Saturday, September 22, 2012

TV: Violent Reaction


Kapag restday ko, lalo na kapag hindi ako nakakagala dahil sa katamaran o kaya naman dahil tagtipid, malamang sa alamang ay nag-nenet lang ako ng wagas o kaya ay nanonood ng TV. 

Isa akong couch potato at dahil dyan, nawasak at nadeform na ang sala set namin kasi lagi akong nakahiga dooneither watching tv shows or nakasalang ng dvd peliks.

Since di pa nasesetup ang dvd components sa bahay, for the past month, kapag restday ko ay nood tv lang ako. Local channel kasi poorita morales lang at can't avail cable tv. Tyaga lang sa taklong channel. Either 2, 7 or ETC... malabo ang channel 5 e. tengene.

At since isa nga akong couch patatas, minsan nadadala ako sa mga shows sa tv at mega violent reaction ako. Oo, ako na ang laging may puna sa show.

For this post, pagbigyan nio na ang trip kong i-bash at magbigay ng commento sa palabas sa tv.

1. Tangalin na nga please yang si Baby Joy sa Showtime! Honestly annoying sya. wahaha

2. Yamyamyamyamyamyam... ping! Ano ba naman yan, puro si Boy Logro kapag cooking stuff sa GMA.

3. Anhaba ng hair ng pbb teen na sirenang si Aryana ha, Andaming boylet... lantod-lantod!

4. Mas mahaba pa ang pagdradrama ng magjowang katarina at daniel kesa sa actual story! Hontogol na nyan a!

5. Kailangan kapag may moment sa walang hanggan, mega patugtog ng Natutulog Ba ang Diyos!

6. LSS ako sa theme ng Luna Blanca. Napapakanta me while watching.

7. Uso ang mistress theme lately! Mapados or syete, halos yan ang tema.... laging merong may kabit-sabit!

8. Mas mahaba pa ang commercial kaysa sa mga shows sa primetime block! Mauubos ang oras mo sa patalastas!

9. Puro na lang ba si Xyril Agua Bendita Manabat ang bida sa Wansapanataym? Kaumay!

10. Remake nanaman sa GMA??? Coffee Prince at Temptation of Wife????

Hahahah, sabaw mode lang kaya gantong klaseng post. lols. :p O cia, Take Care!

9 comments:

  1. Narealise ko lang, sa mga movies na may kabit theme, laging yung babaeng kabit ang masama. :) at yung lalake naman, macho palagi :) sarap maging lalaki.

    ReplyDelete
  2. Di ko pinapanood ung showtime, kasi nakakabadtrip, ung bata lol. I ung sa wansapanataym naman binigay un Kay xyril talaga hehehe

    ReplyDelete
  3. Haha, dami mo din palang pinapanood.

    Baby Joy ng Showtime - pantapat nila yan kay Ryzza ng Eat Bulaga.

    Cooking show ng GMA - wag ka, may darating pa silang isang cooking show that will be hosted by Regine Velasquez title The Cooking Diva ata un :)

    Walang Hanggan - maganda nung una ung story pero mejo pumanget na kasi naging dragging na masyado kaka extend. pero at least last 25 episodes na lng cla.

    I would also agree about sa sobrang habang mga commercials sa dos man or syete. Grabe, siguro 2 to 3 minutes lang ung actual na drama show then ung commercial 5 mins + amf!

    And yeah, wala nang bago sa GMA >_< ang dami nilang remake saka mga revival ng mga dating shows. Saka puro Marian-Dingdong na lang cla parati. Sa hosting naman puro Richard G... hanubayan!

    ReplyDelete
  4. wala kaming tv sa boarding! pero sapul na sapul sa number 8!

    ReplyDelete
  5. di ako nanunuod ng tv. pero magkakaroon ng remake ang coffee prince. tsk sana maganda fave ko yun eh

    ReplyDelete
  6. Hanggang Aso ni San Pedro lang ako tuwing gabi eh hehe

    ReplyDelete
  7. Ayoko din yung Joy sa Showtime. Hindi siya nakakatuwa! Hmpft. Hindi ako nanunuod ng walang hanggang pero patapos na daw ata yun kaya matatapos na ang paglalandi ng mga bida. hehe

    ReplyDelete
  8. haha ako puro gma lng nmn nipapanuod ko haha
    ayoko kay kris di ko lam nu mangyayari sa coffee prince

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???