Monday, March 1, 2010

Heroes vs Villains: Survivor Style!



Kaninang nasa marikina ako at sa sobrang init ay nagtiyaga nalang ako sa isang kuwarto kung saan ang panonood ng Tv ang aking inasikaso. Katatapos lang ng palabas ni pokwang sa channel 2 kaya naglipat-lipat ako. Dun bumulaga sa akin ang favorite reality show ko bukod sa Big Brother at amazing race. Meron na palang bagong Survivor show na pinapalabas sa channel 9! Yehey!

Habang nag-uumpisa palang ang palabas, nagulat ako sa mga familiar na tauhan1 Aba'y andun si Rupert ng cook island at andun din si Boston Rob ng Marquesas! makikita din sila Colby at Jeri ng Australia pati ibang familiar faces! Watdapak! Shemay! Isa nanamang comeback ng mga dating kalahok ng Survivor!



Nang nagcommercial, ipinakita ang title ng survivor at dun bumulaga ang Heroes vs. Villains! Aba, mala episode ng Heroes! Back to the kwento, Ang mga nagbabalik na mga character ay magtutunggali nanaman sa patatagan sa isang isla kung saan kailangan nilang utakan, mag-strategy at bumuo ng alyansa! Dito susukatin ang galing at husay dahil sila ay nakasali na noon at alam na nila ang kadalasang taktika ng mga makakasama sa laro! Ito ang laro kung saan kailangan magkaroon ka ng barrier at mala-telepathy upang mabasa ang strategy ng iba upang iligtas ang sarili sa pagpapataksik kung matatalo kayo.

Nakakalungkot at di ko napanood ang first 2 episodes pero okay lang! tatlo palang naman ang natatanggal at mas exciting na kapag nasa gitna na! Sino kaya ang mananalo?? Abangan!

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???