Natapos na ang aking 2 days na restday at balik na ako sa aking work, this time it will be 6 days dahil napa-early rd ako nung pumayag akong makipag-swap ng araw ng pahinga. Anyway, since di pa ito ang takdang panahon upang magkwento ng pangyayari kahapon/kaninang madaling araw, iba muna ang topic ko. For today, it's about the amusement center sa mga mall.
Bawat mall, merong amusement center para malibang ang mga tao at madalas dito ay mga bata at teens pero makakakita ka din ng mga magjowables, mga groupo at mga oldies na nais lang mag-chillax at magpahinga. Sikat ang mga pangalang Tom's World, Timezone at Powerstation sa larangan ng pagpapaligaya sa mga gamers at heart at mga nais malibang.
For today, nais ko lamang mag-share ng mga things na makikita sa Amusement centers.
1. Arcades- Malaking check mark ito sa amusement center. Ito ang madalas na pinupuntahan ng mga adiktus sa paglalaro at paggamit ng mga video characters. Madalas na makikita ang mga larong Tekken, Marvel vs. Capcom at X-men vs. Street Fighter. Dito mo makikita ang mga sumisipa at nagtatamblingang character with matching weapons at mga kakaibang powers. Andyan ang peborit ng mga kumokombo na si Wolverine na mahilig mag tornado claw at berserker barage. Andyan din ang Marvel hero na si Iron man na sumisigaw ng 'Do you like a p*kp*k'- kapag nagproproton canon(mapapakinggan kapag mainggay ang kapaligiran). Kung ayaw mo ng medyo bakbakan at sagupaang arcade, andyan naman ang Metal Slug, NBA at iba pang medyo pambata.
2. Dance Revo- Di ko na matandaan kung kelan sumikat ang dance revolution dito sa pinas. Pero ang alam ko lang, after na mauso ito ay kasama na sa mga arcades ang game ng pagsasayaw. Eto ang madalas na ginagamit pampapawis ng mga taong nais magpapayat (except ako). Dito mo makikita ang mga taong kayang magkapilipilipit ang mga paa sa pagtatatalon at pagpadyak dun sa mga sahig na may arrows. Ito ay sa mga magagaling ang reflexes. Another alternative dito ay ang Para-Paradance na instead na magngingingisay ka sa pag-stepno-stepyes sa mga arrows ay gagamitin mo ang mga kamay mo sa sensors ng game. :D
3. Guns and Amo games- Bang! Bang! plok! plok! kaboom. Heto naman ang mga games para sa mahilig humawak ng baril. Kung feel mo ang mag-paputok at maputukan, heto ang sayo. Ang game kung saan may baril ka at itututok ito sa tapat ng monitor/screen at kailangang mapatay at mabaril mo ang mga kaaway. Famous ang game na Time Crisis sa game ng pag-asinta at pagsapul. Other shooting games ay may kinalaman naman sa mga zombies na kailangan mong barilin. Sa tingin ko ay pedeng gamitin ang games na ito ng mga pulis for simulations :p
4. UFO Catchers- Korekorekorekok! Hindi porke't UFO catcher ang name ay UFO talaga ang kinukuha mo. Ito ay ang game kung saan kailangan mo ng precision at accuracy with a touch of luck para masungkit at mahuli mo ang prize na kadalasan ay istaptoy. Eto yung game na minsan may dalawang panipit lamang at mayroon ding tatlo. Eto ang kadalasang nilalaro ng mga labers in paris na gustong bigyan ng toy ang girl. Good luck dito dahil may mga machines na very unstable at magalaw/mauga. Other prizes na pedeng makita sa mga UFO catchers ay kendi katulad ng mga mentos at may times na relo din(kung sosi ang amusement center).
5. Videoke- Sing it baby sing it!Sa mga mahihilig humawak ng mikropono, dis is por you. Since madalas ng mga pinoy ay mahilig magkakakanta't bumirit hanggang mapatid ang litid, di mawawala ang videoke. May instances na merong stage pa for videoke-freaks kung saan syempre, nasa stage ang singer at mega emote habang kumakanta ng walang kamatayang egis songs at mga kanta ng banda. Syempre, nag-evolve na din ang videoke kasi may times na may special room na para sa mga groups or para sa nasha-shy na marinig ng iba ang kanilang voices.
marami pa sanang iba kaso nga lang gahul na sa time dahil mukang nagigising na ang mga kanuto at unti-unti na silang tumatawag :p
TC!
naq pag sa guns and amo games, yan ang makikita mo saking nilalaro ko, pate na rin yung crane and the most addictive of all... table hockey, ehehe
ReplyDelete:D
ako eh tagapanood lang..wa hehehe
ReplyDeletePag pumupunta ako sa arcade-dan ang favorite ko talaga eh yung mga racing games, katulad ng Daytona.
ReplyDeletePero narealise ko lang lately, nakakahiya man sabihin, na sa timezone ang paborito kong entertainment ay yung Videoke nila. :) hihihi
Lalo na kung may kasama kang date. Naku, pag kinantahan mo sa vidjoke siguradong points yon.
ANg next ko na gusto ay yaong mga baril barilan na games. Time Crisis panalo. :)
Ang sunod kong gusto ay yung Basketbol.
Marmai na akong nagastos na pera sa mga arcade, pero hindi ako nanghihinayang. Masaya kasi talaga, at eto talaga ang gusto ko mangyari - sumaya, kahit panandalian lang.
ang pinaka badtrip na booth dyan e yung UFO... tae.. ang hirap kumuha ng stuff toys kunwari kuha na tapos biglang malalaglag! BADTRIP! hehehe..
ReplyDeletefavorite ko dyan dance rev.. hihi
COOL! pro yung UFO catcher, mas ok pa kung minsan na bumili ka na lng ng stuffed toy, pero syempre mas thrilling kung makuha mo yung toy.
ReplyDeletenung nasa eastwood pa tayo, kahit lunch break dumadaan ako sa citywalk to play the dance revo! haha
ReplyDelete~ pang contest lang yung entry ko so dont bother reading that. hehhe
adik ako sa UFO catchers... nice meeting you BRo!
ReplyDeletemay daya yung UFO Catcher nakakaasar!!! maluwag yung turnilyo!
ReplyDelete(mga bitterness expression ng di makakuha ng stuff toy-- he he,parang yung pamangkin ko.. ha ha)
@TR.aurelius, naglalaro din ako ng air hockey kung hindi ako solo sa mall.
ReplyDelete@kikomaxx, bakit? di mo trinitry maglaro?
@rah, hehehe. points ba pag dinala mo date mo sa videoke booth?
@poldo, tama, kainis pag malalaglag pa yung toy
ReplyDelete@kris jasper, yep, mas okay pa bilhin nalang yung stuff toy
@chyng, naks, dance revo girl pala kaw.
@MD, nice meeting you as well. pati na ang ibang bloggers. :D
ReplyDelete@yodz, uu nga, yan din sinasabi ko pag anhirap makakuha ng toy
Fave ko yung Dance Maniax.. yung kamay and balakang ang gagamitin.. nyahahaha.. simula 9AM until 9PM asa SM ako.. buong baon ko dun napupunta.. hihihi..
ReplyDelete