Wednesday, April 3, 2013

DeathTube and X-Game

Heyah! Musta? Hope okay naman ang few folks na nagmamahal sa bloghouse na to. hahahaha. Gusto ko sanang mag post ng random thingies pero saka na, wag muna ngayon.... peliks-peliks din kasi pag may time.

Di ko alam.... yung passion ata sa pagsusulat ay unti-unting nauubusan ng ningas.... Hindi naman sabaw.... parang tinatamad na.... Baka dala ng init ng panahon ganyan.

Pero para magkaroon ulit ng burning passion sa pagblog, kelangan ay magsulat at magwento at magshare... so ngayon, nais kong magshare ng 2 horror peliks na pinanood ko. At parehong gawang hapon ang film....

1. DeathTube


Ito ay tungkol sa grupo ng mga tao na bigla na lamang nakidnaps at nakulong sa isang lugar kung saan sila ay naka-video at ipinapalabas sa isang tube, hindi x-tube at hindi sa youtube, eto ay ang DeathTube. Dito ay kailangan nilang magcomply sa rules at gawin ang mga challenges kung hindi matetepowk sila.

For me.... bibigyan ko lamang to ng 7. Hahhaha. I love the bloody kill spree ng bandang una pero nagdecrease ng nagdecrease ang saya as the story progress. Parang SAW 5 na kailangan may cooperation ang mga grupo. Pero medyo hawig din sa isang US film na naka-broadcast yung pagpatay. Kainis lang yung attempt na pakomedy ng killer sa fail na walang masyadong story behind the pagpaslangs.

2. X-Game


May isang boylet na nakidnaps din (nakigaya, kidnapan ulit?) at napunta sa isang lugar kasama ang mga ex-gradeschool classmates. Dito ay kailangan nilang maglaro ng X-Game kung saan ito yung pautot ng mga bullies noon sa school. It turns out, may vengeful kiddielet ang nais makaganti sa pambubully na naganaps.

Mas maayos ang story flow ng 2nd film so meron syang score na 8.5. Infairview, nakakaaliw yung torture games moments para sa mga nakidnaps na naging kasabwat sa pambubully. Yung tumbtacks, nag-upgrade to pako sa upuan! At maganda din ang twist sa bandang dulo. Di ko inakala na ganun ang eksena... pernes, kakaibang shocking event.

O cia, nagmamarathon pa ako while nagcacandycrush while nagnanaruto-arena while nagmamarvelavengers so hanggang dito na lang muna. May pasok na ulit me, isa lang rd ko. TC!


3 comments:

  1. broadcast murder show amputek! gory much!

    ReplyDelete
  2. awwts, masyadong morbid tong mga peliks mo ngayon sir Gelo lols

    ReplyDelete
  3. I hate gore movies, pero ayun nga kaderder naman kasi talaga

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???