sa seo. wala lang :D

    ReplyDelete
  11. di nmn kaso kung pro or non pro ka(driver's licence lng?)
    as long as gusto at masaya ka ginagawa mo un ang mahalaga

    ReplyDelete
  12. ay ang lalim nung quotation hehe

    :))

    ReplyDelete

  13. 'aanhin ang limpak limpak at yung tinatawag na sikat kung hindi naman sya nakapag-iwan ng tatak sa puso at isip ng hamak' ---wapak!!!! sagasa tayo dyan!hahaha

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???