Hello! Kamusta na mga folks? Are you okay sa olrayt? good! kung di kayo okay, antay lang kayo at kapit lang, malay nio, maging okay din kayo maya-maya.... like after 10 mins.
Well, kung kahapon ay naibida ko sa inyo ang librong Bitter, this time another book ang makikita ninyo.... eto ay ang libro ni Tado na 'Bio-Eulogy ni Tado Jimenez'.
Kung natatandaan nio yung wento ko last restday ko na nagbook hunt ako sa MOA at nakabili me ng books, well, kasama ang librong ito sa nakuha ko. Plus.... me libreng pirma ng bida sa libro... may pirma ni Tado.
O ha, gulat kayo sa cover ng libro. Pormal na pormal na parang ilalagay lang sa rectangular box na may salamin with matching flowers and candles. Yep, ganyan talaga ang cover ng book, walang basagan ng trip.
Okay, ang libro ni Tado, ay ang combo ng kanyang Biology este Biography at ng Eulogy. Well, sa pagka-creative ni Tado, mukang ngayon lang ako nakakita ng buhay na tao na nagawan na ng Eulogy eklavoo. oha!
So pag-binasa mo ang libro, syempre tungkol ito sa mga sinulat ng mga friendships niya at ito ay tumatalakay kung ano ang pagkakakilala nila kay Tado. So parang magtataym-travel tayo sa buhay ni Tado. may mga pics pa kaya makikita mo ang evolution ng buhok nia. lols.
Kung bibigyan ko ng score ang book, siguro around 7.8. Sige, last tawad, 7.9. Hahahah. Saludo ako sa galing ng pagkakagawa ng cover! Winner para sa akin ang cover pati na din ang pagcombi ng biology at eulogy. Pero syemps, content wise, since this is biography and eulogy at the same time..... parang kapos para sa akin ang lasa ng fun. Yung tipong medyo matabang.
Or baka ganun ang score kasi di ko maihanay ang wavelength ng braincells ko mga nakaka-appreciate ng biography.
Pero infairview, reading those semi-testimonials na parang comment lang sa friendster at facebook makes you want to think.... Kung ako kaya ang mawawala, may magbibigay ba ng eulogy para sa akin? May makakamiss ba or may makakaalala or makakakilala ba sa isang tulad kows. lols.
'Khanto, Sana ay apelyido mo ay Tan? hehe'
At salamuch kay tado, sa dedication part na pinirma niya sa book ko. At dahil dyan, sige, isarado 8 na ang score.
O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care!
yan ang gusto ko kay tado! funny na astiiig!
ReplyDeletegood morning! napadaan here :))
wahaha, astig naman nyan!!! sana mabasa ko din yan :)
ReplyDeletesana first name na lang ni Tado ay "Taran". ;)
ReplyDeleteGusto ko din ma-meet in person si Tado. Matalinong komedyante yan e. Ayos.
haha kulet nyn si tado ayip sa dedication ee
ReplyDeleteba't nga ba hindi tan ang surname mo pre? lol
ReplyDeleteNakita ko din to sa book fair at napadouble take nga ako kasi yung cover parang namatay lang ang peg. Si Tado hindi na naghintay na mamatay siya, talagang gumawa na siya ng ganitong libro habang buhay pa siya nakakaloka hahaha...
ReplyDeletehangtaray ng cover :) gusto ko ng ganyan ding emote kapag may sariling libro na rin ako *pangarap?*
ReplyDeleteAng saklap naman kung ang apelyido mo ay Tan. Baka araw-araw kang na-bully niyan. hehe
ReplyDeleteheheh galing naman niyan. sigurado naman may makakaalala sayo...
ReplyDeleteInggit ako. :(
ReplyDeletenyahaha...napatawa talaga ako ng malakas sa dedication ni tado..wahaha lupet lang!
ReplyDeletemeron di kaming mga usapang tulad neto ng mga kaibigan ko...yung tipong "dapat ganito/ito sabihin mo sa eulogy ko ha..." tapos tawa nalang kami ng tawa..
pero naiinggit na talaga ako sa mga books mo...inaantay ko yung book review mo kay idol ko..>_<
hahaha tawa ako sa dedication nya! kalurkey!
ReplyDeleteKudos Tado! Ang galing talaga at napaka-creative.
ReplyDelete