Thursday, May 16, 2013

Malinaw Spring

Hey! Kamusta naman kayo mga friends? Dalawang kembot na lang, weekends nio na. Ako, isang shift na lang at pahinga nanamans. hehehe.

For today, iwewento ko ang nangyare last sunday. Nabanggit ko sa aking random post nung isang araw na nag-roadtrip kami... well, heto na yun.


Last week, biglang nag-aya ang mga HS friendships ng roadtrip kasi lilipad na pabalik ng middle east yung kaklase namin na naging nars. So since technically ay restday ko pa ng sunday morning dahil sa gabi pa ang shift ko, go lang ng go!

Saturday night kami nagkita-kits sa house ng isa naming friendship dahil sa kanila yung sasakyan na gagamitin. Around 11pm na ng mag set kami para sa lakbay-lakbay.

Initial plan ay mag Tagaytay sana pero out of the blue ay nagbago ang ihips ng hangin. Kasi wala kaming matutuluyan kung darating kami sa Tagaytay ng madaling araw. Isama pa ang medyo tight budget thingie.... 

Nagbago ang destinasyon ng wala akong kamuwang-muwang dahil bumoborlogs ako sa likod dahil slightly puyat. Nalaman ko na lang ng maalimpungatan me kasi medyo naliligaw kung saan imemeet yung kakilala ng HS friend.

Wala akong clue kung saan kami mapapadpad basta go with the flow na lungs. After ilang oras pa ng byahe, huminto na yung sasakyan at ako ay nashock sa nakitang signage sa kalsadang madilims.

Lucban, Quezon

Madilim ang kapaligiran kaya di ko alam ang i-eexpect ko. Sunod na lang kung saan dalin ng mga paa at ng sunusundans.

At nalaman ko na spring something na open area ang pinuntahan namin. Well, at first medyo taas kilay ng slight kasi madilim tapos di ko maaninags ang ibang bagay-bagay. Tanging mga parang cabanas lang from the other side ang kita with sounds from different videoke machines ang maririnigs.

P10 petot lang ang entrance dito... Magbabayads ka lang ng slight for the kubo-kubo na pagtutuluyan atsaka room if ever na gusto ninyong magpahinga ng slight. BTW, di pwede ang uber-uber pakonyo here kasi probinsya style na masa type ang settings.








Gusto ko pa sana makapagpics kaso.... yung eksenang di pala na-charged yung gigicam at walang saksakan sa place. Saklaps. Buti na lang may camera yung isa pang kasama... So since lumiliwanags na... photo-ops






Heto ang mas maliwanag na view ng pinuntahans namins.......






habang nagvivideoke ang iba at nagpreprepare ng almuchow at sumikat na ang araw, ligo-ligo din pag may time. Lublob-lublob din sa tubig.





Malinaw ang tubigs at malamigs.... parang freezing cold nga eh. hahaha. Pero since may mga body fats at naka-tshirt, kinaya ng katawang lupa ang lamig. :p

Matapos maligo, kumain at kumanta..... kelangan ng gumora...... Banlaw mode na para makalakbay ng other place. Pero, pic muna bago umalis.... hahaha :p


Ang plan sana ay sa Tagaytay nga ulit.... pero dahil sa complications ng bagay-bagay at ang isa naming kasama ay kailangang nasa Manila na by 5pm for work, napadpad kami sa Nuvali. Ito yung place na merong mga wake boarding hoolabaloo. Dito na lang kami nag-lunch while checking yung mga nagwawake-board exhibitions. (wala na din battery yung digicam na isa kaya walang pics after).

At dyan na nagtatapos ang pakikipagsapalarans at kakaibang adbentyur ko with friends. Heto ang larawan ng mga kasama kows.. hehehe, baka isipin niong solo lang ako. haha


O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care folks! adbans Happy Weekend!

4 comments:

  1. malinaw nga ung spring!!! hehehe mayroon din dyan na nawawalang paraiso resort. ibang klase mga names!

    ReplyDelete
  2. oi--ok ah.Lucban.never pako napadpad dyan.pero malinaw nga talaga ha.Totoo?walang saksakan? Saklap nga!hahaha

    ReplyDelete
  3. no wonder bakit malinaw ang name, ang cute nung mga cottages at naloka ako sa suicide shot hahaha

    ReplyDelete
  4. ganda ng under water shot! pero mas bongga yung higa higa sa kalye pag may time shot hehe

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???