Restday..... Oras ng pahinga. Oras para umiwas sa mga kanuto at kanutang tumatawag at humihingi ng saklolo para sa kanilang pc na nangangailangan ng pangontra-virus. Medyo tipid mode ang drama ko kaya di na ako nagtangkang maglililipad sa mga malls sa ortigas kaya nakuntento na lamang ako sa pinakamalapit na pasyalan upang doon mag-unwind.
Since binigyan ko ang sarili ko ng time na makapagpahinga, nagdecide ako na manood ng isa pang entry sa MMFF. So sa mall na aking napili, may 4 options, enteng kabisote, shake rattle, tanging ina at dalaw. After ng mini-mini-maynimo, napili ko ang 3rd installment ng movie ni ai-ai na Tanging Ina mo, Last na to.
Skip.... Di ko na idedetalye ang ginawa ko bago ako manood at ang obserbasyon ko sa sinehan. Now for the movie.
After stepping down ni Ina sa pwesto bilang president of the pinas ay nagpatuloy padin ang fame nia. Laging invited sa mga ribbon cutting including chipipay openings ng mga stores. One day, naimbitahan siya sa kasal ng friend nia na si Cherry Pie (pangalan ng artista; yung kasama sa part2). Amportunatelyay nalaglag sa hagdanan ng simbahan ang bida at sa ospital ay lumabas sa scan na may something sa kanyang head na possibleng tumor or something like that. Panic mode ang nangyari. So sa sumunod na kwento, ang kailangang harapin ng bida ay kung pano niya sasabihin sa family nia ang kalagayan niya. Aside from that, may mga other wento pa tungkol sa mga kinahinatnan ng mga anak niya kaya doon umiikot ang wento.
end ng summary.
Ano naman ang rating ko? Hmmmm.... Para sa akin, after watching the 3rd movie at after thinking ng mga naunang movies, ang mabibigay ko ay 7.5 lamang. Iba kasi yung magic nung first movie. Almost all part ay funny. Dito sa third movie kasi parang so-so lang ang masasabi ko.
Himayin ko ang good part:
1. Okay sa akin yung naging lovestory ng bestfriend ni Ina na si Uge (eugene domingo). Nakakatawa ang kakirihan ni Uge kay Jon Avila.
2. May lessons about family. It shows na kahit minsan may iringan at pagtatalo within family, pero kapag may umaapi na sa family members mo, makikipagbakbakan ka para ipagtanggol sila.
3. Good part yung scene kung saan nakikita ni Ina ang mga mukha ng past husbands nia (2nd, 3rd at 4th). [di ko na idedetalye para di ma-spoil ng tuluyan].
4. Ang cute ng part ni Momay. Nakakaaliw siya dito.
5. Nakaka-touch yung last part na halos kumpleto ang cast/ anak nia (Kulang nga lang at wala si Por [Heart]).
Some bummer part:
1. Eksena sa shop ng wedding gown kung saan ayaw makarinig ng bad thing about the color black yung negrong designer/bakla. Medyo over the top kasi.
2. Parang walang role masyado yung bunsong anak ni Ina (the kambal; 11th and 12th)
Overall naman, after ng movie, masasabi ko naman na pasok naman at not a waste of money kung panonoorin sa movie house.
At nanalo si Ai Ai ng Best Actress so malamang binigay na naman nya ang best nya dito
ReplyDeletemaganda nga raw sabe nila, kaso, la akong cash pa para manuod ehehehe
ReplyDelete:D
Ito sana papanoorin namin last Xmas, kaya lang sabi ng brother ko so-so nga lang daw, kaya yung "Dalaw" ni Kris Aquino na lang - kaya lang boring yung story tsaka trying hard yung horror scenes.
ReplyDeleteSana yan na lang pinanood namin.
Sorry na lang talaga, pero hindi ko type ang tanging ina ni Ai-Ai.. Hanggang ngayon nga, tinatanong ko ang kisame namin kung bakit siya ang nanalong best actress, e comedy ang movie niya? Iyon lang.. :D
ReplyDeletehindi ko pa napanood ito. hindi ako makarelate. :( pero maraming nagsabing hindi daw maganda masyado.
ReplyDeletepinipilahan ito sa isang SM Mall at doon lang ako nakakita ng sinehan na may SRO (Standing Room Only)..hehe..
ReplyDeleteAgree ako sa lahat ng good parts mo te/Ya! :) ang cute pala ng BG mo!
ReplyDelete