Tuesday, July 27, 2010

SOKA



Ayokong magbukas ng telebisyon. Iyo't iyun din ang mababalitaan. Lahat excited sa unang pagpapapawis ni President Noynoy sa sauna. Sorry, mali. SONA pala. Sa facebook, trend din ang tungkol kay noy. Ganun din daw ang twitter. Ewan ko pero ayaw ko masyado ng overkill na pangyayari. Parang OA lahat ng news.

Manonood ako kaso mga nonsense ang ibang balita. Nagtataka ang ilan bakit di sumipot ang ex-president sa SONA. Hello? Ikaw ba, pag kalaban mo ang buong mundo at ang mga bagay sa speech ay patungkol sa kabaluktutan at kasiraan mo, may balak ka bang dumalo? Di naman siguro boblaks ex-PGMA upang magpakapal ng apog at ng mukha at saluhin lahat ng sibat, bala, shuriken, kunai, pana, bomba, granada at utot na ibabato sa kanya. Another annoying news, hinahanap sa SONA ang gf ng pangulo. For real? Ano ba ang dapat tutukan, ang krisis na pagdadaanan ng pilipino at ang remedyo o solusyon o ang lovelife ng pangulo. Seriously? Kailangan ba nating kiligin at tila maki-showbiz sa NoySha? Last annoying thing, komento ng ibang politiko. Andaming hands down at taas kamay sa speech. Andaming praises pero minsan it gets to the nerve seeing those politicians na nagwawaldas ng buwis ng mga nagpapakahirap na employees na pilipino. Kinukuraks nila ang mga pera ng madlang pips. Sinasayang nila ang mga tax na nanggagaling sa mga bayaning OFW. ERAP?!!! ANg ex-president na pinatalsik dahil sa korapsyon ang magsusuggest ng mga ideas para umunlad ang pinas? bang! sarap barilin.

Isa lang naman ata ang hanap ng pinoy e, eto ang mai-ayos ang bansa. We can't cry on spilled milk! The damage has been done and we can't blame all the shame to one person kasi ang status ng pinas ngayon ay di lamang dulot ng sinasabing korap na ex-pres. Lahat tayo ay naging bahagi ng current situation(directly or indirectly). We are all liable at lahat ay may pananagutan. Di uusad at di aangat ang antas ng kabuhayan kung laging pagsisisi sa iba ang gagawin. Ang pagkilos at pagbangon sa lusak ng kapit bisig ang dapat gawin.

--------------->

State of the Khanto Address: SOKA

Mahirap makasama ang taong know-it-all at feel-it all. Hays. Nakakainis minsan dito sa bahay. Linggo, nanonood ako ng tv at ang palabas sa channel 2 ay ang pelikulang "My Big Love" ni Sam. Kwento ng matabang lalaki. Bugbog na bugbog sarado ako sa pang-aalaska ng buong fam ko. Kesho kasize ko na daw si Obese Sam at kung ano-ano pa. Ang nakakainis ay banat ng banat ang mahaderang ate ko na akala mo ay nuknukan ng galing/talino at husay. Ewan. Nakakairita.

Busy ang mga tao sa bahay sa mga dadalin na damit sa plan na bakasyon sa Thailand. Leche. Ako nanaman ang pinupukol ng kung ano-ano. Kailangan ko daw mag-polo shirt. Punyemas! 2 lang ata polo shirt ko dahil di ako mahilig sa may kuwelyong damit. Mga Niyetang nilalang sa haus. Umiiral nanaman ang pilingerang ate ko na akala nia ay siya ang basehan ng whats cool at whats not. Akala mo elitista pero echosera lang. Anlakas manlait pero wala sa lugar dahil di naman siya kinukunsidera sa mundo bilang isang icon for fashion. Kailangan daw di ako nakapantalon sa Thailand. Shet na superlagkit! Nakakabadtrip. Sumasang-yon naman ang aking ina. Ang tshirt lover na si khanto ay napipikon na.

Kahapon, lunes, Napilitan akong umalis ng bahay hindi para magpalamig, napilitan akong sumunod. Lecheng life lang minsan. Napilitan akong sumunod na lamang at bilan ang sarili ko ng walking shorts, swimming shorts at polo shirt. Bumili lang ako para matigil na ang mga tao dito sa bahay. Putragis, gastos ng lunes. Pagkauwi ko, dala ang pinamili, biglang magcocomment na kesyo mahal daw at bakit ako bumili ng damit e meron naman ako. Ansarap lamang tirisin at tadyakan ang mga tao sa bahay.

pasensya na posa may mahihina ang puso. Naglalabas lang ako ng inis at init ng ulo. Nais ko lang maisulat ang kabadtripan ko upang mas okay ako kapag nagpapakarelaks ako sa ibang bansa. Naipon na ang stress at kelangan naman mag-unwind. Another way din to para maka-bond ang pamilya.

end.

Monday, July 26, 2010

Khanto Pick: Doraemon



Medyo busy ang weekend ko sapagkat okupado ang sarili sa pagtatanim laban sa mga zombies na nais kumain ng brains. Leche, naaadik nanaman ako sa plants vs zombies dahil walang magawa. Pero walang kinalaman sa mga sunflowe seeds o di kaya sa pea shooter, ang entry ko ay tungkol sa paborito kong cartoon na Doraemon.

Una kong napanood ito sa channel 7 noong nasa gradeschool palang ako. Di ko na matandaan ang year pero basta mga nasa 1990+ un. Eniway highway, Ang Doraemon ay cartoon tungkol sa isang pusa na galing sa future. Siya ay naging tagabantay ng isang lampayatot at medyo mahina o mapurol na batang lalaking nagngangalang Nobita. Dito nagsimula ang mga kakaibang pakikipagsapalaran ng pusang at bata.

Ano ba ang nakakatuwa kay Doraemon? Eto ay ang mga kakaibang gadgets at technology na nailalabas nia mula sa kanyang pouch o mahiwagang bulsa. Nakakaaliw at nakakasaya ang mga out-of-this-world na mga bagay.



Kasama sa cartoons ang mga tauhan katulad ng kalaro at crush ni Nobita na si Shizuka. Andun din ang mayabang at hambog na kaklase na si Soneo at ang Bully na si Damulag/Giant. Minsan kasama din ang nanay nia at tatay na tawag ay mommy at daddy.

Ansarap panoorin ang cartoon na ito kahit paulit-ulit dahil may mga aral din naman na natututunan. Sa susunod na pagquips ko, marahil doraemon ang aking bibilhin. :D

Sunday, July 25, 2010

NARUTO SHIPPUDEN DEFORMER FIGURE COLLECTION 3


Tapos na ang larawan ng mga laruang One Piece kaya heto naman para sa mga fans ng ninja na si Naruto. Galing din ang larawang ito sa Bandai Asia site. Enjoy. :p


Saturday, July 24, 2010

Phone Madness! Gadgets And Tech’s 1st Annual Phone Raffle Contest



Hindi pa man natatapos ang resulta ng sinalihan kong contest na may papremyong telepono at heto na ako at umaariba upang makasali sa isa nanamang contest at ang premyo ay cellphone. Sabi nga ng iba, Try and try until mahimatay ang butiking pasay. Kaya heto ako at susubukan ko na masungkit ang teleponong Samsung GT.

Kinopya ko lamang ang larawan sa contest site. Ang mga features ay nasa ibaba, makikita din sa original site.


Samsung GT-E1175T Specifications and features:
Dual Band 900/1800 MHz
Type 1.52″ 65K CSTN
Resolution 128×128 pixels
40 Poly Ringtone
Operation System Samsung Proprietary
Messaging SMS, MMS
Battery 1000 mAh
Dimensions 108.7 x 46.1 x 14.1mm
Weight 72 g
Torch Light
Fake Call
SOS Message
FM Radio

O ha! Gusto nio na bang malaman ang detalye patungkol sa contest? Oks! kk! Sige! Ang contest ay nagmula sa blog na may pangalang Gadgets and Tech. Eto ay ang website kung saan makakita ng review, images at kung ano pa tungkol saan pa, gadgets, gadgets at gadgets. Bakit sila magpapacontest? Kasi trip lang nila! joke! Dahil tila magkakaroon sila ng Anual phone raffle contest. At ngayong taon na ito ang simula ng kanilang unang pamimigay ng telepone.

Heto ang direct link para sa contest:
Para sa mga alituntunin na kailangang sundin, heto ang detalye.

1. Any person from the Philippines with a blog and a Facebook account can join the contest (shipping cost of the prize  for non-Metro Manila resident will be shouldered by Gadgets and Tech .
2. To join, you must create a blog entry (one blog entry per blog per person) about “Gadgets And Tech’s 1st Annual Phone Raffle Contest” and include two links: Gadgets and Tech and Gadgets And Tech’s 1st Annual Phone Raffle Contest.
3. Log in to your Facebook account (or create an account if you don’t have one yet) and search for the GadgetsandTech.net fan page and become a fan of GadgetsandTech.net by clicking the “Like” button.
4. Post the contest blog post url (from your blog) about the contest in your wall in Facebook.
5. After doing the said steps, submit your entry by placing a comment in this contest blog post making sure to include your name and contest blog post url.
6. After verifying that you have done steps 2,3 and 4, a reply to your comment will be made which will serve as the confirmation that you are already included in the raffle.
7. “Gadgets and Tech’s First Annual Phone Raffle Contest” runs until 11:59 PM, July 31, 2010.

 Sali na at baka tamaan ng swerte at magkamit ng Samsung phone :D

From TV animation ONE PIECE STRAP



Hindi pa natatapos ang One Piece toys pics na ipapaskil ko dahil ngayon naman ay ang cellphone straps na One Piece. Heto na sila! Last na One Piece toy to para sa buwan ng hulyo. :D

Luffy

Ace

Magellan

Iva

Bon clay

Aokiji

Shanks

Friday, July 23, 2010

SUPER ONE PIECE STYLING - WANTED



Ang post na ito ay tungkol uli sa toys. This time, eto naman ang larawan ng mga may kalakihan ng konti na figures ng mga One Piece characters. Heto na ang mga larawan: (Luffy and chopper, Mihawk, Nami, Robin and Zoro)


Friday Story

Kahapon, habang nilalakad ang kalsada pauwi, nakita ko sa daan ang mga estudyante ng pampublikong paaralan na malapit sa amin. Lahat sila ay may matingkad na dilaw na jogging pants. PE ata nila ng thursday. Pagkakita ko sa mga estudyanteng busy sa kung ano-anung bagay ay tila tinamaan ako ng kung anung force at nagpaikot-ikot sa parang spiral world at bumagsak ako sa nakaraan. Ang nakaraang akala ko ay limot ko na.

Hayon, ako ay bumalik sa panahong 1995. Di ko mawari kung anong nangyari. Nag-shrink ako. Lumiit ang aking katawan. Mula sa chubby-dumbo figure ko e tila naging bansot ako at naging payat muli. Napatalon ako na ewan sapagkat pumayat na ako! Aw! Kasabay ng pagpayat ko ay tila pabaliktad ang epekto ni hokerampa na imbis na lumaki ay lumiit ako. Ako ngayon ay nasa kakaibang mundo ng aking nakalipas.

Di ko lubos maisip kung anong natapakan ko. Basura ba o ebak ng aso? Linsyak! Bumalik ako sa pagiging grade 3. Suot ko ang uniporme na sinusuot kapag biyernes. Wadapak! Naka-Tshirt akong white at shorts na white at rubber shoes. Juskopong-pineapple! PE class today. Bitbit ko sa aking likuran ang maliit na backpack kasama ng 5 malilipis na kwaderno.Binulatlat ko pa. Bakit may mangkok at saucer na kasama. Weird!

May biglang tumapik sa aking likuran. Isang guard na may katabaan na kalbo. Shoot. Pamilyar ang mamang ito. Siya ang mabait na guard na nagngangalang manong Val. Kinausap ako at tinanong kung di ba ako sasama sa mga kamag-aral na pupunta sa mini grocery upang bumili ng Nido Oriental Soup na lulutuin daw namin. Shoot. Kaya pala may saucer at mankok sa bag ko. Eto pala ung time kung saan magluluto kami ng soup tapos kailangan may finese at grace sa hapagkainan.

Matapos bumili sa grocery. Nagring ang bell. Shet-shet-shet! Saan nga pala ang klasrum ko. Lintek! Buti nalang at matalas pa ang memorya ko. nag-isip kung anong mga section sa skul. Grade 1- magalang. Grade 2- Dao. 4-Aguila, 5-Mangga. 6-Jacinto. 3-Cattleya! Bingo! Hanapin ang mga bulaklak sections! Yahoo! Sakto at wala pang teacher. Tinginan ang mga kaklase ko kung bakit ayaw kong umupo. Shemai, saan ba pwesto ko. Buti nalang may good samaritan na nagturo. May sakit daw ba ako at limot ko pwesto ko?

Lumipas ang mga oras. Mabilis lang sapagkat tig-30 minutes lang ang mga klase. Sobrang ikli than the usual subjects. Homeroom, Religion, break. PE, break. Ambilis. Un pala ang dahilan kaya 50 leaves na notebook lang ang dala ko. Napansin ko pa na ung isang kwaderno ay may salitang MAPEY. naalala ko na sa isang buwan, alternate ang music, arts, pe at yoga. At ngayong araw na ito ang nakatakdang PE. Free time lang ang pe ngayon at nakipaglaro lang ako ng agawan-base, sipa at dodgeball(batuhan bola). Riiiiing. Bell na. Kaasar. Kung kelan nag-eenjoy saka mabibitin. Break na!

Matapos ang break ay nagbubulungan ang mga kaklase ko. Samu't-saring term ang lumalabas sa kanilang bibig. May palette, may jazz, may kalabaw at kung-ano-anong shit. Bulaga! Oras na pala para maghanda upang dumalo sa club na napili. Napaisip ako. Anu bang club ko ng grade 3 ako. flashback-flashback dali ang sinisigaw ng aking isipan. Nagmamakaawa na biglang tamaan ng platito at mangkok upang matandaan ang club na sinalihan. Isip. Wala. Di bale. May 30 mins. pa para matandaan. 
Oras na para kumain muna ng Nido Oriental soup na niluto. Ilabas na ang BAAAHHHHWL o BOOOHHWWL. linsyak na pronounciation. Inenjoy ko ang pag spoon-out ng sopas habang dapat ay tuwid na tuwid ang likuran. Bawal maingay sa paghigop at ang paghigop ay sa side ng kutsara at hindi sa tip. Punyemas, andami palang arte ang etiketa sa paghigop lamang ng lecheng sabaw. Chanchararan. Dahil ata sa nakakarobot na pagtikim ng soup ay naalala ko ang club ko. wow club?! party ba to? joke.

Nyahahah. Natawa ako kung bakit napili kong tanggihan ang ibang club at sumali sa club na kinabibilangan ko. Ekis para sa boy scout! ayoko ng inuutus-utusan lang ako ng leader. Ayoko din ng malasundalong way. Payatot at weakling na nga ako, papakapagod pa ako sa activity nila. No to art club. Goodbye sa pangarap kong matutong gumuhit at magkulay o lumikha ng kakaibang sining at kulay. Ang art club ay binansagan noon na club ng maluluho. Dito ay kailangan mong bumili ng sari-saring art materials like brush, acrylic at madami pa. Nais ko man mapasama dito ay di keri ng budget. Dito na nag-iistart ang promisary days ko sa pag-aaral(promisory na magbabayad ng tuition at the end of the month). kenatbi sa glee. Hindi ako magaling kumanta at minsan este madalas ay sintunado. Di ako papasa pag eto ang sinalihan ko. 

One little two, little three Macarena. Four little five little six macarena. Seven little eight little nine macarena. Heeeey Macarena! Pukpok na pukpok para sa napiling club. Ang dance club. No choice ako sapagkat ito ang napakadaling club. Walang exam na susubukan ang tindig. Walang sukatan sa yaman. Di kailangan maging tenor. Kailangan mo lang ay katawan na pedeng maki-indak sa saliw ng tugtugin. Tugs! tugs! tugs! tugs! Sige giling pa! eto ang club for me. Madaling makakuha ng mataas na score na di nangangailangan ng pagsipsip sa mga leader o kaya di kailangan ng magaling na boses at art skills. This is the place for me. Kahit matigas ang..... katawan at parehong kaliwa ang paa ay puwede na.

Napagod ang katawang lupa ko sa maliit na pigura na nagdadala ng aking soul. Tapos na ang araw ng biyernes at kailangan ng umuwi. Bago umuwi at sumakay ng school service na jampak ng mga bata-batuta from all levels ay tumawid ako ng kalsada upang bumili ng laruan sa tindahan na paborito ng mga kids. Bumili ng Magic bomb, plastic ballon, bubblegum at teks. 

pasakay na ako sa service ng biglang hinigop ako muli ng spiral na ewan. Blag! Nasan na ako? asan na ang mangkok at mga kwaderno? Shet na malagket! Back to 2XL nanaman ang tshirt ko. Yay! Nakabalik na ako sa taong 2010. Naganap ang kung anong time travel sa isang oras at mahigit na pagiging idle at walang makausap sa opisina. Grabe. kakaibang biyernes ito. :D

Paalam!



Kagigising ko pa lamang. Diretso sa harap ng pc at tumitingin sa new post ng ibang bloggers. Pagtingin ko sa dashboard, nagulat ako sa post ni Prosti. RIP onemanga na daw. Dali-dalian kong binasa ang post nia at nalaman na titigil na sa pagpapaskil ng scanned manga ang site dahil ang mga publisher daw nito ay di na daw sang-ayon. Bigla kong sinilip ang site nila at sumambulat nga ang inglis na anunsyo.



Nalungkot ako. Halos maluha sa aking kinalalagyan. Di ko alam ang gagawin ko. Para akong pinutulan ng tooot este ng kaligayahan sapagkat ang isa sa paborito kong website ay matatapos na. Ang onemanga.com ay ang website kung saan ko nabasa at natapos ang ilang anime katulad ng slamdunk, prince of tennis, rave, Full metal alchemist at school rumble. Eto din ang site kung saan inaabangan ko ang kasunod ng Hajime no ippo, One piece. Naruto, No Bra, Detective Conan, Fairy Tale, Bobobobobobobo, hitman reborn, Mahou sensei Negima at madami pa. Nakakapanghinayang na naging ganun nalang ang katapusan. Pero sana hindi tuluyang magpaalam ang mga manga sa internet.

Ngayon, tila kailangan na magpaalam na sa kinahiligang site. Kaya para sa bumubuo ng onemanga.com, Kudos! Sayonara! Arigato!

Thursday, July 22, 2010

ONE PIECE COLLECTION - PIRATE VS NAVY



Malapit na matapos ang buwan ng hulyo subalit ngayon pa lamang naglabas ng larawan ang Bandai-asia ng new set of One Piece collectibles. Ang aking pinakaaabangan na anime ay may new collectibles na. Ito ay base sa kwento kung saan napunta sa lugar kung saan papatayin si Ace. Heto na ang mga larawan.


Luffy:

Nami:

Sanji:

Chopper:

Iva-san:

Crocodile:

Garp:

Akainu:

Aokiji:

Kizaru:

Sana ay this august ay ilabas na ito dito sa pinas. :p

Wednesday, July 21, 2010

Trust Fall version 2.



Naikwento ko na nagkaroon kami ng team building last saturday. Isa sa activity nung araw na iyon ay ang Trust fall version 2. Hindi ito ung normal na trustfall na para kang magnenestea plunge at sasaluhin ka ng mga tao. This time, hihiga ka tapos bubuhatin ka ng mga pips hangang umabot ka sa dulo. Scary lalo na pag mabigat ka katulad ko kasi nakakadyahe sa mga magbubuhat sa iyo.

Lesson learned sa activity ay siyempre trust. Ito ang tiwala na kahit ang ibang tao na hindi mo kakilala ng lubusan o di mo gaanong close ay gagawa ng paraan upang hindi ka mahulog. Shempre nasiyahan ako na nabuhat ako ng madlang pips kahit na lagpas 210 lbs. ako.

second lesson na natutunan ko ay i can't be forever loner. Wow. english phrase. Hahaha. Korek! Kasi madalas akong mag-isa at mag-solo dahil sa hiya at hiya padin. Ewan ko, masyado lang akong mahiyain. During the activity, ang pagtutulungan namin upang mabuhat ang ibang pips across ay kailangan upang magawa ang task.

Last lesson na natutunan ko ay huwag maging pabigat. During the time na ako ang binubuhat at dinadala hangang sa end ng line, pinipilit ko na magpagaan kahit na alam ko na hebigat ako. Ang effort ay hindi lang dapat sa nagbubuhat kundi kailangan mo din na tulungan sila at wag maging extra burden at extra pahirap. Lahat lahat ay tulung-tulong.

ayan lang naman po ang aking masasabi. :D pero wird no? trust fall ang tawag pero walang nagpatihulog. :D
(ang larawan sa itaas ay hinarbat ko sa facebook ng may camera during team building, hindi ako yung binubuhat, isa ako sa nagbubuhat)

Tuesday, July 20, 2010

Imitation

Nakita ko lang tong video sa youtube habang nagsesearch ng mga love song(hindi po inlove si khanto, inspired lang). Sumambulat ang korean song na katulad ang beat at rythm sa Pangako ni Ogie Diaz este Ogie Alcasid.


Well, ganun talaga, pag okay, ginagaya. Di ko na sasawsawan o bubuyuin si Ogs sa move na dapat nyang gawin. Basta ako, parehong oks lang, basta may magandang tugtug na madidinig, oks na.

Hero! Hero! Hero!

Kagabi ay pinanood ko ang dvd na Kick Ass. Eto ay kwento tungkol sa isang teen na nangarap maging hero pero unfortunately ay wala talaga siyang powers.

Nag-google ako about sa isang site na pedeng gumawa ng costume ng isang hero. Swak na swak at nakahanap nga ako. Eto ang site na may mga options at kailangan mo pumili ng isosoot ng hero mo. Lintek Pahirap pala mamili ng costume na hindi magmumukang engot at palpak ang hero na gagawin. Andaming considerasyon at ek-ek pala.

Nuf said. Heto sa ibaba ang napagtripan kong gawin at isipin kung sakaling magiging hero ako. Pasensya na at kailangang terno ang kulay. Di ako masyadong dalubhasa sa pamimili ng color coding eh.









Ang pangalan ng mga heroes ay automatic na ginagawa ng hero maker.

Maaari din kayong gumawa ng sariling hero version sa link na.
http://cpbherofactory.com/