Alam mo ba na masyado akong naaliw sa Perks of being a wallflower kaya naman ang style ng post ngayon ay kahalintulad sa estilo sa libro. Oo, gaya-gaya-Sotto-maya ang peg. Pero wag kang mag-alala, hindi naman ito plagiarism.
Dito sa opisina, nagkaroon ng opening for a higher position o yung tinatawag na level2. Tinimbang ko ang sarili ko mga bagay-bagay at napagpasyahan kong palampasin ang oportunidad.
Alam kong sasabihin ng iba ay hangal ako kasi nagpadala ako sa takot, sa kaba, sa kalungkutan at sa rejection pero aaminin ko sa iyo, sa tingin ko kasi tagilid din naman ako kung sakaling subukan ko.
Ang totoo niyan, pinag-isipan kong ang aspeto ng kumpetisyon, sino ang mga magiging karubal ko sa pwesto at mga bagay-bagay o katangian na posibleng hanapin nila at napagtanto ko na hindi ako umabot sa criteria.
Di ko alam kung anong susunod na hakbang ko kung kakapit pa ako o kailangan kong bumitaw at hanapin kung saan ako nararapat. Ang emo lang ano? Ganun talaga ata. Bigla na lang kasi akong tinatamaan ng kaanik-anikan.
Nga pala, may kukuwento ako sa iyo. Ewan ko kung paranoid lang ako pero may kutob akong meron akong kaibigan na umiiwas or possible na annoyed sa akin. Di ko alam, parang nasesense ko ang paglayo at pagdistansya. Di ko alam pero baka illusyon ko lang.
Kanina, sa opisina ako natulog dahil ninais kong pumunta sa Cosplay Mania sa Moa. Nakapunta naman ako kahit masama ang pakiramdam ng tyan ko. Tiniis ko at nag-mind-over-matter ako hanggang makarating sa moa.
Pero di sulit ang pagpunta ko. Ang mahal ng entrance fee, punyemas na 150 ang damage sa kaperahan ko. Tapos pagpasok ko, angkonti lang ng booth. Mas malaki pa ata yung area na allocated sa megamall.
Tapos nakakainis pa, jampack ng cosplayer na laking hambalang sa daan. So di ako makaikot sa mga booth na possibleng merong good deals ng anime stuff.
I know kaya nga cosplay mania ang event kasi it focus on cosplaying mismo pero i don't know, lumabas ang bad side ko. Tengene, alam mo yung napapataas minsan ang isang kilay ko dahil di talaga bagay yung ibang cosplayer.
Sorry, i know i'm bitchy-bitchihan ek-ek pero lumabas talaga ang dark side ko. Alam mo yung eksenang tumatakbo at sumaside comment sa isip ko na pagtatadyakan yung mga nakaharang sa daraanan ko yung mga epaloid na chaka cosplayer. so trying hard, di bagay, kapital J....... Jologs na feel na feel na picturan sila e yung isa or dalawa lang sa grupo nila ang bagay ang costume.
Kanina pala, tumingin ako sa samsung at muntikan na akong maengganyo na bilan ang sarili ko ng Galaxy tab. Nasa akto na akong magwiwithraw ng pera pambili pero napag-isipan ko na wag na lang. Di baleng okrayin na isang korning samsung star wifi lang ang gamit ko.
Mag-okoktober na pala..... darating nanaman ang araw na nakaka-awkward. bahala na.
Di ko alam kung makakasulat pa ako sa iyo friend dahil you know, baka lumipas na ang inspiration kaya back to regular posting style na ako.
From,
Khanto
naintriga ako. Im gonna watch this pag uwi ko. sana meron pa.
ReplyDeletesino kaya ung kaibigan na un? nandun din ako sa moa kasama si carlo at xander hehehe
ReplyDeletepwede bng mkiintriga rin!
ReplyDeletelalo ako nacucuroius sa movie na to
ReplyDeleteAww... buti na lang di ako nakapunta sa cosplay mania hehe! baka di ko din ma-appreciate ang makikita ko doon like you. haha, yung iba kasing cosplayer, masyadong trying hard. yung sa website nga ng cosplay.ph, nakow, ang daming TH! as in trying hard lols... *evil grin*
ReplyDeletetsk sayang naman ang cosplay experience..ok lang ang may dark side, normal naman sa atin yan :)
ReplyDeletebet ko din ng galaxy tab pero pag naiisip ko di ko naman kailangan kaya wag na lang..
Happy october Khants! :)
Nakakatuwa naman tong style na to. By the way di ko pa napanood or nabasa ang The Perks of Being a Wallflower.
ReplyDeleteOk lang mang-okray for me basta ba ikaw lang nakakaalam or yung friends mo hehehe... In fairness marami talagang ganun sa cosplay event pero mas na-aaamaze ako sa effort nila (at gastos) para lang magmukhang ibang character.