Sa loob ng bahay ay kasama ko ang aking mahal habang ako ay nag-aayos ng mga gamit para sa isang gawain na kailangang gawin. Inaayos ko na ang mga bagay na importante kasabay na dinng pag-uusap namin ng aking sinisinta.
Debbie: Sigurado ka na ba sa iyong pasya? Delikado yung pupuntahan mo at maari mo iyong ikamatay!
Ako: Oo, desidido na ako. Saka trabaho ko ito Debs at kailangan kong gawin ang nararapat.
Debbie: Pero ikinatatakot ko ay baka hindi ka na makabalik. Takot akong maiwang nag-iisa. Ayokong isipin na baka masaktan ako dahil di na kita makikita.
Ako: May tiwala ka ba sa akin? Mahusay ako! Tiyak naman na makakabalik ako ng buo, himihinga at umiibig para sa iyo.
Debbie: Sinasabi mo lang yan. Pero alalahanin mo ang realidad! May posibilidad na doon ka malagutan ng hininga!
Ako: Hindi mangyayari yan. Teka, gusto mo ba talaga akong mamatay? Yung totoo?!
Debbie: Natural hindi! Dahil gusto kong tuparin mo ang pangako mo.
Ako: Tama! Matutupad ang pangako ko sa iyo. Matapos ang trabahong ito, titigil na ako. Sapat na ang kikitain ko para makapagsimula ulit. Aalis tayo at tayo ay magbyabyahe sa malayo.
Debbie: Sa malayo... tama... Mas maigi kung lilipad tayo sa ibang bansa! Naku, gusto kong makapamasyal at malibot ang ibang tanawin.
Ako: Dadalin kita sa mga karatig bansa katulad ng Singapore, Thailand, Malaysia, HongKong at Macau! Kung nais mo, subukan din natin ang Korea at Japan!
Debbie: Pangako mo yan ha?! Nais kong mapuntahan yung tinatawag na Merlion ng Singapore. Gusto kong mamili dun sa Floating Market ng Thailand o kaya naman ay magliwaliw sa Malaysia. At syempre, dapat mapuntahan din yung sikat na Disneyland ng HongKong!
Ako: Oo, pinapangako ko na mararating natin iyon. Katulad ng mga natupad kong pangako sa iyo na mararanasan mo ang lamig ng Baguio at ng Ifugao. O kaya ang malinaw na tubig ng Boracay at Coron, palawan.
Debbie: Sabagay. Natupad mo yung aking hiling na makapunta sa Hundred Islands. Gayun din ang sinabi mo na makakakita ako ng Tarsier sa Bohol.
Ako: Naman! Ako pa?! Diba nasiyahan ka ng maranasan mo ang mga pagdiriwang dito sa pilipinas katulad ng Dinagyang, Maskara, Higantes at Ati-Atihan.
Natapos ko na ang mga bagay na aking inaayos ng matapos na ang usapan naming dalawa. Alam kong isa nanamang mahabang linggo ang magaganap para sa akin bago ko tuluyang iwan ang aking trabaho. Ang trabahong tagatapos.
Tagatapos, tagaligpit o tagapaslang. Yan ang aking trabaho. Sa malaki-laking kaperahan na aking natatanggap, ang kapalit nito ay ang posibilidad na ako ay mahuli o kaya naman ay mapatay.
Buwis buhay ang bawat byahe ko sa iba-ibang lalawigan upang kumitil ng buhay ng mga sagabal sa plano ng aking amo.
Pero, huling trabaho ko na ito. Makuha ko lang ang buhay nitong kakandidatong senador ay makakapagsimula na ako ng buhay kasama si Debbie.
Ang aking target ay lilipad papuntang Visayas at tila makikipag-pulong sa mga kaalyansa upang mapalakas ang kanyang pagtakbo sa darating na halalan. Meron akong isang linggo upang tapusin ang aking misyon.
Nakakuha na ako ng impormasyon tungkol sa silid ng senador. Handa na rin ang mga bagay na gagamit ko. Mag-aabang na lang ako ng tyempo.
Hinayaan ko munang makapag-relax at makapag-enjoy ang senador. Pakunswelo ko na sa kanya yun. Di pa naman demonyo para ipagkait ang kasiyahan niya.
Wow, mukang nasarapan ang senador sa kanyang bakasyon dito sa may Visayas. Hindi niya lang siya maghapon nagbabad sa dagat, aba, may mga binabanatang dalaga pa.
Ngayong gabi, magpapaalam na ang senador. Eto na ang kanyang huling hapunan. Nakahanda na ako mula sa itaas ng gusali habang tanaw ko sa ibaba ang upuan ng senador kasama ng mga kumpare at kapartido niya.
Bago pa ako makahanda sa pag-asinta sa ulo ng senador ay sabay naman ang pagtunog ng aking telepono.
Debbie: Mahal! Kamusta ka? Nag-aalala ako sa iyo eh.
Ako: (pabulong) Ano ka ba Debs! Diba sabi ko sa iyo, huwag mo akong tawagan kapag nasa trabaho ako! Baka ito pa ikapahamak ko. Mahal kita! Sandali na lang to. Pagbalik ko, aalis na tayo at magpapakalayo-layo.
Bago pa maibaba ni Debbie ang telepono ay nakarinig ako ng kaguluhan sa baba. Nagulat ako at di makapaniwala sa aking nakikita. May mga nakahandusay na katawan ng mga lalaki. Ang mga tao ay nagtatakbuhan.
Lintek! Hindi lang ata ako ang tagaligpit dito. Mukang may ibang grupo ang may target din sa ibang miyembro ng alyansa.
Sumilip ako at tinignan kung kasama sa mga nakabulagtang mga lalaki ang senador. Nalintikan na! Kasamang naitumba ang senador!
Pero kung natapos na ang buhay ng senador at wala namang kakayahan ang amo kong malaman kung ako nga ang tumapos o hindi, aba, pabor pa sa akin ito. Di man lang ako nagpakapagod!
Niligpit ko na ang gamit ko at itinago para walang ebidensya lalo na kung magkakaroon ng imbestigasyon dito sa tinutuluyan ko.
Handa na akong bumalik at isama si Debbie upang magpakalayo at lumipad papuntang ibang bansa.
Bumalik ako sa bahay subalit walang tao. Kinutuban ako at pinagpawisan. Nanginginig kong kinuha ang telepono at pilit tinawagan si Debbie subalit walang sumasagot.
Matapos ang ilang saglit ay tumunog ang telepono.
Amo: Kamusta ka Tom?
Ako: Amo, napatawag ka? Teka, wag mong sabihin na hawak mo si Debbie?!
Amo: Tom...Tom...Tom... nabaril ka ba?
Ako: huh? Baket?
Amo: Kasi may tama ka!
Ako: Hayop ka ba?!
Amo: Baket?
Ako: Wala lang. Pero amo, anong nagawa ko at dinakip mo si Debbie, my labs, so sweet ko!
Amo: Ang baduy! Kung gusto mo syang makita at makasama, magkita tayo sa bakanteng lote mamayang hatinggabi! Call you maybe!
Alam ko ang kapasidad ng utak ng amo ko. Alam ko na kapag may sinasabi siyang lugar, hindi yun totoo at isa lang patibong. Kabisado ko ang mga kuta ni amo kaya may hinala ako kung saan niya itatago ang aking mahal.
Naghanda ako ng maraming bala at baril at nagpunta sa isang luma at abandonadong bodega. Alam ko na isa ito sa pagmamay-ari ni bossing.
Ang swerte ay nasaakin dahil tatlo lamang ang bantay ng aking mahal at mabilis ko silang nadispatsa. Kinuha ko ang aking telepono at tinawagan ang amo ko upang inisin siya bago kami tuluyang umalis ni Debbie at mabuhay sa ibang bansa.
Amo: Asan na you?
Ako: Hello, is it me you're looking for?! Secret!
Amo: Mukang ayaw mong makita ang labs mo at iiwan mo sya!
Ako: Ulol! gago! bobo! hindi ako tanga! Alam kong it's japeyk yang sino mang hinayupak na kunwari ay dinakip mo! Nasaakin na si Debbie may labs so sweet! Tinapos ko na ang mga tauhan mo dito!
Amo: Lintek! Antayin mo ako! Magtutuos tayo!
Ako: Neknek mo! Asa ka pa! aalis na kami ni Debbie at kami ay di mo na makikita. Ay, makikita mo din pala updates ng byahe namin via Facebook! Pero syempre, nakaalis na kami sa bansang napasyalan namin kung naipost na yung pics!
amo: i-fofollow kita! Tandaan mo yan! Bawat check-in nio ay mamarkahan ko! hahanapin kita kahit saang lupalop pa ng daigdig!
Ako: Yeah, right! Whatever! See yah later alligeyter!
Bang!
Naramdaman ko na lang na may tumalsik na dugo sa aking kamay. Naramdaman ko din ang sakit ng bala na tumama sa aking balikat upang mabitawan ang tangan kong baril.
Tinignan ko kung nakatayo pa ang tatlong tauhan ni amo subalit ang mga ito ay bagsak padin.
Bang! Bang! Bang!
Naramdaman ko ang tama ng baril sa kabilang balikat ko pati na sa parehong binti. Napatingin ko sa pinaggalingan ng putok at ako ay nabigla sa nakita.
Ako: Debbie! Bakit? Tell me why!
Debbie: Wala lungs! naisip ko lang na nakakasawa. I want change! So, magbyabyahe kang mag-isa! Magbyahe ka sa kabilang buhay!
Bang!
Wakas!
-=-=-=-=-=-=-
Entry ko sana ito sa Saranggola pero half-way through kasi parang wala syang factor para sa akin. Hahahah. Walang ummmph... Ano sa tingin nio folks?
O cia, hanggang dito na lang muna. TC!