Monday, April 1, 2013

MUGS Hotel, NOT a SAFE Place to STAY


Good day! Ahoy! Kamusta na ang mga nagbakasyones last holy week? Okay naman ba kayo? Hopefully ay maayos naman ang takbo ng inyong bakasyones. Pero for my sister's trip kasama ang mga kanyang friendships, may unfortunate event ang naganaps..

Last mahal na araw, ang aking kapatid at ang kanyang mga dabarkads ay umuwi sa hometown namin sa Pangasinan. Syempre, tag-inits at hotness ang panahons kaya naman ay naggala-gala sila at nagpuntang Bolinao. Doon ay nag-check-in sila sa sa hotel named 'Mugs Hotel'. At doon may naganaps. 

Napasok sila ng magnanakaw! Yep, tama nababasa ninyo! Napasok sila ng magnanakaw! Kailangang ulitin? Oo, kaya isa pa.... Napasok sila ng magnanakaw!

Kahit na naka-double lock ang room nila ay di padin ito lusot. Aba, may kakayanan palang mabuksan ang door dahil kayang matanggal ang door knob kapag hinila at madaling masungkit yung chain ng isang lock.

Taklong tao ang nanakawan sa kanila. Yung ate ko at friendship nia ay nanakawan ng phone at cash. at yung third friendship naman ay ay watch, cash at phone. Roughly 20k ang value ng mga gadgets na nawala at ang kaperahan ay around 10k.

Syempre, alam naman na nganganga lang sila at walang gagawin, so nireport nila ito sa management ng hotel at police. Pero di pa natatapos ang pangit na kaganapan.... Aba, ang owner ng hotel na si 'CHLOE CAASI' ay nagdududa na imbento at gawa-gawa lang nila yung eksenang nanakawan sila. Inuulit ko, kailangan medyo redundant.... Yung 'CHLOE CAASI' ay duda pa sa mga customers niya na nanakawan sila! Maygas!

Di lang yans.... aba.... nag speech pa pala ang owner ng hotel ng ganito.... "4 kayong lalake wala man lang nagising sainyo!" "Pano namen malalaman kung totoo sinasabi nyo e ngayon lang nangyare samen to!" WOW! Antaray lang kung makahandle ng nanakawan tong may-ari.... May pagka-AlphaKapalMuks lang!

Nagrequest ang sister ko ng CCTV vid ng hallway pero waler maipakita ang hotel! Resto at Entrance lang ng hotel lang daw meron! DOBLE MAYGAS!!! Security level ng place ay mababa.... 

Para di na daw humaba ang areglohan, nagrequest sila Ate na maibalik na langs yung amount ng cash na nawala. Pero wait..... eeksena nanaman si 'CHLOE CAASI' na ibabalik lang yung bayad sa room accomodation. At... heto pa, pasigaw pa sinabi ng owner ang katagang....'kung ayaw nyo ng 5k, magkita nalang tayo sa korte! wala nakong magagawa dyan! aalis nako at may lakad pa ko!".  At heto pa, pati ang pulis na sinuplungan ay may dialog pa.... "pumayag na po kayo para matapos na dahil naaabala narin kame.".

Oh-Em-Geeee! Umaattitude pa ang owner! Super strong bones ng hotel owner! Pati pulis nag-iinarte na naaabala.... Like seriously??? 

Pero ang shocking revelation sa eksena ay kaya pala maangas si owner ay dahil napag-alaman nila ate ko na SISTER-In-LAW ng CONGRESSMAN si girlaloo owner! May kapit pala kaya F na F niya na may power sya!

Saklaps lang na ang masaya dapat na makasyones ng aking sister kasama ng kanyang dabarkads ay naging malungkot sa pangyayare.

Sa mga nalabuan sa pagwewento ko, heto yung message ng aking sister via FB (copy-paste mode)

*-*-*-*-*-*

Paki share to sa blog mo, please
Pag gusto nyong magbakasyon sa bolinao pangasinan, WAG sa MUGS HOTEL (right side of bolinao church).http://mugsbolinao.com/
Napasok kame ng magnanakaw kahit naka double lock pa ang room namen. Mabilis palang mabubuksan ang room kahit naka lock dahil hihilain lang ang handle at madaling masungkit ang chain ng isang lock. Tatlo kaming nanakawan. Nakuha ang cp ko at pera ko, sa isa kong friend, cp at pera at yung isang friend namen nakuha lahat ng mahalaga-pera, cp, watch at ipod. Worth 20k ang halaga ng lahat ng gadget (depreciated value) at Php10,000 cash. Nakalagay ang ito sa desk na malapit sa pinto.
Nang sinabi namen ito sa mgt at nireport sa police, lumabas na parang gawa-gawa pa daw namen ang kwento. Pasigaw at galit pa kaming kinakausap ng may-ari na si CHLOE CAASI "4 kayong lalake wala man lang nagising sainyo!" "Pano namen malalaman kung totoo sinasabi nyo e ngayon lang nangyare samen to!" Mahinahon naming nirereport ang insidente pero hambog at mayabang kaming hinarap ng may-ari. Kung tutuusin, di nakuha ang dslr 1100D, ipad3, iphone4s, itouch at galaxy note2 na mas mataas ang value dahil nakalagay ito malapit sa amin. Kung intensyon namen na dagdagan ang mga nawala, sana mga high end na gadgets ang sinabi namen na nawala at mas malaking halaga ng pera.
Pinakuha namen ang video ng CCTV sa hallway pero wala silang maipakita dahil sa restaurant lang ang cctv pati sa entrance ng hotel.

Dahil ayaw narin namen humaba pa, ang settlement ay kahit mabayaran nalang ang cash. Ayaw pumayag ng may ari, ang gusto nya ay ibalik lang ang bayad sa room accommo namen. Sinabi namen na kahit kalahati nalang ng cash na nawala plus hotel expenses namen. Pasigaw pa na sabi ng may ari, "kung ayaw nyo ng 5k, magkita nalang tayo sa korte! wala nakong magagawa dyan! aalis nako at may lakad pa ko!"
Nakakasama ng loob dahil maayos kaming humarap, kami na nga ang nawalan, tapos ganyan pa kami tratuhin. Sabi pa ng pulis sa akin, "pumayag na po kayo para matapos na dahil naaabala narin kame."
Mabuti nalang at mahinahon kaming kinausap ng kapatid ng may ari. "pasensya na kayo sa kapatid ko,ganyan talaga yan". Para matapos na, pumayag na lang kami na kunin ang 5k kapalit ng 30k worth ng nawala sa amin.

Pagkatapos namen umaalis sa hotel at lumipat sa Patar beach, nalaman namin SISTER-IN-LAW ng CONGRESSMAN ang may ari kaya ganun nalang pala magyabang at kampihan ng mga pulis. Nakakalungkot na ako pa ang nagdala sa mga kaibigan ko sa pangasinan dahil ipinagmamalaki ko ang home town ko, pero ganto lang pala ang mangyayari. 

Masasabi ko pa ba na its more fun in bolinao?


*-*-*-*-*-* 
Kung maisha-share ninyo ito, salamuch, pero salamats na din sa pag-abalang basahin to. Warning na din to para sa mga magbabalak mag-check-in sa hotel na iyon. NOT ADVISABLE at HINDI RECOMMENDED ang hotel na nabanggit. #ICAPSLOCKMOPARAINTENSE

Syempre, ayaw lang namin na may iba pang maka-experience ng ganitong pangyayare at sana'y di na maganap pa ang ganitong moments. Hopefully, magkaroon ng karagdagang security sa hotel kasi ang pagbyahe ay isa dapat masayang experience at hindi nakakalungkot.

O cia, hanggang dito na lang muna. take Care folks!

27 comments:

  1. Ay grabe naman. Makakarma din yang CHLOE CAASI na yan!

    Nagmamaasim dahil malakas ang kapit ng hitad nyahahaha!

    Naku magsilbing babala na din toh sa mga turistang mapapadpad sa Bolinao lalo na sa MUGS HOTEL na yan na bulok ang sistema ng serbisyo at seguridad sa establishment nila.

    ReplyDelete
  2. Amp badtrip yang nangyari s kanila.. my karma din yang owner na si CHLOE CAASI.. AGAIN SI CHLOE CAASI

    ReplyDelete
  3. naku mahal na araw na nga nagawa pa nyan!
    umaasa ko na meon happy fools day sa dulo wala pala
    talented tong magna na yan ahh

    ReplyDelete
  4. kung ako nian mgwawala ako... media agad

    ReplyDelete
  5. ang kupal ah. makakarma yang mga yan.

    ReplyDelete
  6. Hmmnnnn... may iba bang hotel sa Bolinao? tsk

    ReplyDelete
  7. wow ha! lahat sila busy at may lakad, ayaw paabala...felt ko parang inside job sya kasi ganun nalang yung reaction, yun eh felt ko lang naman!

    pero salamat sa heads up khanto! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. honga, holy week pero kung makapagsabing naaabala, wagas

      Delete
  8. I would be more than willing to share and repost this story on my site to be a warning to others who would go there .

    Thank you for asking to share.

    ReplyDelete
  9. naku! parang kasabwat si owner ha...kung makapag taray naman!

    ReplyDelete
  10. kita mo yung kanal dun sa kanto? dun. sure win ang bagsak nun. hahaha

    ReplyDelete
  11. panasok sila ng magnanakaw? panasok sila ng magnanakaw? panasok sila ng magnanakaw?

    nakakaloka si CHLOE CAASI! Hindi ko sya keri. obvious naman na alam nila ang mga kaganapan sa MUGS hotel. Hay bahala na si Karma Martin sa kanila tsk tsk

    ReplyDelete
  12. nakakainis lang yung nangyari... good thing at napost mo ito to warn everyone... iba ang dating ng social media sa mga ganitong eksena :D

    try nya lang sa akin gawin yan dadaan talaga kami sa korte hahaha

    ReplyDelete
  13. Ayokong icapslock para mild lang lol. Bolinao ba hometown mo? Taga doon ako pero di ko pa napupuntahan yang Mugs kasi wala na ako doon nung tinayo yan. At medyo familiar yung name, siguro sa face ko lang sya kilala... Ask ko si Khikhi.

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???