Monday, May 20, 2013

Toy Related Anime

Sa mundo ng anime, madami ang kung anik-anik na tema. Merong food themed anime. Meron din na sports related. Merong mga robot-robot at martial arts thingy.

For today, kung nabasa ninyo ang pamagat ng post, alam ninyo na dapat na may kinalaman sa laruan ang anime na bibida sa araw na ito. Ito yung mga anime na package deal na merong laruang pang kiddo ang inilabas at nauso sa pinas.

1. Crush Gear


 Sample ng isang Crush Gear

 Ang Crush Gear ay tungkol sa anime na merong parang drill tank ng maskman/mechanical vehicle na may anik-anik powers at magbabakbakan hanggang matanggal sa arena/dome/colloseum ang kalabang laruan or masira yung sa kalabs.

2. Beyblade


Sample ng Beyblade


 Ang anime na ginawa para sa mga naglalabanang trumpo.... well technically parang trumpo. Ang Beyblade ay parang crush gear pero ito naman ay nagfofocus sa mga tops (hindi yung position ng sex ha). May kakaibang powers ang toys kasi sa gitna ay may tinatawag na bit kung saan may lumalabas na powers from animal thingies na nagbibigay lakas sa laruan.

3. Super Yoyo


 kunwareng sample ng Super Yoyo

Ang neks na anime naman ay nagfocus sa laruang Yo-yo! Yep, eto ay anime na nagpapakita ng different exhibition sa yoyo. Makikita yung mga techniques like walking the dog, around the world at iba-iba pang kakayanans.

4. Let's Go



 Sample ng Race Car ng Tamiya

Batang 90's ka ba? Malamang, napagdaanan mo noong nauso ang Tamiya sa pinas! Yup, nauso ang race car thingie toys dahil sa anime na Let's Go. Ito ay tungkol sa magkapatid na sina Joey at Jet na nakikipaglaban ng karera sa mga friendships ganyan.


5. Bakugan



bakugan ball na nagtransform to creaturish form

Last item sa list ay ang Bakugan. Well, ang anime ay tungkol sa laruang parang mini pokeball na hinahagis tapos may card thingy to activate special powers ganyan. Yung mini pokeball pala ay nagtratransform to some kinda creaturish thing na di ko madescribe. hahahaha.

Lahat ng anime na nabanggit ay napanood ko (pero hindi lahats ng episode ha, minsan kasi naglalaro din ako sa labas nung bagets pa ako or may pasok kaya di nakakapanood).

O cia, hanggang dito na lang muna, Nag-medyo-memory-lane lang me.... Take Care friends!

5 comments:

  1. I'm a 90s kid so parang sawa na ako maglaro nung sumikat itong mga ganitong toys. Good old trumpo pa rin ako... :)

    ReplyDelete
  2. beyblaed at bakugan meron ako til now hahaha. yung tamiya di ko nagustuhan lol

    ReplyDelete
  3. hah relate relate relate! lalo sa crush gear at beyblade!

    ReplyDelete
  4. TAMIYA is the BEST!!! nasubukan ko lahat ng ito :) though sa real life, pinakawalang kwenta laruin yung bakugan kasi asa pa ako kung gagalaw talaga sila hehehe...

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???