Monday nanaman at umpisa nanaman ng week para sa mga regular employees. Umpisa nanaman ng inyong mga work kasi tapos na ang inyong weekends. Hopefully ay nakapag-pahinga kayo. AT kahaps pala ay yung laban ni Manny Pac-man so tyak, malamang sa alamang ay nanood kayo ng laban nia.
Anyway hi-way, for today, nais ko lang mag-share ng isang korean series na minarathon ko last week (noong nag-restday ako). Ang series for today ay call 'City Hunter'.
Ang series ay magsisimula sa gobyerno ng South Korea na may balak bumawi at gumanti sa pwersa ng North Korean Goverment. May special forces na ipinadala ang gobyerno upang paslangin ang official ng North K. But wait... ang special forces ay pinatahimik ng sariling alliance at sila ay pinagpapapatay... sa 21 na skilled soldiers, isa ang nakaligtas.
Ang nakaligtas ay nagbalik at napag-alaman na may 5 big goverment official ang nasalikod ng pagtraydor sa mga sundalong nagbuwis buhay para sa bansa. Maghihiganti siya pero sa takdang panahon. Ninakaw ni soldier ang anak ng bespren niya at yun ang kanyang trinain.
Ang bata-batutang ay magbibinata na dalubhasa sa pakikipag-fight at sa paghawak ng sandata. Sya ang bida pero hindi sya si Gu Jun Pyo ng Boys Over Flower. Iba name nia! Sya ang magiging City Hunter.
Siya ang maghihiganti doon sa 5 officials na isinakripisyo ang buhay ng 20 soujaboys. Isa-isang huhuntingin at pagbabayarin sa mga krimen na ginawa katulad sa samu't saring kagaguhan sa pwesto.
Ang City Hunter ay bibigyan ko sana ng 9 dahil maganda ang plot ng story pero bagkos ay bibigyan ko na lamang ng 8.5. wahahaahah.
Maganda at mabangis ang mg fight scenes kung tutuusin. Maayos din ang plot na nagshoshow ng corruptions at mga kabaluktutan ng gobyerno/goverment officials. Ganda na e. Nahook nga ako, ang daddy ko pati mommy ko e.
Pero kaya ko binawasan ay sadyang mahaba ang 20 episodes na tig-iisang oras. Yung momentum to watch at excitement per episode ay lulubog lilitaw.
Saka though medyo nakakakilig ang loveteam ni bida at ng ka-sweetheart nia... nakakaburaot din minsan yung pag-ibig ni boy kay girl. Di makumpleto ang misyon dahil sa love. Sarap tadyakan! hahahaha.
Pero over-all, oks naman na ang seryeng ito.
O sia, hanggang dito na lang muna. Restday ko na ulit!!! Wohoo. Series mode nanaman. or baka makahanap ng peliks. TC!
Mukhang astig! :D
ReplyDeletewow it's jun pyo city hunter! hahaha!
ReplyDeleteokay natawa ako... ANG PAG IBIG NGA NAMAN--SUCH A DISTRACTION! hahhahahahaha
Kina-career mo talaga ang pagre-review ng mga Korean & Thai TV Series/Movies/Shows. LOL! IKAW NA!
ReplyDeletenice... dati mahilig ako mangulekta ng korean movies and series. ngayon malayo na ako sa suking tindahan. haha. makahanap nga nito. pero, the best talaga korean pagdating sa plot, yung fight scences siempre kasama din. sana ang pinoy teleserye eh ano... mag-level up naman.
ReplyDeletelove stories naman..anovah!!
ReplyDeletepag tapos na ko sa mga nadownload ko na movies, papanoorin ko to hehehe
ReplyDeletehhahaha
ReplyDeletenaalala ko papa ko lng nagtyaga manood ng series na to lol,at cya rin ang nakatapos hahaha..
ewan ko d pumatok sa panlasa ko to kahit c kee min ho ang bida,,,tama ka nakakaburaot kasi ung lab story dahr,,though ung bakbakan panalo hahaha
oo astigin si jei ho dyan.. hahaha
ReplyDeletekala ko naman me kapangitan nung sinabi mong bibigyan mo sana ng 9 pero---tas .5 lanag pala kaibahan.gumaganun? hahaha.#attitude.:D
ReplyDelete@empi, yep.
ReplyDelete@traveliztera, yep, distraction ang love
@gasul, masagwa ba pag-review ko? huhuh
@tagabundok, sana nga mag-levelup naman ang pinoy serye
ReplyDelete@akoni, next time
@bino, hehehe
@unni, hahah, tinyaga ng dad mo
ReplyDelete@kikomaxx, yeps
@pusangK, uu, attitude talaga :p