Thursday, September 13, 2012

Pogi Points

Well hello there! Thursday na, 2 days na lungs at tyak na kayong mga normal ang work life ay magsasabi na TGIF! Kayo na! Kayo na ang may weekends off. lols

As i mentioned sa last post ko which is the random thingy, nagpunta ako sa book fair sa MOA at doon ay nakabili ako ng new books na kaka-release lang. Kumbaga sa pandesal, kakahango pa lang mula sa oven or sa pugon. 

So syemps, kelangans habang mainit pa ay kailangan ng i-serve at mabigyan ng hatol. So without further ado.... heto na ang librong pinamagatang 'Pogi Points'.

 
O cia, hanggang dito na lang muna. Mukang medyo sisipagin ako sa pagpost for the next few days. abangan ang halos-sunod-sunod na reviews. TC mga people!

Ang Pogi Points ay isang librong isinulat or gawa ni Stanley Chi. Yep, ang same author ng Suplado Tips at SupladoTips 2. 

Ang book ay tumatalakay kung paano ka makakakuha ng poki este pgi points. So ang book ay most-likely about sa pag-diskarte mo sa mga chikabebs.

Lenguaheng ginamit ay wikang pilipino at hindi sa banyaga. Madaling intindihin dahil maiiksi lang ang kontent per page at di ka malulunod sa paragraphs (di counted yung ilang page na talagang uber paragraphed).

If nakakabasa kayo ng english book lalo na ang style ng Bro Code ni Barney Stinsons, parang ganun ang peg pero hindi. Hehehe. May diperensa din naman.

Kung ikukumpara ko ang laman ng Pogi Points kaysa sa Suplado Tips 2, aba, lamang ang Pogi Points. Medyo angat ang substance at content nito.

So since ang score ng Suplado 2 ay 8, ang Pogi points ay merong score na 8.7! Isn't that amazing?!!! It's greater than .7! What a great deal! Call in the next(wait, di naman to home shopping network).

Ayan yung book na may pirma ni Sir Chi :D
'ang mga pogi nagkakampihan'
 
O cia, hanggang dito na lang muna. Heheheh. Mukang madami akong reviews for this week. Abangans! Take Care Cause I Care! lols
 

9 comments:

  1. hahaha.home shopping na home shopping network nga ang peg! at me 0.7 difference pa talaga.naimagine ko,siguro may library na sa bahay nyo no sa dami ng books na pinagbibili mo :)

    ReplyDelete
  2. di mo na kailangan niyan sir. pogi ka na e

    ReplyDelete
  3. honestly di ko nagustuhan ung mga unang libro ni stanley chi. baka iba naman to'ng new book nya. malalaman

    ReplyDelete
  4. Waah, gusto ko din magbasa nyan :D

    ReplyDelete
  5. hmmm...interesting! may swabeng tips ka ba nakuha dito para mabihag ang mga chikas? hehehe application agad para ma testing...

    ReplyDelete
  6. pwede pahiram? hehe chos lang, happy reading!

    :))

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???