Hello there, this is my second restday pero di na ako maglalakwatsa kasi kailangan mga 5pm or 6pm matutulog na ako para sa work bukas. Well anyway, for today may peliks akong ishashare sa inyo.
Pupunta nanaman tayo sa bansang Thailand dahil doon galing ang peliks. Thai movie nanaman tayo. Ang title nito ay 'Four'. Ibig sabihin ng title, apat na part. Syemps.
1. Clean-Up Day
May magkakaberks na nag-wewentuhan sa isang place sa labas ng mall about the global warming. Napagwewentuhan nila na ang mundo ay may sakit na cancer at ang tao ang cancer. So ang sagot daw ay kelangan madedo ang tao o parang holocaust (<-tama ba spelling ko? ). Then it turns out isa sa kanila pala ay nagkaroon ng way to perform a mass killing by using cellphone.
-reaction ko sa unang part... it's not scary. May pagka-gore lang pero di rin ako nasiyahan. Hahaha. pucho-pucho ang acting. Badookies. ahahahah. 6/10 ang puntos.
2. Gift Shop for Hater
May napromote bilang boss. Si bossing ay nibigyan ng gift ng mga katrabaho nia. Bumaba siya sa building ng office to try to buy thank you gift at napadpad siya sa isang wierd shop. Eto ang shop para sa mga taong kinaiinisan mo. Di sya naniwala sa products. Pero winarningan siya na may bumili na sa shop ng 6 na items at siya ang target. Sa pag-uwi nia, isa-isang narereveal ang mga things na gamit nia ay galing sa shop of hate. At naging paranoid si koya at nabunyag sa bandang huli kung sino ang kumag na tinarget si boss.
-Mas gusto ko to kaysa sa una. Medyo kakaiba yung story kaya naman pasok sa aking taste. Hehheehe. Though di gaanong realistic yung mga gadgets sa shop of hate, masasabing pweydey na. 7/10
3. Eerie Nights
May magpakners na magnanakaw. Sa isang heist nila, nakapatay yung isa. Forward ng konti. Yung isang lalaki ayaw ng sumama sa heist. Nagrequest si other guy to perform a last performance at nagsama ng kapatid nung nakapatay para turuan ang brother nia as a new pakner. Successful ang pagnanakaw kaso may pulis on the way kaya nagtago sila, napadpad sa isang abandonadong hospital. Dito nagsimula ang isang something dahil may parang ghost o mysterious voice/ someone na nakakaalam ng identity ng taklo. At dito magsisimula ang medyo gore part dahil on the last part, ang request nung ghosty ay putulin ni boy nakapatay ang kanyang daliri. eeeee.
Score, 8/10. Di sya totally nakaka-creep out pero gusto ko yung naging takbo ng story. Medyo action pero iba yung twist. Yung mapapasabi ka sa sarili mo na yun pala un. Tapos yung ending... hehehe, karma.
4. Who R Kong
May matandang lolo na nategoks. Bago malagutan ng last breath, nagrerequest si lolo na wag ilibing at wag icremate hanggat.... Wooops, natigok na bago nia masabi ang complete request. Ayun, sinunod ng family ang request. Parang daing/tuyo si lolo pero di pa nililibing. Then ang mga nirerequest na tagabantay ng family ay nakakaexperience ng wierd things kaya walang nagtatagal. Then napagdesisyunan na yung mga apo na lang muna magbabantay. At doon magsisimula ang pagpaparamdam ng mummified lolo.
Actually, di ito nakakatakot. Medyo creepy lang yung cadaver o tuyong bangkay ni lolo. eeeek. Pero nakakatawa yung ilang eksena katulad ng isang apo na joklush. Wahahah. Ang kulit kasi ng reaction niya nung tinabihan siya nung lolo. Napapa-nobody-nobody but you reaction. hehehe. Tapos meron part na may isang apo na malibog na biglang dinalaw din ni lolo bangkay. Laugh trip talaga. Score is 8/10. :D
Masyado ng mahaba ang wentohan so dito na matatapos ang peliks sharing. Hanggang sa uulitin :D TC
note: ang pictures ay di ko pagmamay-ari at walang link kasi DVD ito.
I hate Thailand talaga!!!THey have a lot of good movies with hot men and women na nakaka tempt panuurin.kainis.hahaha
ReplyDeletemabuti naman at kahit papaano eh may napanood ka habang nagbabakasyon ka
ReplyDeleteI remember 4-bia sa movie review na ito... 4 in 1 din sya...
ReplyDeleteang masasabi ko lang.. kung sawa ka na sa Japanese horror ng mga babaeng nakalugay na parang di nag-rejoice at sa Pinoy movie na ginaya na ang Japanese movies.. Go for Thai horror, just don't expect too much sa acting ng mga tao.. :p
ung gift shop of hater na lang muna papanoorin ko hehehe. Bino
ReplyDeleteMukhang maganda ang peliks na 'Gift Shop for Hater'...
ReplyDeletelol panalo ka talaga pagdating movie review!! astig!!!
ReplyDeleteokay walang link...maghahanap me! tseeee
ReplyDeletekung maka-shake-rattle-and-roll ang drama ng peliks.. gusto ko rin ng thai... hakshully, i was mistaken as thailander.. ok ako na.. hahaha
ReplyDeleteParang shake rattle and roll lang, apat na kwento nga lang.
ReplyDeletegelo... maganda talaga yung clean up..may part doon na di ko gusto whahahhaa...
ReplyDeleteNatatawa ako na na-spell mo iyong holocaust ng tama, pero na-mispell mo naman iyong weird. LOL. Ako na proofreader! :D:D:D:D:D:D:D
ReplyDeleteang tindi mo, napanood mo lahat yang movies sa rest day mo lang?
ReplyDeleteI think isa pa lang napanood ko na Thai film. Sinama ko mga 'to sa listahan ko. Hahaha!
ReplyDelete@pusangkalye, mas mukang pinoy mga thailanders
ReplyDelete@kiko, uu, hehehe :D
@AJ, true!!! :D
@bino, heheh, okay yung part na yun
ReplyDelete@mommyrazz, okay nga :D
@iya, salamats
@akoni, pag thai movie walang link :p
ReplyDelete@ardee, yep, hawig kasi thai at pinoy./
@orange, yeps :D
@axl, naguluhan ako, nagustuhan mo pero di mo nagustuhan? hehehe
ReplyDelete@michael, sorry naman
@chyng, 1 movie lang yan
@pinay travel junkie, salamats
ReplyDelete