Friday, September 21, 2012

Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?

Hey wazaps! Magandang morning sa inyong mga magiliw na napapadaan sa bloghouse na to. Hopefully ay maganda ang inyong friday morning dahil bukas, mararamdaman nio na ang Restday! IKR, makakapagparty kayo.

For today, book review nanaman tayo at heto na ang isa sa mga book na nabili ko last book fair. Ito ang librong isinulat ni Ramon Bautista.

Well, technically, ito ay compilation ng mga katanungan ng mga fans ni Ramon Bautista with his answers sa mga bagay-bagay na mostly ay umiikot sa katanungan tungkol sa love, love at love.

Ang libro ay may pamagat na 'Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?'. O ha, title pa lang, kabogera na! Haluan mo pa kung ang cover photo ay katulad ng nasa larawan sa ibaba.


Mukang bagay to sa mga may suliranin tungkol sa pag-ibig. Yung may mga iniisip about sa kras, sa ex, sa moving on and stuff like that. 

*note: di ko po inaangkin ang nakasaad sa baba, wag nio po akong kakasuhan ng plagiarism.

Bilang sample, heto ang kasagutan kung bakit di ka crush ng crush mo.

1. Panget ka.
2. Masama ugali mo.
3. May shota sya.
4. May shota ka.
5. Bakla/Tomboy sya.
6. Di kayo match sa Horoscope.
7. Okay ka naman pero siniraan ka ng mga friends nya.
8. High maintenance ka.
9. trip mo yung mga ayaw nyang TV show.
10. Hindi ka niya napapansin.

Sayangs at di ko na naantay ang pagdating ni sir RamonB last book fair kaya walang autograph yung book.

All in all, okay at nakakaaliw naman ang book. Pero since di ako gaano fan ng Q and A thingy, bibigyan ko ng 8.6 ang book na ito. 

O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care folks!

18 comments:

  1. bitin na book review so kelangan kong hagilapin na naman itey...wehehe

    sayang hindi mo naabotan si idol sana kinis mo me..LOL
    diba may notebook 'tong kasama? or sold separately ang show?

    ReplyDelete
  2. ang dami'ng libro ng pinoy authors pero di ko pa din ito nababasa hahaha. busy sa life. pahiram naman nito :D

    ReplyDelete
  3. sayang naman po at hindi mo sya naabutan, pero ang saya ngang basahin ng book nya. nakakaaliw..

    ReplyDelete
  4. ang kulit ng picture ni ramon b sa cover haha! parang aliw ang book nato!

    ReplyDelete
  5. awww... another must read book from a great pinoy author. sana before christmas, magkaroon din ako ng mga copies nyan :D

    ReplyDelete
  6. Ay parang gusto ko yang basahin.

    ReplyDelete
  7. Since hindi 10 ang rating mo hindi ako bibili nyan haha joke! Kakatuwa lang ang pic ni Ramon Bautista sa cover hehe...

    ReplyDelete
  8. baka nga mataas maintenance ko? haha

    pahiram naman! :D

    ReplyDelete
  9. hahaha. astig sa title ang libro ! :)

    ReplyDelete
  10. Fan ako ni Ramon Bautista lalo na sa appearances nya sa Strange Brew... for sure puro kakulitan ang laman nyan.

    ReplyDelete
  11. Panalong panalo yun walang kaabog abog na: dahil panget ka! Haha benta!

    ReplyDelete
  12. Waw! bet ko 'to. Kaso wala pa kong pera. :'(

    ReplyDelete
  13. haha nice kweala ng book ee heniways dame ko na naencounter na people na parang piangsakluban ng lanigt at lupa pag di nila nakuha ung mga gusto nilang tap haha

    ReplyDelete
  14. gusto ko neto! mahanap nga. :D eheheheh

    ReplyDelete
  15. gusto ka nyan san po mabbli yan :0

    ReplyDelete
  16. haha nakakatuwa siguro yan:)

    7. Okay ka naman pero siniraan ka ng mga friends nya. like ko yang no# 7. parang relate sya sa akin.

    ReplyDelete
  17. Where can I download a copy of this book?

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???