Saturday, September 1, 2012

Online Teens


Ang kabataan nga naman ngayon... iba na! Noon, ang ligawan at pagpaparamdam ng anik-anik o saloobin ay dinadaan sa nakaw-tingin, pasulyap-sulyap, via secret admirer at mga pasulat-sulat. Pero ngayon, iba na..... Pede ka na magpapampam at magpasiklab and show the love via inernet (oo, inernet, silent kasi yung unang t. lols).


Tulad na lang ng eksenang eto....may isang teeny na gumawa ng video with matching sing and dance para sa kanyang natitipuan. Ayun, mega-post at binandera sa youtube.... naging viral.

And so after naging famous ang song na anna banana na gawa ni Derek, poof.... may sagot na ang dalaginding na type nia. Panoorin ang video sa baba.


Para sa kumpletong video ni Anna 'Maldita' banana, eto ang video sa baba.


Nako, wrong choice kasi ang teenilet na si Derek.... Di naging mahusay sa pagpili ng kras! Dapat kasi dinudurog na lang yang si Maldita Banana. 

Pero kung ako kay Derek, dapat mamili na lang sya ng iba. Malay mo, makilala nia si Dolly Dalandan, Pookie Pakwan, Pepita Papaya at iba pa. andami kayang prutas na pede niyang mapitas!

Or, pede din niyang ligawan ang aking pamangkin... Itago na lang sa alyas na Melissa Melon. Sweet sya, sweet at higit sa lahat sweet! hahahaha. 

Pero kung may mga wanna be girls na gustong maging anna ni Derek, pede naman sila pumunta sa link na 
www.dereksnewanna.com at magsubmit ng video entry at ieksplika in one word (joke lang, 2 sentence.... joke ulit) kung bakit sila ang dapat piliin. Pwede pa silang manalo ng Samsung Ultrabook at makasama sa patalastas ng PLDT MyDSL.

At dahil sa gantong pagkakataon... makagawa nga ng video para mag-express ng feelings.... Joke lang. jhahahah

O cya, hanggang dito na lang. Take Care

9 comments:

  1. Halos pareho kayo ng post ni domesticated daddy ah. iisa lang ba kayo? hehe. medyo asar yung babae, hindi nakakatuwa. hehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. iba po si daddy kuri, heheheh. kasi may contest for ticket ng resident evil, kelangan iblog mo yang si anna banana

      Delete
  2. Same question sana ko e nasagot mo na, hehe..

    Attitude problem naman si Anna Banana! Bet ko sana mag-apply kay Derek kaso ang lakas maka-child abuse nun, haha..

    ReplyDelete
  3. kung sakiling manalo tayo pareho dyna bka mg kita tau haha

    ReplyDelete
  4. wag na nating awayin si Anna. Baka sa mga susunod na panahon eh mag cover ng FHM yun~

    ReplyDelete
  5. haha tawa ako ng tawa kay Pookie Pakwan! Pero like ko ang attitude ni Anna, bruhilda sa murang idad :)

    ReplyDelete
  6. mga filipino ba toh..sosyal. la lang..sang school kaya sila nag-aaral.. hehe. anyway.. ang cute nga ni derek ah.. pero I was wondering paano ginaw yung commercial.. hmmmm.. ano ba lahat toh? scripted? kase kung scripted..kawawa naman si anna banana..haha

    ReplyDelete
  7. ang kulit naman ng name ng mga pwede iaplit kay anna banana hehe di ko alam kung masyado ba talagang corrupted ang utak ko kaya double meaning yung dating sa akin ng mga names. haha

    ReplyDelete
  8. high tech na ang ligawan sessions ngayon. pati mga bata lumalandi na rin hahaha

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???