May German Bread, French Bread, Spanish Bread etc.... pero bakit wala daw Japanese Bread????? Aba, malay ko? bakit ako ang tatanungin?
Ang featured anime for today ay ang nagbigay ng bread cravings sa akin last weak. Yung eksenang naglalaway ka at nais mong kumagat sa isang mainit at malambot na tinapay..... Ang anime sa araw na ito ay ang Yakitate Japan!
Ang anime ay tungkol sa isang youngster named Asuma Kasuma na nangangaraps na makagawa ng tinapay na kakatawan sa bansang Japan.... at tatawagin niya itong Ja-Pan (na sa aking palagay ay kinda redundant kasi Japan na nga ang country nila).
Si Asuma ay mag-aapply sa isang kilalang bakery sa japan named Pantasia. May current problem sa bakery kaya dahil may inDito ay magpapakitang gilas siya sa paggawa ng anik-anik bread and everything. Dito ay maipapamalas niya ang kagalingan sa paggawa ng bread.
Sa anime na ito, merong bread battles kung saan may theme kung anong gagawing at makikipagkompitensya ang bida sa paggawa at pagbuo ng yum-yum-yum-yum-yum-yum na tinapay.
Sa anime ninyo makikilala ang mga tauhan sa ibaba....
1. Kazuma Asuma- Ang batang may solarhands... Nuff said.... next please....
2. Tsukino Azusagawa- yung girlita na apo ng may-ari ng Pantasia na pinagtratrabahuhan ni Asuma.....
3. Kyosuke Kawachi- Ang isa sa bida din na halos palpak at puro comedy factor lang ang dala sa show.
4. Kai Suwabara- Ang samuraish baker sa group na naging kakampi nila Asuma sa competition.
5. Shigeru Kanmuri- Ang boy genius na naging rival din ni Asuma at meron ding taglay na solarhands.
Makikila din ang mga karakter na sila:
6. Ken Matsuhiro- Ang manager sa Pantasia na merong kinky afro hair at masyadong may alam sa bread.
7. Ryou Kuroyanagi- Ang judge sa pagtikim-tikim ng tinapay na oberacting kung makareact.
8. Perrot Bolneze- Isa din sa judge na grabehan din kung makapagbigay ng drama sa pagtikim ng tinaps.
At kahit ayokong banggitin ang names ng kalabans, heto sila...
9. Yukino Azusagawa- Ang pakshet na kontrabida. The bitch!
10. Yuichi Kirisaki- Ang kontrabidang wagas. Siya ang owner ng rival bakery ng Pantasia....
Dahil sa anime na to, ilang days akong naglalakad mula sa bahay papuntang kanto ng kanto ng kanto para bumili sa Let's Dough It ng Coffee Bun.... Nagcrave ako sa tinapay. Maygowlay!
Masayang panoorin ang anime na to pero minsan nakakagutom lungs. nyahahahah
O cia, hanggang dito na lang muna! Terrific Tuesday sa inyow! Take care!
haha di ko maxado na panuod to haha pero nireremind sakin neto ung master cooking chef ba ung title nun
ReplyDelete