Alam kong hindi hiatus ang ginagawa ko kasi kahit paano ay nakakapag-update pa ako ng aking blog. Siguro tatawagin ko na lamang na semi-hiatus ang pag-iinarteng nangyayari sa akin.
Sagwan ako ng sagwan at nagpapakapagod ako upang may marating pero di ko alam kung sadyang malakas lang ang alon na hindi ko kayang labanan o kaya naman ay baka isang side lang ang pagsagwan ko kaya ako ay di nakakaalis sa aking kinalalagyan. Wala rin atang hangin na kayang tangayin ang munting layag sa aking bangka. Tila ba may pabigat na nakatali sa bangkang sinasakyan kaya dehins ako umuusad. May mga butas din ata ang aking sinasakyan kaya tila nagpapasukan na ang tubig. Kung mapupuno ng tubig ang bangka, tatalon ba ako o hahayaan ko nalang na malunod kasabay ng sasakyan?
Sa lunes, iba na ang schedule ko. Magiging night shift na ulit ako at malamang sa alamang ay mawawalan na ako ng time para magbahagi ng mga wentong walang wenta pero pilit iwinewento para magmukhang may wenta. Hihingi na ako ng pasensya kung magiging madalang ang mga post ko for the next 2 months dahil may magiging kaagaw ako sa internet sa bahay. Pero magkaka-time akong sumilip at mag-comment sa mga kwento at adventures nio.
Hanggang dito na lamang muna. TC!
nakakatamad naman mag-backread. joke :) ngayon lang ulit nakadalaw.
ReplyDeletegoodluck sa bagong sched. hindi kaya kelangan mo na lumipat ng ibang bangka? ~_^
baka naman you need a break muna, tulad ko? baka sakaling pagbalik mo ok na ulit. goodluck sabagong shift. at hihintayin namin ang pagbabalik mo. :)
ReplyDeletehanap ka muna din ng bagong bangka para mas maengganyo kang sumagwan.. piliin mo ung bangkang kakaiba para at the same time pag-aaralan mo rin kung pano mo siya maisasagwan ng ayos at swak sa powers mo ;))
ReplyDeleteang icecream ko! wahahahahaha
di naman ikaw minamadali na kwento lagi eh, ako rin medyo magiging madalng ang posts ko dahel sa school, just take your time.... di naman mawawala yan
ReplyDelete:D
sige lang..aabangan rin namin mga kwento sa semi hiatus mo...asikasuhin mo muna ang mga dapat asikasuhin sa buhaY buhay ^^ God bless u
ReplyDeleteNakow. Napasemi-hiatus ka na talaga. Tekker na lang during that personal time at sana makawala ka na sa kung ano mang depression chever na yan. =)
ReplyDelete@sikolet, pinag-iisipan ko yan. :D
ReplyDelete@Batanggala, sabagay, nag-comeback ka nga at gaganda ng fiction mo eh. :D
@yanah, sige, yung ice cream pag nag meet na teo. :D
@TR, tama, hinay hinay lang muna me.
ReplyDelete@sendo, thanks thanks. :D
@robbie, magaling ka na ba? thanks sa advice. sana nga makawala na sa depression chever :D
sir- wala ka naman ginagawang kasalanan kaya wag kang magsorry. hehe. the truth nga eh gumagawa k p ng pabor para sa mambaabasa mo. pinapasaya o sila. hehe
ReplyDelete