Monday, April 15, 2013

Dog of Flanders

Yo! Happy monday sa inyong lahats! Kamusta kamusta kamusta at isa pang kamusta?! Oks naman ba kayo? I hope na oks na oks kayo. 

For today, magbabalik tanaw lang tayo sa isang 90's cartoon na palabas sa umaga sa channel 2. Clue.... may asong involved dito..... Hahahah. Hindi po ito Blue's Clues! ...... Wooops..... mali din..... di rin po Remi..... Tama.... Dog of Flanders or mas kilala sa name na Patrasche!


Ito ay kwento ng isang bagets na may name na Nello na naulila at kinupkops ng kanyang lolo Alps (joke lang, si Lolo Alps ay sa Heidi) Johann Daas.

One day, isang araw...... ang mag-lolo ay nakakita ng isang Dougie este Doggy na kawawa dahil minaltrato at buttered doggy (oo, buttered ang gusto kong spelling, ket ba!, lols). Inalagaans ni Nello yung poor dog hanggang maka-recover.

Simula noon ay naging magsyota mag bespren na ang kiddo at ang aso na pinangalanang Patrasche. Naging katu-katulong nila ang dog sa pagbenta ng milk na galing sa dudo ng cow. Ang milk ay ang tanging source of income ng poorits na maglolo.

Si Nello ay nagkaroon ng pbb teens moment kasi nagka-kraskrasan siya sa isang girlay. Kaso no-no-no at kenat-be-tutubi kasi ayaw ng pudrakels ng girl na magkaroon ng something between the poor boy and the rich girl.

Tapos, tapos, medyo may pagka-bad-luck-brian tong si Nello. Inaalat sa buhay. Sumali sa drawing contest dahil may talent sa pag-guhit pero natalo. Tapos natigok pa ang kanyang lolo. Then napagbintangan pa siyang sumunog sa imbakan ng tatay ng kanyang kras. Tsk... tsk.... me balats sa pwets.

Napakasakit-kuya-eddie ang naganap sa musmos na katawang lupa ni Nello. Pero sa lahat ng iyon, karamay niya ang kanyang trustful dog. Sanggang-dikit sila.

Until sumapit ang christmas eve.... walang-wala na si Nello... walang matirahan.... walang makain... pagod na pagod.... giniginaw dahil sa snow... napunta siya sa isang simbahan at nagkataong bukas naman ang pinto. Kasama ang kanyang trustful dog, doon sila namatay.

Itong cartoon na ito ay very touching ang wento. Nakakaiyak yung moment na namatay ang mga bida. Imagine, bagets ka na kasing age si Nello tapos napapanood mo ang pinagdaanan nung kiddielet! It hurts.

Isa ito sa memorable cartoon nung kabataans ko.

10 ang score kung sakaling irarate ko!

O cia, hanggang dito na langs. take care folks!

18 comments:

  1. Waah, this is also a very memorable 90's anime for me. Grabe, tear jerker tong si Nello at Patrasche :( Bitter sweet yung ending. We all know na malungkot dahil na dedz sila ni Patrasche, pero mabuti na rin ang nangyari dahil free from all pain and suffering na silang dalawa. Kalungkot much talaga :( *sniff*

    ReplyDelete
  2. di ko ata tanda eto aah!
    ganyan ba illustration?

    ReplyDelete
  3. certified 90's kid nga talaga ako..paborito ko 'to eh! hehe
    to the point na pinangalanan yung aso namin ng patrasche,hindi halatang adik sa dog of flanders..pero na chugi din na iniyakan ng bongga!

    ReplyDelete
  4. anong year ito? natatandaan ko pa si princess sarah at cedie. nauna ba ito? naalala ko gumigising ako ng maaga tuwing summer para lang mapanuod mga to. :)

    ReplyDelete
  5. isa sa mga cartoons na paborito ko. may movie version pala to kaso itim ung aso :D

    ReplyDelete
  6. iba ang impact nitong dog of flanders na to sa murang isipan ko. hanggang ngayon tandang-tanda ko pa rin ang nakakalungkot na ending nito. emo lang?!

    ReplyDelete
  7. one of the best cartoons na napanood ko.. iba ang effect nito sa mga kabataan noon... pero during that time, "nello at patrasxhcah" (tinamad ako magscroll-up para icheck ang spelling.. hehe) ang title nito kung di ako nagkakamali...

    ReplyDelete
  8. Ay nako favorite ko tong cartoon na to nung bata pa ko. Iniyakan ko ng bongga, at tama ka malas nga itong si Nello. Lahat na lang ng pasakit naranasan nung bata, kaya nung namatay sila nung aso nya, parang ok na lang din, at least tapos na ang paghihirap nya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu, yun na lang pakunswelo sa kanya, wala na sya problema

      Delete
  9. naaalala ko pa ang pag ka trauma ko sa ending nito..napa nganga ako at di makapaniwalang yun ang ending - nategimon ang mga bida? oh hindeee!

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???