Friday, April 29, 2011

Kasal at Kanta Update

Lusaw pa din ang utak ko sa init ng panahon kaya walang namumuong kwento sa aking isip. Tambay lang sa twitter at nakikibasa sa twit ng iba. :p Ngayon, uupdate lang ako ng mga napupuna ko.

Kasal


Di matapos-tapos ang update sa buhay ng prinsipe at prinsesang naka-upo sa tasa. Ano ba, Ilang linggo na laging nasa news ang balita sa kaganapan ng pag-iisang dibdib (pagdidikitin ang boobey at chestsung ng dalawa; joke) nila Prince William at Kate (hindi Winslet ang apelyido). 

Ano ba. Nakakasawa na na kaliwat-kanan ay iyot-iyundin ang balita. The reception, the foods, the guests. Kulang na lang pati royal condom at royal undies ay i-feature sa tv. Pati siguro ang Royal Sex position baka ibalita sa TV. Maygawd! Blow by blow detail din ba pag nag-boomboompow ang royal couple? Insane!!!!

Kanta


Mamaya, huhusgahan na ng madlang kanuto at kanuta ang mga talentadong kano. Mamaya na ang elimination ng American Idol Season 10. From top 6, magiging top 5 na lang.

Sa anim na kumanta kagabi ng mga songs ni Carole King, tatlo ang manganganib subalit isa ang tyak na matsutsugi. Sa aking guess, naks, guess talaga ang term; baka si Diva Jacob , Husky Haley at Beardy Casey ang nasa bottom. Di ko lang sure kung magkakatotoo ang hula ko. 

Hanggang dito na lang muna. Hahahaha. Sweldo day kahapon tapos last day of work today kaya pedeng maglakwatsa at gumala. Baka manood ako ng movie na Thor with officemates.

TGIF sa inyong lahat! Enjoy the day! Weee :D

20 comments:

  1. base! uu nga puro na lan kasal nila, e kung hindi mo nga alam na prinsepe ung lalaki, akala mo tambay lan sa kanya ng US, hahaha

    ReplyDelete
  2. ahehehe.. uu nga halos lahat na lang eh may update sa kasal ni kate at william.. nagsend sakin ng invitation pero tinangihan ko.. nakanams!

    ReplyDelete
  3. Tara na sa Royal Wedding. :D



    Empi

    ReplyDelete
  4. Wala yata akong paki sa mundo.. wala kase ako paki sa royal wedding... at kahit sa american idol... di naman ako ganun ka-loner... ang alam ko lang na royal wedding eh eto.. --- ITTOO ---- kunyari nakakatawa

    ReplyDelete
  5. Tama..kulang na lang pati royal chukchakan ibalita..kaloka sila.

    Feritel daw kasi=)

    ReplyDelete
  6. kaya ako umuwi ng maaga now just to watch that wedding.. hehe!

    ReplyDelete
  7. natawa ako doon sa boomboompow.kasi dalawang beses ko na siya nabasa today lang sa ibang blogs.Anong sallita ba yan at ngayon ko lang naririnig.
    ibang klase.

    ReplyDelete
  8. Nakakairita na nga yung Royal Wedding na yan. Pati rehearsals ng kabayo binabalita? Ang halaga ha?!!!

    Yun din feel ko na bottom 3. Siguro na kay Haley at Jacob ang maaalis. Sana si Jacob na lang, kalalaking tao, tili ng tili. Hahahaha.

    ReplyDelete
  9. hehe hindi ako affected sa kasal niya, pakialam ko..hahaha

    ReplyDelete
  10. natulog ako buong araw kasi may shift kinagabihan..in short kebs lang..hehe sana namigay nalang sila ng pera para masaya..:D

    ReplyDelete
  11. tulog maghapon kaya di nakanood ng royal wedding hehehehe

    ReplyDelete
  12. wag nmn sana si Haley at Casey...crossed fingers hehehe...

    ReplyDelete
  13. Nakakalusaw talaga ng init at taba ang panahon ngayon, nakakahilo sa daan! Oo nga, puro royal ang mga balita ngayon, yun daw ang uso eh! Hehehe! Pero sa totoo lang, maganda rin lumabas ang wedding, ang sagwa naman kung pati honeymoon kasama sa coverage, hehehe! =)

    ReplyDelete
  14. @chroky, ahahah, tambay lang ng US si prince

    @Whatta queso, sana ako nalang ininvite

    @empi, tinamad ka maglog-in. wahehehe. tara!

    ReplyDelete
  15. @axl, di ako nanood nun :D

    @kamilla, lol sa pic:p

    @joyfull, hehehe, royal honeymoon featured

    ReplyDelete
  16. @mommy-razz, kamusta ang show?

    @diamond, boomboompow is $3* :p

    @yow, ahahah, si jacob ay diva!!! :p

    ReplyDelete
  17. @akoni, true!!!

    @tabian, sana nga namigay ng caching caching!

    @bino, nagtwitter ka lang ata sir :D

    ReplyDelete
  18. @jag, si casey natanggal

    @isp, who knows, may paparazzi sa honeymoon

    ReplyDelete
  19. Matanggal na sana si Jacob pleassssssseeeeeeeee!!!

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???