Pag nagrandom ba sabaw agad? pwede bang madami lang anik-anik na nangyayari na mas madaling iwento kesa magsalaysay ng uber haba-thingamabob.
1. After 3x na ako ay bumagsak sa knowledge check eklat sa opis, finally, nakapasa din ako for the 4th quarter! Yung eksenang hindi 50+ or 70+ ang score, lumagpas sa 80! yes!
2. Yung moment na magastos ang week ko lately. Yung umeksena ang Happy Meal toys na pokemon tapos cumokombo pa yung Starbucks planner sticker. Ay naker.
3. Bumili ako nung slumbook tanso edition ng Witty will save the world. pero ang problem, nadyadyahe naman ako magpapirma ng slumbook. lols.
4. Yung nagmarathon ka ng korean drama na Sungkyunkwan scandal tapos pakingshet na piniratang DVD kasi pagdating ng episode 13, aba, parang nag-iistop dance ang peg! Humihinto-hinto! Nabitin ako sa nipapanood ko.
5. Ang sister ko, aba, lumarga nanaman, at nagbook ulit ng flight sa labas ng bansa. So by March nek year, Ho chi Mihn daw, mukang Vietnam ang lipad. Anader gashtush.
6. I'm torn between Digicam or Adroid phone. alam mo yung kapag nag digicam ako, pang-apat na cam na iyon(1st-na-ondoy, 2nd-ninakaw, 3rd-naiwan sa taxi). Tapos kapag nag-android phone naman, di ko naman masusulit since wala naman akong katext at ka-call.
7. Ang eksenang init na init ka pero hindi dahil sa libog kundi sa init ng panahon with the help of fatness and long hair. Ayun. Nagpajupit ako ng buhok para presko. Pero pak, nawindang ako sa haircut, 160 siningil sa akin. Akala ko pipit (pipitsuging salon lang) napasukan ko, dapat nagbarberya na lang ako, 40 or 50 lungs.
8. Hanggang ngayon di ko pa napapanood ang peliks ni Lilia Cuntapay. Hays.
9. Greet natin ng habertdei si Bino! Ang blogger ng Damuhan.com :D
10. Tapos na ang random! O cia, take care!
pipirmahan ko ung slumbook dali! lol
ReplyDeleteano ba mas need mo? cam o android? :D
wala akong balak kumpletuhin ung SB stickers. mahal! hahaha
gusto ko rin pumirma sa slum book hehehe..
ReplyDeleteuso pa pala ang slumbook. pirma din aketch.
ReplyDeleteGo for Android, kasi pwede kang bumili ng phone na maganda ang camera with flash, marami ka pang apps and games na pde mainstall, pde ka pa mag-Internet. O ha! O ha!
ReplyDelete(Dyahe talaga magpapirma sa slumbook) hehehe
wow dame camera arbor na yung isa oh hahaha
ReplyDeletekapag ako nagkapera susundan ko yung ate mo sa vietnam. =))
ReplyDeletehappy birthday pareng bino \m/ may the bebots be with you.
"I'm torn between Digicam or Adroid phone." --same na sitwasyon ang nararanasan ko ngayon. Wew, hindi ba pwedeng pareho? Haha, ayaw makisama ng budget ko :D
ReplyDeletethe Lilia Cuntapay film is good. there are holes but kudos to Antoinette Jadaone for glorifying one of the most underappreciated personality of the industry
ReplyDeleteako din, pa sign sa slumbook mo wahehehe :D
ReplyDeletedigicam na lang bilhin mo. malay mo may magregalo sayo ng adroid phone sa pasko ehehehe!
ganun talaga ang mga pirated dvds, nagda-dance revolution!
-padala mo dito pipirmahan ko yan, wag kang mahiya ok lang yan..wehehe
ReplyDelete-wag mo nang e complete yung SB planner, ok lang if gumagamit ka talaga ng planner..kung di naman eh additional gastos lang
-digicam nalang mas magagamit mo pa, this time bumili ka narin ng leash na matibay para hindi na maTY..LOL
pi2rma din ako dyan sa slum book mo,dali bili na u! :))
ReplyDelete