For today, hindi pelikula ang babandera sa aking blog kundi isang anime noong 90's. Ito ay ang palabas na Time Detective Flint.
Ang Time Detective Flint ay isang show na ipinalabas noon sa GMA 7 (tuwing hapon) noong ako ay nasa high school. Yep, HS student ako pero cartoons padin ang nipapanood ko... walang basagan ng trippings!
Ang palabas na ito ay tungkol sa isang mala-caveman boy na naressurect from a fossil at nabuhay sa kasalukuyang panahon. Kasama ang kanyang pudrax na slightly ressurected at ginawang stone hammer, at friends from current time,bumabalik sa different timeline si Flint para mahikayat ang mga Time Shifters na maging kakampi.
Eh, ano naman yung mga Time Shifters na kailangang i-convince ni Flint? Sila yung parang pokemon na tumatambay sa timeline (hindi yung sa facebook) upang tumulong para maging matiwasay ang takbo ng panahons.
Bawat time shifters ay may kakaibang powers. Nag-eevolve din sila, depende sa kaganapan... pedeng mag good evolution at bad evolution. Meaning, pag nasobrahan sa negativity, nagiging mamawistik sila tas pag GV naman, ayun, heroic evolution.
Di ko na isinama ang evolutions ng Time Shifters pero heto ang mga normal mode ng Time Shifters na kinollage ko (using photovisi.com) na para hindi bombarded sa dami ng pics.
Sa mga Time Shifters, merong 4 na kakaiba at medyo badboy ang peg.... sila ang Great Four.......
At ang laging kontrabida sa bawat episode na parang katumbas ni Jesse, James at Meowth... Si Petra at sila Dino at Mite.
Kakamiss yung palabas na to kasi isa din to sa inaabangan ko every afternoon.... yung di pa uso ang sobrang kadramahan at mga maagang-paglalandiserye sa tv.
O siya, hanggang dito na lang muna! Take care!
Anong istasyon sa telebisyon ito dati? Memory gap ako sa anime na ito ah...
ReplyDeleteayy tagal ko na hinahanap kung anu name neto!
ReplyDeletebuti shinare mo trip na trip ko to nuon ee
saka ung parang chibi na gundam na may element element thingy
Waaah remember ko din tong anime na toh. Ang cute nung opening song nila. Natatawa talaga ako dun sa version nila ng Jesse and James lolz
ReplyDeletedi ko maalala tong anime na to shet.
ReplyDeletereview naman ng timequest dyan hehehehe
buti na lang talaga at hindi ganon kaganda mga anime na pinapalabas noon sa ABS-CBN kaya napanood ko pa to. ang nakakaburat nga lang hindi sya ganon nireplay ng GMA7 kasi low rating? kompare sa Slamdunk, Voltes V, Fushigi Yuugi, Doraemon, Mojacko at Daimos na walang sawang pa ulit ulit.
ReplyDeleteYay. Per request na post, hihihi. Sorry ngaun ko lang nabasa. LOL. :P
ReplyDeleted b ngiging msama ung mga pokemon-like n yan kpg nlagyan ng P sa noo...
ReplyDelete