Thursday, January 13, 2011

NomNom Muna

Sa mga nagdaang mga days, tila wala ako sa wisho. Wala akong energy para magpopost ng mga wento ng buhay ko kasi ayoko namang maging nuknukan ng kadramahan at mataboy ang visitors dahil sa kanegahan sa buhay.

Sa bitterness na nadama sa mga nagdaang araw, isang solusyon lang ang nasa isip ko. Eto ay ang tumalon sa building at magparachute.. syempre joke yan. Walang tubig na malalanguyan kaya ang next stress reliever ko ay uminom. Wapak. Sad to say... medyo ginagawa kong panangga sa bitterness ang kapaitan ng nomnom at alaks.

Since i am down at medyo depress-depressan ang emote sa buhay, last sunday, right after shift at para ma-enjoy ang split RD dahil sa transition ng work schedule; bumili ako ng dalawang boteng alak. So mga pips, i present to you, choco at cappu.


Arte lang no? Syempre, ayoko naman na ang pulang kabayo o kaya ang pale pilsen ang kadamay ko sa pag-eemo kaya gusto ko kumokonyo naman ng konti para kung madyaryo man, atlist ibang brand ang lalabas. 'Bata, nagpakalasing sa mudshake vodka, naihi sa kama'. Mga ganun.(syempre walang suicide attempt). 


Unahin natin ang pagdescribe kay choco o ang chocolate flavored vodka mudshake. Para ka lamang uminom ng chocolait o yung Chucky na chocolate drink. Ang difference lang ay after mong lagukin ang manamisnamis na choco na gatas ay may lasa ng alak. Yun lang. Walang masyadong amats na ibibigay kung isang bote lang ang iinumin mo.


Next naman ay si Capuccino. Wow, parang umoorder lang sa isang coffee shop o kaya sa coffee vendo. Di ko masyadong trip ang lasa nia kasi mas matapang ang kape factor (natural kasi capuccino. wenks). Ang okay sa kanya ay di rin ganong matapang ang alcohol effect kaya tolerable ang hindi wiwindangin ang iyong ulirat.

Out of stock si Cara o ang Caramel flavor kaya sa dalawang bote lang ako kumuha ng pamatay uhaw at pamatay emo/bitterness na dumadaloy sa katawan ko noong araw ng linggo. Sa help ni choco at cappu, naging okay din ako at nawala kahit pano ang negativity sa akin.


TC!!

17 comments:

  1. wow ang sasarap ng nomnom mo khanto, dpa ako nakakatikim nyan.. magkano ang bottle?

    ReplyDelete
  2. Hmmm... Masarap bah? Di pako nakakatikim niyan.. At andami palang pagpipilian.. Si CHoco, Cappuccino at si Cara. Hehe.. NICE!

    My Tasty Treasures
    Everyday Letters

    ReplyDelete
  3. hindi ko pa natitikman yan, parang pang mayaman lang. LOL

    ReplyDelete
  4. Wowowow ma-try nga yan!

    Alam mo, I believe na kapag down ang start ng taon ay babawi yan midway through tapos the best ang ending. :D Ganyan kasi 2010 ko eh. So cheers na lang na upward ang 2011 mo! :D

    ReplyDelete
  5. Kapag down ako, kumakain lang ako. Wala lang,, iyon lang ang masasabi ko.. :D:D:D:D:D

    ReplyDelete
  6. uu nga parekoy masarap yan...ahehehe... pero try mo din ang mga flavours ng Cruiser Vodka...sarap din yun...mdali lang nmn mahanap yun s wine shop katabi nyan kung nasaan ang mudshake mu.....sa mercury drug meron din ata...ahehehe... :)

    ReplyDelete
  7. maitry nga rin kung minsan......pang mayamang inumin yan...so kung gust mo talagang malasing kailangan mo muna mag wastre around 1k...ahahahaa..

    fave ko yung strawberry....maganda kasi dahil after mong inumi, nagiging puta red ang lips..aahaha

    ReplyDelete
  8. cg lang iinom mo lang. hahaha. pero nakakalasing ba talga yan? parang hindi naman eh

    ReplyDelete
  9. parang masarap yan aahhh.. PAINOM ka naman.. hehe

    ReplyDelete
  10. natry ko na yan..saka yung red. hmmn..nakalimutan ko flavor.haha..masarap at hindi nakakalasing.

    ps:ang galing mong endorser.haha

    ReplyDelete
  11. para nga lang talagang nasa coffee shop ha..oy kung ano man yang pinagdadaanan mo..sana eh magiging ok ka na rin...kasi nagbabalik na rin ako oh ayan oh hahaha..lol...wag magpadyaryo ha haha

    ReplyDelete
  12. magkano isang bote niyan? mukhang kailang maraming malaklak bago malasing pero mas madali namang inumin. baka naman kailangang nakapilantik ang daliri habang iniinom kunyari sushal.

    ReplyDelete
  13. @whattaqueso, ang sagot, 88 sa mini stop sa rbc plaza.

    @leah, masarap yung choco, parang chuck-chuck-chuckie

    @jepoy, di naman branded as pang mayaman.

    ReplyDelete
  14. @robbie, sana magkatotoo ang sinabi mo :D

    @michael, iwas sa fod ako. diet. :p

    @supergulaman, blueberry at raspberry palang natitikman ko sa cruiser vodka

    ReplyDelete
  15. @maldito, triny ko lang para di alam ko din lasa. tama ka, nakakabutas bulsa

    @kikilabotz, di gaanong nakakalasing

    @MD, heheh.. magastos kung yan ipapainum ko. :p

    ReplyDelete
  16. @krn, endorser ba ang dating ng post ko? wahahah

    @sendo, yep, magiging okay lang din ang lahat

    @sean, 88 po ang bote. Nyahaha, nilagay ko sa basopara mukang chocolate lang na milo

    ReplyDelete
  17. parekoy mukhang inuming pang mayaman yan ha, di pa nasasayaran ang lalamunan ko nyan..ano lasa nyan?
    :)

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???