Saturday, November 12, 2011

ZsaZsa Zaturnnah!

Hello! Kamusta! Weekends na at oras nanaman para ang mga tao ay mag-saya dahil oras ng pahinga nila. For me, aantayin ko pa na matapos ang saturday at sunday bago ako magkaroon ng time to relak and tek a brek.

For today, wala pa din tayong peliks na ipropromote pero this time ay book mode naman.

pic galing sa google

Etong featured book for today ay matagal ko ng nabasa sa bahay ng HS friend ko mga 6 or 7 years na ata ang nakakaraan (kung tama ang pagbibilang ko. hahaha). Since ngayon lang naman me nag-uumpisang magkaroon ng kakayanan makabili ng libro ay ngayon lang ako nagkaroon ng sariling kopya ng libro.

Kung nakita mo ang larawan sa taas at ang title ng post, siguro naman di na kayo magtatanung kung anong pamagat ng libro. Unless super slow ang understanding mo at akalain mong si Darna yung nasa larawan... Mali ka! Si Zsazsa Zaturnnah po iyan.

Okay... Ang synopsis ng book ay tungkol sa isang bakla na parlorista na habang kumakanta ay nabagsakan ng isang falling object. Ang bato ay sinlaki ng avocado (estimate) na kailangan nya isubo ng buo para maging supah-hero.

Sa libro ay ipagtatanggol ng bida ang bayan nya (bayan lang, wag mag-inarte na buong mundo ililigtas!) against sa Amazonas na nanggaling sa ibang planets. 

Ang libro or mas mabuting sabihing Graphic Novel ay super nakakatawa. Nakaka-tanggal stress at nakakatanggal ng bagot. :D

Makikilala ninyo ang sidekick ng bida na si Didi at ang mga kontrabids na sina Dina B., Sharon C., Nora A. at Vilma S. Wahahaah.

Iskor ay 9.5! Wohoooo. Almost perfect. Bakit di naging 10.... Kasi yung cover ng libro, parang madaling nababakbak. Lols. 

Added info, dahil sa ganda ng book, ginawa ngang play / peliks. Alam ko sa play si Eula Valdez ang gumanap tas sa nahanap ko sa youtube, si Zsazshing na!


O Sya, hanggang dito na lang muna! TC!

5 comments:

  1. maganda nga raw yan, pero di ko pa nababasa.

    ReplyDelete
  2. i have that book. i even watched the play. hehe


    bespren ni ada: isubo mo na ang bato
    ada: ang laki ng bato, nakakahiya!
    bespren ni ada: ada, sa mata ng iba, ang pagiging bakla ay nakakahiya na agad..

    aaww!

    ReplyDelete
  3. Oh yes. Nasa top10 fave of all time ko 'to. :))

    ReplyDelete
  4. Isa to sa mga fave kong stories! Even the play was really hilarious.

    Kaso fail na yun movie. Hahahaha.

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???