Ahoy! Hello there! Mustasa kalabasa? May time ng konti para makapag-update ng blog kaya heto nanaman ako at nagsusulat ng kung anong bagay na nais makwento. Since medyo di pedeng bumisita sa blogspot kaya temporary akong nagtytype sa MS-Word saka ko nalang i-papaste kapag ipupublish ko na.
Ang uwian ko for January to February ay 6am kaya naman kapag ako ay darating sa bahay ay inaabutan ko pa ang mga morning shows katulad ng Umagang kay Ganda at Unang Hirit. Pero hindi doon ang main topic ko for today. Eto ay tungkol sa isang comedy show na nakita kong ikinomercial kanina sa TV at di ako makapagpigil na magbigay ng side-comment. Ang show na aking tinutukoy ang show ni Mr. Bean.
Mr. Bean, ito ay ang show ni Rowan Akitson kung saan siya ay gumaganap bilang isang lalaking may pag-iisip ng bata o may pagka-shunga-shungang ewan. Itong show na ito ay isang silent comedy sapagkat walang binibitiwang linya si Mr. Bean at tanging mga actions o kilos lang ang nagiging basehan ng kanyang pagpapatawa.
Noong ipinapalabas pa ito sa channel 5, lahat ng mga kaklase ko sa school ay talagang nakatutok sa new episodes ni Mr. Bean. Ang lahat ay nagiging paksa ng wentuhan ang mga adventures ni Mr. Bean together with Teddy at ang girlfriend niya(ka-fling ata ehehe). Everytime na may bagong episode, lagi itong nakapagbibigay ng katatawanan sa akin.
After some years, nawala sa ere ang Mr. Bean. Then nagkaroon ito animated version pero I don’t know, somehow, the Mr. Bean is not the same. It’s pretty much trying hard and wanna-be. Di na nakakaaliw at may times na nakaka-irita na mismo si Mr. Bean.
After that, mukang nabili ng ABS-CBN ang rights sa pag air ng Mr. Bean show. At first nakaka-excite na mapanood muli ito sa telebisyon. Parang bumalik sa childhood days. Pero habang tumatagal na mawawala at ibabalik ng channel 2 ang show na ito, parang nawalan na ng magic. Wala na ang comedy at funny antics. Naging corny pa nga kasi sobrang na-chochopchop ang isang episode dahil sa commercials. May times na may mga deleted scenes din kaya hindi na ma-grasp ang hilarious moments.
I don’t know. Siguro dahil sa nag-mature na ng konti ang aking kaisipan kaya feel ko na wala ng spark at wala na ang glory days ng show na Mr. Bean. For me, after ng like more than 10x na lulubog lilitaw sa tae ng kalabaw ang show ay unti-unti ng naging walang wenta ng show.
Siguro may mga bagong kabataan ang naaaliw sa show kaya ibinabalik nila ito sa TV pero sa aking palagay, kailangan na sigurong ipagpahinga si Mr. Bean.
prehas tyo.. kapag napapanood ko yung mr bean.. hindi nako natatawa.. siguro masyado n syang gasgas sa utak ko.. pero ung mga pamangkin ko sobra hagalpak nila kay mr bean..
ReplyDeleteprobably because you have simply outgrown it. ganun talaga. even our taste for humor evolves.....
ReplyDeletebakit ako, natutuwa pa din kay mr bean.
ReplyDeleteang cute ni mr. bean hahaha kagaya nia may teddy din ako hahaha
ReplyDeletepara sa akin? Cguro dahil paulit ulit na siya parang wala ng dating skn.. Kung baga kahit paborito mu ung isang pag kain? Kung araw araw mu namang kinakaen? Mag sasawa ka din di b?
ReplyDeleteahehehe..lumipas man ang panahon...at kahit anu pa ang sabihin...aliw pa din si Mr Bean... tama lang siguro ito sa mga mababaw na taong tulad ko...ahahaha... :)
ReplyDeleteako, sobrang natutuwa pa rin kapag napapanood siya. nakakatanggal ng stress. ang ayoko lang eh kapag nagkakaroon siya ng mga dialogues. :)
ReplyDeleteoo nga madalas replay na pina lalabas , kahit nuong una pa, kaya di na din ako mas yadong natatawa :)
ReplyDeleteKahit cliche na talaga, talagang pinapalabas pa rin ito.. Ewan ko ba.. :|
ReplyDelete@kazumi, hehe, atlist naeenjoy ng pamangkins mo.
ReplyDelete@pusangkalye, true, siguro iba na ang humorous sa akin ngayon.
@spiderham, hehehe. di ka pa nagbabago ng taste sa comedy ni mr. bean
@rico de buco, heheh, may teddy ka din? nice.
ReplyDelete@halojin, true, siguro naumay lang ako kasi yearly ko na sya napapanood.
@supergulaman, well, mr. bean is funny. siguro lang nananawa na ako.
@nobenta, hehehe, sa cartoons, mas madami dialog ni bean.
ReplyDelete@Adang, ginasgas kasi ng ABS-cbn e
@Michael, over use ng abs-cbn
basta ako ung old school na Mr. Bean kahit anong gawin nya tawa parin ako ng tawa... lalo na kapag nagdrive sya outrageously gamit ang Mini Cooper nya...hahaha
ReplyDeletelike ko ang mr. bean kapag madalang lang panoorin. yung tipong pag napanood ko sha ulit e hindi ko na maalala yung episode na yun kasi sobrang tagal ko na niyang napanood.
ReplyDeletenakakaumay naman kapag araw-araw tapos paulit-ulit pa.
nakakasawa na rin minsan mr.bean
ReplyDeletepero kapag tumagal-tagal, natatawa rin ako, hehe
:D
wahahahaha. nung bata ako inaasar ako kay mr bean eh. hahaha. natatawa ako . nyahahaha
ReplyDeleteSyempre audiences grow up din kaya panahon na para humanap ng agong kaaliwan na series.
ReplyDelete@tekamots, hehehe,akala ko kung sino na. ang asawa pala ni babaeng lakwatsera :p
ReplyDelete@tr, uu, may times naman na nakakatawa e :D
@kikilabotz, kahawig mo si mr. bean? o mr. bean ang mga moves mo?
@glentot, true, tumatanda din kasi ang audience. hehe
ReplyDeletenatatawa pa rin naman ako minsan ky mr. bean pero pag alam mo na yung eksena parang wala na, kakaumay na.
ReplyDelete