Friday, May 3, 2013

Flashback Friday: The Reunion

Kahapon ay ang throwback thursday! pero kailangang merong imbentong throwback-kinda day para sa mga late at gustong humabol sa pagbalik sa nakalipas thingy kaya naman heto ang tinatawag na FlashbackFriday!

2011, umuwi ng pinas ang isang blogger friend na nagtratrabaho sa ibang bansa. Sa tulong na din ng isang person (di ko napapangalanan... hahahah), nag-engganyo ako na umattend ng isang bloggers gathering. Eto ang first blog EB na napuntahan ko.


2013, after 2 years...... well, nagkaroon ng reunion. Nagkita-kits kaming ilan. At dito ko na isesegwei ang wento ng naganaps last tuesday.

Around february ata yun or march ng biglang nagkaroon ng post si Unni sa facebook na uuwi si Poldo para magbakasyon. Isinet nila yung petsa ng meet-up. Though alam kong may possible na may pasok ako sa itinakdang araw, nag-file ako ng leave. Well, minsan lang ang ganito, diba nga, 2 years ago last kita-kits namin halos.

Last Tuesday, April 30, nagkita-kita kami sa may Megamall. 

Sa pagpunta, di na ako tinamaan ng pagdadalawang isip na nadarama ko noong pers taym na eb. Wala na gaano ang makahiyang khanto kaya naman go lang ng go!

'Yung eksenang kahit antagal kayong di nagkita-kita pero ramdam mo yung friendships'

Pagdating ko, andun na si Poldo, Unni at Axl with his friend (shaks, nalimowt ko yung namesung, amsaree). Kaso may lakad pa ata si friend ni axl so nagfly na sya somewhere. Then next na dumating si Ben. Pers taym ko lang sya mameet in person tas dun ko lang nalamans na navivisit ko din pala yung bloghouse nia dati bago sya huminto sa pagsulats. (sensya na, memgap lungs... kulang sa memoplusgold). Then magkasunod halos na dumatings si Empi at Madz (yiiiee... jowk lungs).

Madz, Empi, Benh, Khanto, Unni, Poldo at Axl

Dahil round 7pm to kami nagkita-kits, kelangan chumibog muna so naglibot-libot kami kung ano ang possible na kainan. Medyo mabusisi man ng slight ang proseso ng pagpili, napadpad kami sa Sizzling Pepper Steak sa may Atrium ng Mega.

After mabusog-lusog sa nikain namin, nagdecide na parang hostel para maiwan ang mga gamit then punta ng somewhere to nomnom. Napadpad kami somewhere in mandaluyongs at nagcheckin sa hostel na namemory gap ko nanaman ang name kasi kawindang ng slights ang deposit chever nila. Pati hiningan ng id ganyan at nagfill ng form at kinuha yung fingerprints (jokejoke sa pingerprint). lols



Matapos makapag-freshenup ng slight, pupunta sana kami sa Pioneer para tumikim ng Badtrip pero merong ilang memories na nais balikan pero medyo namantsahan so di kami dun tumuloys... hahaha, lipad kami sa Metrowalks... oo, with s talaga kasi maglalakad ka para pumili ng spot para uminoms ganyans.


Yung moment na magsasara na ang pinag-inuman namin, at medyo may teensie-weensie hit ng alcohol, naglakads kami at naghanaps ng mapagkakapehan... ayun... dakakita kami ng simbulo ng girlay na may hinating buntot.... yeps... its stabaks!


Around 3 or 4 na ng madaling araw ng kami ay makabalik sa hostel para mag power-rest. round mga 8 ay check out na kami at nag-almuchow sa jabi at roughly mga 9 ay natapos na ang sama-sama.

Worthit for me na nag-VL ako for the gathering kasi somehow, nawala yung emoness ko. hahaha.

Thanks sa kanilang friendships at masasabi kong di naman me patay na bata na trabaho-bahay-trabaho-bahay ang peg. Kahit pano masasabi ko na meron akong social layp. hahaah.

Til neks taym ulit!

O cia, hanggang dito na lang muna, mag-eempaks pa ako for my bakasyones ulit. heheheh.

Ngapala, kudos to AXL na may dalang camera. Kung hindi sa kanya, walang pics for the post. hehehehe.

Take Care folks! TGIF!

10 comments:

  1. Woot!? I'm glad you guys had fun your eb kahit puro memory gap ka sr Gelo hahaha ;D

    eto ung napag kuwentuhan namin ni Unni(Cam) sa FB kaninang umaga lang hehe.

    ReplyDelete
  2. memory gap lol....
    ang saya saya natin noh??
    bat wala ung mami na maanghang lol
    sayang wlang pic c poldy na nakaupo sa sahig at nilalantakan ung mami lol.....
    enferness sa student ko n c axl marunong ng magbilang bago magclick..peace

    sana next time kasama na ni dodong poldy c inday nya haha

    unni

    ReplyDelete
  3. Parang wala kang pinag-iba 2 years ago.. si empi mukhang holdaper dati, haha. Tama ba yun basa ko na gusto nyo tumikim ng badtrip, ano yun? Sarap ng reunion nyo, talagang inumaga na..

    ReplyDelete
  4. haha. i hate you unni.. hahaha!!!! cheers on that!!
    hahaha... oo nga bakit wala yung lintek na mami na yan! na sobrang anghang di mo makain...
    hapi to see yu all again!
    blog ko pa ba to? hahahaha
    ingats sa bakasyon gelo!!

    ReplyDelete
  5. nice gathering! may kulang na sa eb, parang halos lahat eh na-_____ niya. lol

    ReplyDelete
  6. Ang galing! Tagal na pala ng samahan niyo.

    Kelangan mo na talaga ng memoplus gold! :)

    ReplyDelete
  7. hha mas masaya talaga ang kwento ng happening kung my pichure!
    hehe ayun namis ko tuloy ang PBOers

    ReplyDelete
  8. saya naman ng kita kits / reunion! sana mameet ka din namin Khants :)

    ReplyDelete
  9. di pa rin ba maalala ang name ng hostel na yun? mukhang interesting ah. :)

    ReplyDelete
  10. Ayun ako oh. Ay wala pala. Naks reunion :)

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???