Tuesday, April 9, 2013

Time Quest

Yo! Warraps! Kamusta-kamusta at isa pang kamusta! Hope na ayos naman kayo kahit na medyo maalinsangan at mainit ang panahon dahil F na F na natin ang summer. Hot na hot talaga. Kulang ang taklong beses na paliligo ganyan.

Since nasimulan ko ng slight na tupadin ang request ng friend about certain anime, heto at igragrant ko ang request ng isa sa masugid na napapadalaw sa bloghouse ko. At ang kanyang request ay ang Time Quest.

Well, kung parte ka ng batang 90's, malamang sa alamang ay napanood mo ito sa IBC 13. Yep, meron pong channel 13 noong 90's at isa ito sa cool chennels for kiddos. At sa channel na ito inilabas ang isa sa cool na anime name 'Time Quest' na sa ibang bansa ay tinatawag din na 'Time Travel Tondekeman'.


Ang story ay magsisimula sa laboratoryo or parang techie shop ng isang professor named Leonardo (hindi dicaprio ang apelyido)


Sang araw, may friendships na boy and girl named Hayato at Yumi (pero sa tagalog version, ang tanda ko ay Henry at Mayumi ang namesung). Napadaans sila at napakealaman ang imbensyon ni tatang Leonardo at naactivate ang isang talking Time machine in a form of Takure!



Lilipad...Lilipad....TAKUREEEEEEE!!!!

And so, anyare ay napa-time travel ang magfriendships (pero feeling ko FBuddy sila, charots) at napadpad sa old Bahgdad (paki-chunky check ang spelling kung tama).

Doon ay makikilala nila ang engaged na prinsipeng medyo duwagish ng slight na si Prinsipe Dandar at ang Prinsesang si Shalala (my heart goes shalalalala....clap...clap...clap....shalala in the morning).



Malalaman nila na merong chubby guy named Abdullah na nais kumidnap sa prinsesang medyo shungangers.  At di lang yun, si Abdullah din ang naging temporary owner ni talking takure.


Sa tulong ni Takure, super daming beses na makikidnap itong si Prinsesa Shalalalala (Shalala in the evening). So ilang beses din nakapadpad sa different time ang mga bida para iligtas ang princess at mabawi si Takure para makabalik na sila sa kanilang time.

Sa adventure nila hayato at Yumi, may makikilala sila tulad ni Alladin na isang bata-batuts din. May eksena din na nakapag-uwi sila ng baby dragon at tinawag or pinangalanang 'Baby KAPA'. 


At syemps, di pedeng wala sa eksena ang Genie ni Abdullah na wagas kung makatawa at favorite ang pagkain na buntot ng butiki.


Sa bandang dulo ng cartoon na ito ay napakita din ang mukha ng bossing ni Abdullah na laging nagpapakidnaps sa prinsesa.... Di ko maalala ang name pero parang Duke or Baron sya.


Nakakamiss ang palabas na ito..... grabe, inaabangan ko din kasi ito eh. Nakakaaliw din yung chibi form nila kapag commercial.



Wait, there's more! (wow, shopping network?)..... heto pala ang nahagilap kong opening song... baka marecall nio kung napanood nio na itow dati.


O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care folks!

8 comments:

  1. Waaah! I so love this anime. For me Time Quest is of the best anime of the 90s! Maganda yung flow ng story, wala masyadong mabibigat na kontrabida, very light at nakakatawa.

    Peyborit ko jan si Prinsesa Shalala, di ko alam masyado lang siyang inosente sa mga nangyayari sa paligid or sadyang shunga lang siya ahahaha :D pero cute sya!

    Syempre gustong gusto ko din si Takure! Ang nagsisilbing gadget? para makapag travel sila sa nakalipas.

    Naku, na-i-feature ko na din toh dati sa blog ko hehe.

    and I also have the full album OST of this anime. na download ko lang siya sa isang site. google nyo na lang :))

    Nakaka LSS din yung ending song nito na "Tomodachi Ni Modorenai"

    Nakaka miss talaga tong anime na toh. Ooh relieving those memories!

    ReplyDelete
  2. ayun at naifeature din ang time quest! salamat :D next: visionaries naman hehehe

    ReplyDelete
  3. isa to sa mga paborits ko noon... isa ang ibc13 sa mga naging pioneer sa mga ganitong palabas....

    ReplyDelete
  4. wa lang ako maalalang episode pero alam ko pinapanuod ko yan
    dati ee haha ok anime nuon puro mga comedy

    ReplyDelete
  5. isa ito sa paborito kong panoorin noon.. pero parang di ko maalala yung ending nya.. hahaha

    ReplyDelete
  6. Naalala ko pa existence nitong cartoon na toh pero di ko naalala storyline kaya salamat nehmehnnn! :P

    ReplyDelete
  7. Alam ko itong anime na ito e, naiinis pa nga ako sa prinsesa kasi shungangers-incarnate lang paminsan-minsan. Tapos, pinapagalitan pa nga ako ni mama dati, kasi kukunin ko iyong takure namin tapos sisigaw ng lilipad, lilipad, takure sabay bato nung takure sa pader. :)

    ReplyDelete
  8. Nuod kayo sa YouTube CHANNEL ko. Meron ako ginawa nyan malinaw talagalog dubbed. Visit ANIME CLASSICS PH

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???