Kamusta na kayo mga madlang pipol? Okay naman ba ang inyong araw ng pahinga? Today is sunday at kung saan ang araw na ito ay malamang sa alamang ay nagsasaya ang lahat dahil araw nanaman para makapag-bond ang pamilya at makapaglamyerda.
For today.... ewan ko.... tinanatamad nanaman ata ako e. Lakas makatama ng katamaran. Para akong lumangoy sa alak at nais ng 24 hours na tulog.
Sa mga gantong pagkakataon... minsan para akong sinasapian ng ka-emohan at kung ano-ano ang sumasanib sa aking isipan at basta-basta ang napagmumuni-munihan ko. Like for today......
Sa mga medyo good vibes and feel good people na ayaw mahawa ng slight depression.... i suggest to close this window.... and then walk away. Mag momoment muna ako ha.
Ang buhay ng isang nagtratrabaho ay parang pagsali sa reality show na Survivor. Mag-isa kang sasabak sa isang isolated na lugar kung saan di mo alam ang environment mo. Sasabak ka sa isang lugar kung saan wala kang kakilala at tanging sarili at kakayanan mo lang ang baon mo upang magtagal.
Pagpasok mo, magkakaroon ka ng chance na masilayan ang mga ibang taong nakikipagsapalaran din. Magkakaroon kayo ng first time to size up possible ally or foe. After that, you will be divided into teams. Goodluck ang ihihiling mo sa sarili.
Sa iyong team, magkakaroon ng chance para makasalmuha mo ang mga makakasama at makakatrabaho. You like it or not, sila ang ikokonsidera mong pamilya.
During challenges, dito magkakaalaman kung ano ang kakayanan mo at ano ang kakayanan ng iyong mga kasama. Team effeort ito. Tulungan. Sama-sama. Lalaban. Kasundo mo man o hindi, dapat work as one.
After ng challenges.... it's either marecognize ang trabaho nio o hindi. Parang kahit magkanda-pagod kayo.... kung hindi kayo ang nagtagumpay... well sorry. walang reward. Masaklap nito.... immunity challenge pala ang nilaro nio. deads.
Kung inalat ka at natalo kayo.... dito na magkakaroon ng pagbabago. It will be evaluation of performance. Ikaw ba yung humila sa grupo? Isa ka bang weakling? Mababa ba iskor mo? Dito sa parteng ito magkaka-alaman.
Sa puntong ito, sa trabaho.... it will be your choice whether you wish to go on and give a fight or pede ka ding magdrama at mag-inarte kung susuko ka. Resign o hindi? Pero sa laro ng survivor, tatanungin ka kung mag-quit ka o madami ka pang drama na pagpapapansin bago ka maalis.
Ang trabaho ay parang survivor tribe/ team. Kayo ang family... pero at the end of the day..... may heirarchy. Kung sakaling walo kayo.... malalaman mo kung sino ang dikit at sino ang outcast. Sorry ka na lang kung ikaw ang huli at kulelats.
Work life ay parang twist ng survivor... Puwedeng may EXILE island. Yun yung tipong ilalayo ka sa tribe mong mahal para iwan ka sa isang isla upang danasin ang pag-iisa at kalungkutan. You will be living on your own. Alone. Nobody to confront. Walang makaka-usap.
Pag nasa-exile ka.... di mo alam kung magbabago ang rank mo sa tribe. Di mo masasabi at mapapaniwala ang sarili na part ka pa. Hindi mo mamamalayan.... you're next to go.
Sa trabaho... parang botohan.... yung mga kakilala mo at nakasama... maya-maya unti-unti silang mawawala. Ang mga nag-quit ay nag-resign. Ang mga na-vote-out ay parang na-promote. Maaring maiwan ka o kayo. Malamang sa malamang pa... may Merge. Panibagong pakikisama sa ibang tao.
Ang pagtratrabaho mo ay parang pag-istrategy mo sa survivor. Ikaw ang bahala kung gusto mong maglaro ng may integrity o hahayaan mong lumabas ang inner demon mo. Be good or be bad.... it's all up to you.
Tapos.... parang sa reality show.... you may played a good game.... yet the viewers may tagged you as a villain depending on their own perspective. Parang mga taga-check ng performance mo.... Sila ang maghuhusga sa iyo kung saan ka ba mahahanay.... Heroes or Villains.
Immunity..... eto ang ang kakailanganin mo para magtagal sa trabaho. Dapat makuha mo to. Hindi pwedeng hindi. It's either makuha mo ang immunity idol sa challenges or mahanap mo ang hidden immunity idol para maproteksyunan mo ang sarili mo.
Sa huli...... sariling disarte mo ang magtatalaga sa iyo kung hanggang saan ang journey mo sa game o sa trabaho. You're game will define you're place.
Para sa akin... siguro nadanasan ko na ang first half. Been a new castaway. Had a tribe. Have friends got eliminated. Been scrambling from different ranks to another. Na-homesick at naisip kung mag-quiquit. Pero nagdecide to stay. Na-experience ko na din na ma-ranked as weakest of the tribe.... Had ups- and downs. Experienced rewards. Napunta sa merge....
Until now, still fighting... looking and fighting for that immunity idol. Pero di ko alam... Mukang andami pang twist sa laro na ito. As of now.... kumonti man ang alliance ko.... i will try to push myself to the limit until possible one day, i can be a sole...... SURVIVOR.
base muna ako, ang haba....
ReplyDeleteWag mong hahayaang mamatay ang apoy mo. Fire symbolizes life!
ReplyDeletesuper agree!!!
ReplyDeleteyakang ayaka mo yan khanto, hnd ko na mapahaba pa
ReplyDeleteayyyy khantooo winnnnerrrr ang post na to... kakatuwa basahin na inihalintulad mo in real life... ang survivor.. hehehe :))
ReplyDelete@akoni, nagbase ka lang
ReplyDelete@orange, tomoh!
@bino, salamats
@kikilabotz, salamats
ReplyDelete@egg, hahaha, survivor viewer ka pala :p