Thursday, May 23, 2013

Ang Alamat nina Og at Ag


Thursday na! Woot! Isang araw na lang at restday ko na kahit isang araw lang dahil sa pakikipagpalitan ko ng araw ng pahinga last week. 

Anyway, for today, heto na ang ikalawang libro na nabili ko last time at napasadahan ko na at nabasa ko na at ngayon ay featured sa aking bloghouse....

So hetow na! Tarararaaaaaaaaaaaaaaaaannnn!!! Ang librong 'Ang Alamat nina Og at Ag'!

Ang libro ay magsasaad sa pakikipagsapalaran ng friendships na ancient human na sina Ag at Og. DIto isasaad ang kanilang journey at anik-anik kung saan may kinalaman sila kahit paano sa pagkakaroon ng alamat at simula ng pagtawag sa mga bagay bagay.

Sa libro malalaman mo ang mga alamat ng basahan, bato, tigyawat, sigaw, damo, apoy, kahoy, tinga, bag, siga, away, sinulid, paniki, matalino, building, taksil, balato sapatos, plato, halik, iyak, pantalon, sampayan, alambre, aksidente, lamp party at iba pa.

Score ng libro???? 7.5. Sorry..... ewan ko. there's something na di ko maexplain at di madadaan sa alamat kung bakit di ko gaanong feel ang nasasaad sa libro.

Technically, for me, hokay naman ang flow ng kwento. Ayos naman. Pero siguro.... since, sobrang dami ng alamat na isiniksik, at parang mahuhulaan mo na at maeespeculate ang next thing na kaganapan, parang nawawala yung ummmph... Parang walang kabog factor.

I don't know. Medyo off din sa akin yung attempt na pagiging greenish ng ilang lines pero medyo nakakaumay ang factor...... 

Di ko mawari kung masyadong mataas lang antas ng intellect ng writter at di makasabay ang jologs at medyo mababaw na pag-iisip ko.

Hahaahha.

And upon reading the book, napaisip ako.... hindi kaya ang constant at daily blogging ko at review-reviewhan ng books at movies ay possible na nakakaumay din sa readers. :(

O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care folks.


7 comments:

  1. Parang hindi ko pa nakikita to sa bookstores. Bagong labas lang to?

    ReplyDelete
  2. Valid review... I trust you so I won't dare reading it na... Hehehe

    ReplyDelete
  3. Nabasa ko to kahapon. So so lang.

    ReplyDelete
  4. Ayaw ko ng bumili nyan. Haha

    ReplyDelete
  5. well nag salita na ang experto! so mas maganda pa din ang diary ng panget

    ReplyDelete
  6. Hello Khanto ...ginamit ko para sa isang article ko sa isang dyaryo iyong blogpost mo about 7 Keys To Positive thingy , okay lang ba sa iyo ? Lalabas ito any day next week sa dyaryong THE DAILY SUN , a daily new tabloid published by Feroz Publishing House ... let me know if okay lang sa iyo ... thanks and God bless ...

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???