Wednesday, November 2, 2011

Hana Kimi! Hana Kimi!

Kamusta na kayo? Hello! Kamusta ang naging long weekend nio? Ahahah. Bitter slight padin sa mga nakapaglong-weekend. wahahaha. Anyway, wala po tayong movie review or book review. For today, wewento ko lang ang isang Japanese series.

Hana Kimi, isang manga series sa bansang hapon at dahil sa kasikatan ay ginawang series. Dahil din sa popularity nito nagkaroon din ng taiwanese version at meron ding remake after ilang years.


So ano naman ang kinalamans ng post na ito? Well, kasi napanood ko na pareho yung sa Japan at kahit yung sa Taiwan version at nais ko lang bigay comparison. :D

Teka, sa mga curious kung ano ang wento ng Hana Kimi, sasabihin ko na. Eto ay wento ng isang girl na may crush sa isang boy na isang high jumper (hindi po yung sinusuot na damit). Mula sa amerika ay nagbyahe sa country ni boy si girl at nagpanggap na lalaki sa isang all-boys school. Ang balak niya ay mapabalik muli sa pagtalon ang kanyang crush. 

Dito na magsisimula ang wento kung paano maitatago ni girl ang kanyang keps pagkababae. Dito din mag-eevolve ang love triangle at mga side story sa school. :D

Taklong version na napanood ko. hahaha. Parang yung sa hanayori dango lang. :p Aniways, nais ko lang i-share ang pinagkaibahan ng taklo.

Taiwan Version-



Eto ang una kong napanood way back 2008 pa. Ang bidang babae ay hindi cutie. ahhaha. uu, ako na medyo mapanghusga pero ewan ko... Mukang tiboli yung girl at walang cuteness akong nakikita.  Medyo imba ang labteam nung girl at boy. 

In terms of the story, funny sya at medyo kiligers din. Medyo focus ang story sa love story between the 3. 

Japan Version 2007:



Napanood ko ito last month pero ipinalabas to sa telebisyon kasabay ng Hana Kimi Taiwan version way back circa 2008. Mas cute di hamak yung babae na nagpanggap na lalaki. Balanse ang cuteness ng taklong kasama sa love triangle.

Much funny ang series na to kasi kakaiba mga facial expressions ng mga actors lalo na ang mga supporting pips tulad ng mga kaklase. Dito may focus din ang 3 group/ dorms ng all boys school na hindi masyadong featured sa taiwan version.

Ibang klase ang acting skills nung isang karakter na may pangalan na Nakatsu. Nakaka-elibs ang skill nia para  mag-express ng nasasa-isip nia without explaining much verbally.

Japan Version 2011:



Ngayong 2011 lang ni-release itong series na to sa japan pero last week ay nakabili na me ng completong episode nito sa suking pirats.

Same story sa japan series 2007, same musical scoring and so pero different lang ang mga actors na nagsiganap para sa serye.

Oo nga pala... Medyo tame ang comedy sa series na to kasi wala na yung mga crazy facial expressions ng ibang students lalo na yung mga dorm leaders. 

----------------------------------------------------------------------------------------------

Sa taklong serye, mas nagustuhan ko ang japan 2007 version. Kakaiba kasi yung komedya kahit over the top ang acting ng mga students. Next na okay ay ang Taiwan version. Kahit di kagandahan si girl, medyo nakakakilig ang ilang eksena nila with her crush. Last ay yung remake ngayong 2011. Ewan ko. Di ko feel ang  naging takbo kahit same story lang sa 2007.

Pahabol.... ang bansang korea ay gagawa na din ng kanilang version ng Hana Kimi. Wala pa akong makitang larawan ng cast kaya mukang surprisa ang mangyayare.

O cia, hanggang dito na lungs muna. TC mga pipol! Hehehehe

15 comments:

  1. ung taiwanese version ang pinakagusto ko :D

    ReplyDelete
  2. yung taiwanese yung pinakabibo.. hehhe

    ReplyDelete
  3. ahhh talaga me 2011 remake? gusto ko din ung 2007 Jap version, kasi parang nagfocus siya hindi lang basta dun sa love story pero pati dun sa friendship at pagiging competitive ng mga dorms lalo na ng dorm heads :))

    pag kilig-factor, ung Taiwan version ang panalo hehe

    ReplyDelete
  4. mukhang mas gwapo at mas magaganda yung artista sa japan version :) Pero yung gusto kong mapanood yung pinaka nakakatawa na version.

    grabe, napansin ko lang, pare pareho pala sila ng hair styles. Kailan kaya malalaos yang gayang hairdo.

    More than 10 years na, wala paring ibang hair trend. haha

    ReplyDelete
  5. haha i used to watch this too sa ch2. yung taiwanese version. cute din, mejo kulang lang sa ganda yung girl. mapanghusga din ako like you. hehe

    ReplyDelete
  6. mas trip ko yung Taiwanese version kungpara sa korean

    ReplyDelete
  7. Natatawa ako sa mga mukha ng mga japanese classes ng hana kimi, parang manggagahasa lang. LOL! Mas gusto ko pa rin iyon taiwanese version, kasi natawa talaga ako sa kanila. :D

    ReplyDelete
  8. h,mmmmm.baka next time me Pinas version na rin ha.yun rin pansin ko sa Taiwan version.di maganda yung girl kaya di catchy sakin.hehehe

    ReplyDelete
  9. mas napanood ko yung jap version mga ilang episodes ng taiwanese version kasi makulit ang kapatid ko na panoorin ko daw..pero mas nice siguro kung sa manga...hehehe

    ReplyDelete
  10. nabanggit sa akin to ng pamangkin ko na mahilig sa kpop at jpop na magkakaroon nga daw ng hana kimi na koryan bersyon. :D

    ReplyDelete
  11. Ay sorry di ko hilig ito, Death Note na lang hehehe

    ReplyDelete
  12. @bino, ako dati taiwan pero nagustohan ko japan. :D

    @kikomaxx, heheh, taiwan din you?

    @jaki, yep,pagkilig, taiwan, pag friendship and camaradiri at comedy, japan

    ReplyDelete
  13. @rah, hohonga e, di nagbabago buhok

    @chyng hehhe, hindi kasi cutie ung girl... kulang

    @axl, napanood mo na korean?

    ReplyDelete
  14. @michael, nakakatawa din japanese :p

    @pusangKalye, hehehe, patay pag ginawan ng pinoy remake

    @tabian, uu, nice ang manga

    ReplyDelete
  15. @artiemous, ginagawa pa lang yung korean version

    @glentot, maganda deathnote

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???